CHAPTER 49 ~ Wedding ~

Start from the beginning
                                    

"Right, isa kang cereal..lucky charms cereal."

Nakangiwing tinignan ko siya at namula naman ang muka niya. Iwinisik-wisik ko ang kamay ko sa harapan ng muka niya at nakasimangot na iniwasan naman niya ang kamay ko.

"Nahawa ka na ba sa kakornihan ni Hade?"-me

"Wala akong kilala na ganon ang pangalan."

Tumikhim ako.

"Para sayo ako'y magbabago kahit mahiraaaaaaap!-"

Natawa ako ng biglang tinakpan ni Quin yung tenga niya. Kelan pa kasi namin siya inaasar tungkol doon. Sa talaga namang nakakakilig sila ni Hade. Tiyak na magpapapyesta ako kapag nagkabalikan sila.

"Halika na?"-quin

Tumango ako.

This is it.

OMG!

PARANG hihimatayin na ako ng huminto ang sinasakyan kong kotse sa tapat ng simbahan. Marami ng tao sa labas na pinapaayos na ng coordinator.

Light pink ang motiff though may kahalong fuhsia at design ng maliliit na bulaklak. Cherry Blossoms. Yun kasi ang theme ng kasal namin ni Craige. Not Japanese style though gusto ko yung Cherry Blossoms kaya yun na lang ang ginawa naming theme.

Kahit na hindi pa ako pinapababa, bumaba na ako. Mukang wala namang nakapansin sakin dahil busy silang lahat. Sinasarado narin yung malaking pinto na papasukan ko at yung pinto na lang para sa mga abay ang nandoon.

Dumiretso ako dun sa mama sa gilid na nagtitinda ng mga palamig. Mukang nagulat siya ng lumapit ako sa kaniya at saglit na napatitig siya sa damit ko.

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Where stories live. Discover now