Seduction 36: Wrong MOVE

ابدأ من البداية
                                    

Grabe Margot ang galing mong magjoke tawang tawa ako! natawa ulit ako buti na lang ako na lang tao dito sa office. 

Hindi ako nagbibiro Bernadeth totoo lahat ang sinasabi ko! pilit pa nia sakin. 

You are not my friend Margot pero this time gusto ko sabihin sa'yo ang isang secret ko! Gusto mo bang malaman? natatawa ko pa rin na tanong sa kanya.

Wala akong pakialam sa secret mo! mataray niang sagot.

Well you should know my dear, napakaimportante na malaman mo kaya dapat makinig ka! Alam mo bang matagal nang settle ang properties naming mag asawa, unang taon pa lang nang paghihiwalay namin inayos ko na at isa din un sa dahilan kaya ako naghanap nang sarili kong trabaho! kwento ko sa kanya. 

Hindi ako naniniwala sa'yo! sagot nia sa kabilang line.

Well ngayon sating dalawa ikaw ang mas hindi kapani paniwala, kaya next time if gagawa ka nang kwento galingan mo ha! nilagyan ko nang sacrasm ang boses ko.

Tandaan mo to Bernadeth akin lang si Gilbert! sigaw nia sa kabilang line.

Well tingnan natin Adios! sabay baba ko na nang telepono. 

Nagsasayang lang ako nang oras sa babaeng eto, pero bigla din akong napaisip sa sinabi nia hindi kaya sa mga oras na to magkasama talaga sila. Maniniwala na sana ako kanina pero sobrang natawa ako sa dahilan nia at doon ko napatunayan na nagsisinungaling sya.

Margot's POV 

Inis na inis ako sa babaeng yon, bakit kc hindi nasabi sakin ni Gilbert ang tungkol sa properties nila, kailangan kong mag isip nang ibang paraan. 

Hindi pwedeng hindi mapasakin si Gilbert. 

Mabilis kong tinawagan ang mga tao ko para sa susunod kong plano. 

Kailangan magawa nila yon. 

Nagulat ako nang pagharap ko nasa likod ko lang si Gilbert. 

Ka-nina ka pa ba jan? medu nauutal ko pang tanong. 

Medu nakaramdam ako nang takot na baka napakinggan nia ang sinabi ko.

Hindi naman kakadating ko lang, bakit namumutla ka Margot sinong kausap mo sa telepono? kunot noong tanong nia sakin.

Wala naman nagulat lang ako sa'yo kaya siguro namutla ako! simpleng sagot ko sa kanya. 

AH ganun ba, sya pasensya ka na kung nagulat kita, halika ka na sa loob nang makapahinga ka" yaya nia sakin.

Thank you Gilbert for being here with me! hinawakan ko pa ang dalawa niang kamay pero mabilis nia etong binawi. 

Walang anuman bilang kaibigan andito ako! simpleng sagot nia pero sobrang sakit sa pakiramdam ko. 

Hindi ko kayang pigilan ang luha ko kaya mabilis akong tumalikod sa kanya papasok sa bahay.

Charles POV

Nahatid ko na si Denashell buti na lang hindi kami inabot nang gabi sa pagsunod sa Margot na yon, I don't want to call her Tita anyway sa ginagawa nia ngayon samin hindi sya karapat dapat na tawagin na tita. 

Papasok na ako sa bahay nang may nakita akong postman. 

Halatang nagulat pa ang postman nang makita ako. 

Sulat po para kay Mam Bernadeth, sabay pakita nia sakin nang envelop.

Mabilis kong kinuha ang sulat at nagpasalamat sa kanya. 

Pinagmasdan ko ang envelop same sa natanggap ko even the hand writing are the same, bigla akong kinabahan, i know magagalit si Mommy pag binuksan ko to pero bahala na mag iisip na lang ako nang ibang dahilan if mali ang hinala ko. 

Mabilis akong pumasok sa room ko, baka kc abutan ako ni mommy dito sa sala. 

Nang makapasok ako sa room mabilis kong binuksan ang envelop. 

Hindi na ako nagulat sa nakita, same picture na pinadala sakin ni Tita Margot, may letter din sya para kay mommy pero hindi ko na to binuklat, hindi na to dapat makarating kay mommy.

Author's Note! 

Please Read!!!!!

Maraming marami thank you sa inyo, sa pagbabasa nio sa story na to. Sensya na ha kung minsan natatagalan ang update busy lang po talaga. 

Hello po sa lahat nang followers ko and welcome sa mga sa new followers ko, sana mas dumami pa kayo hehehehe!!!!

Plan ko palang pacontest ang book cover nang seducing my ex wife, mag iisip lang muna ako kung ano prizes, please let me know kung may interested mag join....

If may mga interested matutuloy ang pacontest if may kilala kayo na marunong gumawa nang book cover pwede nio silang sabihan pero mas maganda siguro if mababasa nila para mas maganda magagawa nilang bookcover.

Again again  thank you sa support nio sa Seducing My Ex Wife!!! 

Happy Easter to everyone... I LOVE YOU ALL.. GOD BLESS US!!!!

Seducing  My Ex-wifeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن