CHAPTER 49 ~ Wedding ~

Start from the beginning
                                    

"Hindi ako nagbubuhat ng bangko."-me

"Eh ano? Nang kama?"

"Hindi...Tong hotel. May taga-buhat ako kaya hindi ako ang nag bubuhat. Iba na ang maganda may mga alipores."

Napailing na lang siya. Pumasok kami sa loob ng bathroom at tinulungan niya akong isuot yung wedding gown. Pakiramdam ko tatalon na yung puso ko palabas ng dibdib ko ng masuot ko na ng tuluyan yung gown.

"Relax."-quin

"Relax ka diyan..ikaw kaya ang magpakasal kay Hade-"

"Ew! NO WAY-"

Tinakpan ko ang bibig niya at ngumisi ako. Tumingin ulit ako sa salamin at huminga ng malilim. Ikakasal na ko. Pwedeng mag back-out?

Joke lang ^___^

Umikot-ikot ako, nang hindi pa ako kuntento umikot-iko pa ulit ako. Nakatingin lang sakin si Quin na mukang nahihilo na sa ginagawa ko. Well..ako din naman.

Huminto ako at natawa ako ng inalalayan ako ni Quin dahil gumegewang-gewang ako. Napailing siya at inilabas na ako ng kwarto. Kinuha niya sa isang tabi yung bouquet ko at inabot yon sakin.

Naramdaman kong nanginig yung kamay ko ng mahawakan ko yung bulaklak. Nakahawak parin si Quin sa kamay ko na parang hinihintay na kumalma ako,

"Relax ka lang, sayang ang ganda mo ngayon-"

"I know, maganda talaga ako."-me

"Great, mukang okay ka na since umaariba na naman ang pagiging conceited mo though baka natural talent mo lang talaga yan."

"Oo naman, mas una ko pang natutunan ang pagiging conceited kesa ang matutong magsalita. One of my charms you know."

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Where stories live. Discover now