Chapter 4: IG stories

12 1 0
                                    

Clara's POV

"Kian?? Tatanggapin mo ba o hindi?? Kasi kung ayaw mo it's fine. Pwede ko namang sabihin sa kanila na hindi totoo yun eh. So, what do you think? Game?" tanong ko.

"Game," sagot niya.

"Okay mamaya intayin mo ako sa may parking lot. Sabay na tayong umuwi pero bago yun, may pupuntahan muna tayong dalawa," paliwanag ko.

"Sige Clara," sagot niya.

"Sige mauuna na rin ako. Baka kasi mag-start na yung lecture eh. Byeee."

Nagpaalam na ako habang kumakaway at diretsong naglakad papunta sa next subject namin.

Kian's POV

"Girlfriend ko ang isang Clara Mae Fernandez??? Totoo ba toh??? Teka nananaginip ba ako?" tanong ko sa aking sarili.

Hinampas-hampas ko ang aking mukha habang paulit-ulit ko itong tinatanong sa aking sarili.

"Ayyy male-late na pala ako sa next subject namin gagi." Dali-dali kong kinuha ang aking gamit at kumaripas ng takbo papunta sa next subject namin.

Habang naglelecture ang aming professor ay hindi ako makapag-focus. Ito ako nakatulala lang habang iniisip kung paano ako napasok sa ganitong sitwasyon. Kung bakit ko tinanggap ang maging boyfriend ng isang Clara Mae Fernandez.

"Mr. Villafuerte?? Mr. Villafuerte!!! Villafuerte!!!"

"Yes sir?" tanong ko.

"Ano bang iniisip mo at nakatulala ka na lang diyan? You can share it with us para hindi lang ikaw ang nag-iisip diyan," sambit ng aming professor.

"I'm sorry sir," sagot ko.

"Let's just continue the discussion," sambit ng aming professor at nagpatuloy na siya sa pagtuturo.

Pagkatapos ng apat na subjects ay uwian na rin namin. Diretso akong pumunta sa parking lot upang hintayin si Clara.

"Nasaan na ba siya? Huwag naman sana niyang makalimutan yung pinag-usapan namin," sambit ko sa aking sarili.

"Kian!!!"

"Oh Clara!! Mabuti naman nakarating ka. Akala ko hindi ka na darating eh," pahayag ko.

"Sorry Kian. May ginawa kasi kaming mga student councils kaya natagalan ako," paliwanag niya.

"Halika na," sambit ko.

"Pumara ka na ba ng bus?" tanong niya.

"Hindi na. May kotse naman ako eh," sagot ko.

"Ahhh sige," sagot niya.

Pumunta na kami sa kotse ko at sumakay.

"So saan tayo pupunta?" tanong ko.

"493 Gov Padilla Rd, Plaridel, 3004 Bulacan," sambit niya.

"Okay let's go milady," sambit ko.

"Seriously??? Milady talaga itatawag mo sa akin?" tanong niya.

"Well if that's fine with you, then I'm okay with it," sagot ko.

"Fine whatever... I don't mind if you call me milady or whatever you want," sambit niya.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa pupuntahan namin.

"Ohhh so it's a coffee shop. I didn't know that you like coffee," sambit ko.

"Yeah I didn't like coffee, because I love it. At mas masarap humigop ng kape kapag libre kaya ilibre mo ako," sambit niya habang hila ako papasok ng coffee shop.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Story of You & I Where stories live. Discover now