Chapter 35

1.2K 83 9
                                    

Darren's POV

Sa liit nang bahay na ito sa tingin ba ni Greeny may tutulugan kami rito?!

"Hay nako Green! Boplaks ka parin hanggang ngayon! hahaha!" tawanan sila sa loob ng kusina nang bahay na to.

"Eh kasi naman e! Nakalimutan ko na! Natatanggal tuloy yung mga ulo nila.. hahaha!" sagot naman ni Greeny.

Ano nanaman kayang ginagawa nila run?

Ako lang magisa ngayon dito. Sana pala nagpasama nalang ako kay Kuya Per sa Hotel. Kesa namang para akong tae na nagaantay kung may makatapak sakin para mapansin ako. Kinakawawa ako ni Greeny. Ang Sama! Haha.

"Boss!" nagulat ako na nasa harap ko na pala si Greeny.

Tapos ang lapit pa ng mukha namin sa isa't isa. Oh diba wow! Bumilis nanaman yung tibok ng puso ko shet lang. Tinamaan na ata ako sa berdeng to!

"Ano nanaman? Buti naalala mo ako? Tch" sabi ko sabay iwas ng tingin sakanya.

"Nagtatampo ka pa. Tara nga dito.." sabi nya sabay kuha ng kamay ko.

Kadiri naman basa yung kamay nya..

"Teka basa kamay mo!" sabi ko tapos tinanggal ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak nya sakin.

Hinawakan nya ulit yung kamay ko..

"Wag ka nang maarte boss. Tara turuan kitang magtanggal ng hasang ng isda" sabi nya.

Ano ba akala ng babaeng ito?! Nakakainis na. Kanina pa sya huh.

"Ahm, Buknoy.. Kaming dalawa nalang ni Darren dyan.. Nagsaing ka nalang muna" sabi nya.

"Paulo nga diba? Nako naman green!" sabi ni Paulo then nagdabog. Wew! Ang yabang nya huh. Matangkad lang naman. -__-

"Hahahaha! Sorry na Pau! Sorry agad!" sabi naman ni Greeny.

Nako greeny wag kang magsorry dyan! walang magandang idudulot sayo yang pagsama mo sa bestfriend mo!

My Unexpected Girlfriend (Darren Espanto Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon