Bumuntong hininga ako walang nagawa kundi kuhanin ang trashbag na kanina ko pa dapat itatapon. Sayang lang ang oras ko. Sayang lang din ang manuscript na mga naipasa ko na kay Ma'am Gloria.

She's the owner of this prestigious building here in Washington. Ang business nila ay pasok sa film industry. Sinusubukan kong ipasok ang mga gawa ko, kaso hindi raw pasok sa panlasa nya.

I pouted. Inilibot ko ang aking paningin, nagkalat ang mga artista, singers, at iba pang uri ng mga kilalang tao na pabalik-balik dito at sa Pinas. Ganon kakilala si Ma'am Gloria. Kilala rin sa buong mundo ang kaniyang management. Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang isang assistant ng isang kilalang artista ngayon.

She's the worst! Grabe kasungit at ka-matapobre! But what can I do? Wala akong choice. Ginusto kong mag-apply ng personal assistant dito dahil naisip kong pwede iyong maging susi para mailapit ko kay Ma'am Gloria ang mga gawa ko. She's actually open for my works naman, gaya nga ng sabi nya kanina, she's reading my works. Ayaw lang nya talaga tanggapin ang mga gawa ko.

"Clean these mess now, Liah! Bilis!" salubong sa akin ni Hirah. Inirapan nya ako bago walang hiyang tinapon sa sahig ang tissue na ginamit nya bilang pang-alis ng makeup.

Kasalukuyan kaming narito sa studio dahil may photoshoot sya.

"Nice work, guys!" bati ng staffs sa kanilang dalawa ng partner niya sa shoot. Saglit ko silang pinanood na magpaalaman bago ko pinagpatuloy ang paglilinis ng sahig.

"Liah, make it quick!" ani Hirah bago tuluyang lumabas kasama ang kaniyang nobyo na kanina pa naghihintay sa kaniya. Ang ilang staffs ay nagsialisan na rin kaya minabilis ko na ang paglilinis kahit hindi ko naman ito trabaho.

"I told you to quit."

Gaya ng madalas kong gawin, palihim akong umirap bago ko ipinagpatuloy ang pagpupunas ng sahig.

"Your stories can reach the editor without you here," dagdag pa nya kaya tahimik akong tumango. Napabuntong hininga ako nang mag-umpisa na siyang tumulong na naman sa akin.

"Just leave it there. Apat na oras yung naging shoot nyo. Umuwi ka na," pigil ko sa kaniya.

"This needs a lot of manpower to be cleaned. This studio is completely messed up," he replied lightly. "Gagamitin namin ulit ito bukas, they might scold you again."

"Hanggang kailan kayo magiging magkatrabaho ng boss ko?" out of nowhere kong tanong. Nakaluhod sa sahig ko siyang nilingon.

"Why? You want to get rid of me so badly, ano?" tipid na ngumiti siya kaya napangiwi ako at kaagad umiling. Iniwasan ko siya at pinagpatuloy ang paglilinis. "I'll call for assistance na lang. Let's go—"

"Konon!" banta ko sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya natigilan sya bago tumawa. Kaagad naman akong nahiya kaya napalunok ako. "This is my work. I should do this... alone."

I heard him sigh this time. Mula sa pagkakayuko sa mga kalat ay maayos siyang tumayo at namulsa. "I'm sorry. This is your job, I remember. We should always do our job."

Buti alam mo.

Matapos sabihin iyon ni Konon ay lumabas na siya. Binilisan ko naman ang paglilinis dahil nakakahiya sa kaniya.  Sure kasi akong hindi yon uuwi hangga't hindi ako nauwi. Actually... I don't know what's wrong with him. Out of nowhere, namalayan ko na lang na palagi syang nandyan. Hindi ko naman sya tinuturing na kaibigan o ano. Minsan no choice lang talaga ako kaya ako nasama sa kaniya. He's the kindest person I've known, to be honest. Parang walang bahid ng kasamaan ng mundo.

I don't know if it's wrong to feel comfortable with someone I don't even know before.

"Nakita kong nagtatalo na naman kayo ni Ma'am kanina," tukoy ni Konon sa kaniyang nanay.

A Martial's Query (Saint Series #6)Where stories live. Discover now