I crossed my arms and legs saka tahimik na humarap sa bintana.

"May pagdiriwang sa mga Arentsvelt sa isang gabi,"

Nadinig ko ang sinabi ni Lucian, pero hindi ko sya nilingon. Eh ano ba namang pakialam ko sa party? Secretary ang trabaho ko sa kanila, hindi party organizer.

"Kaya hindi ka muna pupunta doon"

Mabilis kong inalis ang magka-cross na arms, pati legs ko at tumingin sa kanya. "Wait-wait, baka naman ako ang mapagalitan sa sinasabi mo,"

"Nadinig mo ang sinabi ko, hindi ka pupunta"

"You're insane" Bulong ko.

**

"Ako ho ba talaga ang kailangang magdeliver ng mga invitation na 'to?" Tanong ko. 'Yan na nga ba sinasabi ko eh, secretary daw ako? Pero pumapart-time delivery girl? Baka naman sa susunod pagpinturahin na ako nitong buong mansion ng Arentsvelt o kaya pagkuskusin ng alikabok ng kisame.

"May problema ba Binibining Salvador?"

Tumawa ako kahit fake na fake naman ang tawa ko. "Ay nako wala po!" Palusot ko. "Hindi ko lang po alam kung paano ko 'to idedeliver, may address nga hong nakasulat kaso hindi ko din naman kung saan ang mga lugar na 'to" Dugtong ko habang ini-scan ang listahan ng pangalan na bibigyan ko ng mga invitation. Tinignan nya lang ako pero wala syang sinabi kahit ano hanggang sa talikuran na nya ako at nag-umpisang maglakad palabas ng kwarto.

Bakit ba ang moody ng mga taong nakikilala ko? Wala man lang ba akong makikilala na mabait? Mapa-matanda, o ka-edad ko laging may saltik!

"Uhhm Sir Gaspar" Tawag ko sa pangalan nya bago pa man sya tuluyang makalabas ng kwarto. Tumigil naman sya sa paglalakad kaya nagtanong na ako, "May itatanong po sana ako"

"Ano?" Tipid na tanong nya. Hindi na din nya nakuhang humarap sa'kin.

"Invited din po ba ako dito sa party? Hehe naisip ko lang naman, hindi ko po kasi alam kung pupunta ako dito sa isang gabi o—"

"Hindi" Putol nya sa tinatanong ko.

"Sabi ko nga po matutulog na lang ako sa bahay. Hayy ang sarap matulog sa kama ko" Ang dadamot nila ah! Edi sila na may party. Sayang, I was thinking pa naman kung pwede kong isama sila Eureka at Samara.

**

Mag-aalas dos na ng madaling araw kaya nag-umpisa na akong mag-ayos ng mga gamit para makauwi na. Hindi ko maimagine na ganito lang gagawin ko gabi-gabi kikita na ako ng pera. Bongga diba? Samantalang 'yung ibang tao, todo bungkal ng basurahan, kalakal ng bote maghapon, magdamag. Ang iba ay todo hiyaw at luto ng mga ititinda nila para kumita ng pera.

Samantalang ako, magdamag tutunganga at mag-aayos ng mga papel na hindi ko maintindihan ang meaning dahil nakasulat sa ibang language. Tapos susweldo na ako. O edi wow!

Naglalakad ako sa mahabang pasilyo mag-isa. Thank goodness dahil madali kong ma-familiarize ang mga dinadaanan ko kaya hindi ako naliligaw.

"Hindi maaari ang iyong sinasabi Master Kindred, alam mong hindi papayag ang council na magkaroon tayo ng koneksyon sa mga mortal"

Writer's BlockWhere stories live. Discover now