"Magagawan natin ng paraan 'yan Loki"

Hindi ko maiwasang mag eavesdrop sa narinig ko. Mortal? What are they talking about? I don't want to misinterpret things kaya iniisip ko na pangalan or surname ang word na 'Mortal'

Sumilip ako sa pinto and I saw Dred talking to a man na kasing edad nya lang halos. Wow! I never thought na mala-artista ang mga kaibigan nya. Ang gwapo nyang nilalang. Sino kaya ang isang 'yun.

"Anong ginagawa mo dito Alexis?"

Halos lumabas ang puso ko sa sobrang gulat nung may magsalita sa likod ko. Lumingon ako para tignan kung sino "D-dred?" Papaanong—

Sumilip ulit ako sa loob ng kwarto, but nobody's there.

Unti-unti kong pinihit ang katawan ko para tinignan si Dred, ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. I want to believe na naghahallucinate lang ako kanina. Pero hindi eh, nasa loob talaga sila ng kwarto kanina. "Bakit parang nakakita ka ng multo?" Tanong nya.

"Nasa loob ka ng kwarto kanina diba?" Kinakabahang tanong ko,

Hindi sya tumanggi. "Oo"

"Papaano ka napunta dyan sa likod ko?" Tanong ko pa. Oh god! May masamang elemento bang sumasapi sa'kin? Bakit kinikilabutan ako.

"Ano bang sinasabi mo Alexis? Dumaan ako sa harap mo, ikaw ang tulala dyan kanina pa" Aniya.

Umiling ako ng sunud-sunod dahil sigurado ako sa sinasabi ko. "Hindi eh, kitang-kita ko talagang nasa loob kayo ng kwarto kanina. At saka nasan na 'yung lalaking kasama mo? Bakit wala na—"

"Ako ba hinahanap mo Binibini?"

Lumingon ako sa kaliwang side ko. The man a while ago is now standing right next to me. What the hell is really going on?

"Ikaw nga! Ayan tama, ikaw ang kausap ni Dred kanina. Pinag-uusapan nyo ang tungkol sa mga mortal at council," Nagkatinginan silang dalawa dahil sa sinabi ko. "Oh see? I told you, hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko—"

Natigil ako sa pagsasalita dahil ngumiti sa'kin ang lalaking kausap ni Dred. And in just a snap of his finger, unti-unti akong nakaramdam ng antok.

**

Dahan-dahan kong iminulat ako mga mata ko. "Shit! Nasaan ak—Aww!" Inililibot ko ang tingin ko sa paligid with my right hand on my head na hinihimas ang nauntog kong noo, dahil sa lecheng bintana.

"Paano ako napunta dito?" Tanong ko kay Lucian.

Tahimik lang syang nakasandal sa driver's seat ng naka-park kotse.

"Sabi ni Gaspar nahimatay ka, ano bang nangyari?" Tanong nya sa'kin. Sumilip ako sa bintana ng kotse. Mula dito ay natatanaw ko na ang mga lalaking walang ginawa gabi-gabi kung hindi punuin ng alcohol ang bahay-alak nila. We're now back here sa squatters area na tinitirahan ko.

"Hindi ako nahimatay ah!"

"Eh bakit nakatulog ka?"

Bakit nga ba ako nakatulog? "Ang naaalala ko kasi nag-aayos ako ng gamit kanina dahil mag-aalas dos na ng madaling araw, tapos lumabas ako ng kwarto—tapos—"

Writer's BlockWhere stories live. Discover now