Nagtawanan kami saglit.

"Syclups"
Biglang tawag ni Stell.


"Mamimiss ko kayoo!"
Paiyak na sabi niya na lalo naming ikinatawa.


We hugged each other inside the van and create a quiet but warm atmosphere.


"Akala mo naman kung magkakalayo na tayo ng mundo. Kahit na may trabaho na tayo, o pamilya man, hindi mabubuwag ang Syclups"

Masayang sabi ko.

Nagsitanguan sila bago magpasyang humiwalay sa yakap.



Dala ang nagniningningan naming mga toda, lakas loob at taas ang mukha kaming lumabas nang van.


Sumalubong sa amin ang sariwang hangin na agad dumapo sa mga mukha namin kasabay ang sunod sunod na flash ng camera.

Hindi ko alam kung sila ang hi-nire ni mommy na photographer o galing sila sa University pero walang katapusan ang kuha nila ng litrato.

Pati nga ibang babae na graduate rin tulad namin ay nakisali na rin sa pag fa-flash ng camera.


Napangiti kami nang makita naman ang paparating na si Paulo suot na rin ang kanyang kaisa isang toga at nilapitan kami.

"Syclups, let's go?"
Nakangiting sabi nito.

Nagtanguan kami at sabay sabay nang naglakad papasok sa mismong University.









***

           Habang tahimik ang lahat sa pakikinig ng amazing speech ni Paulo bilang Valedictorian ng batch namin, hindi ko mapigilang mapatingin sa direksyon niya.

May nag iiyakan ring mga babae sa paligid niya pero siya lang ang seryosong nakatingin sa stage.

Napangiti tuloy ako.

Pagkatapos ng ilang segundo, bigla nalang itong napatingin rin sa akin.
Naramdaman niya siguro na may nakatingin sa kanya.

I just tilted my head and smile to her. She also did the same that made me blush. Ano ba, teka lang naman, kinikilig talaga ako sa mga ngiti niya eh!

"Mag focus ka nga, tol"

Nawala lang ang tingin ko sa kanya nang marinig ko ang boses ni Josh sa tabi ko.


Ewan nga eh, magkakaiba kami ng course pero pinagtabi tabi kami ng director.

"Fellow mates, Happy graduation!"

Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos tapusin ni Paulo ang kanyang natatanging speech at nagsimula na ang lahat na umalis at tumungong field para mag picture.


Lumapit at nakipagkamay pa sa aming lima ang ibang mga proffesor at staff sabay bigay na rin ng blessings at greetings.

Andito rin sila mommy, ganun din ang mga magulang ng mga mukong na toh na nakasama ko sa loob ng apat na taon.


Sumunod na din kaming lima doon kasama ang photographer na kanina pa ang kuha sa amin.

Sa di kalayuan, nakita ko agad ang magandang mukha ni Rain suot ang kanyang toga. Nakatayo kasama si Rose habang kausap ang tita at tito niya.


Sinulyapan ko si Mommy at Daddy at sinenyasan sila. Na gets naman nila agad ang ibig kong sabihin at kumindat pa.

Agad nilang nilapitan si Rain na halata ring nagulat.
Napangiti nalang ako.



She And Her Cold Heart (Syclups #1) Место, где живут истории. Откройте их для себя