Nagsimula na ang program.
Nagsalita ang principal namin at ilan sa mga head teachers. May mga nagperform na mga bata din.

After the program ay nagkayayaan kaming mga ka co-teachers ko na kumain sa bagong bukas na samgyupsal dito. Nag mall din kami para pampawala ng stress.

Stress sa trabaho, stress sa mga estudyante, at stress sa lovelife..........pwera ako char hahaha.

Alas siete na ng makauwi kami.Ako lang ngayon sa bahay dahil si Joyce ay nagrereview  para sa upcoming board exam niya at nasa Manila ngayon dahil doon din naman siya nag-aral ng College.

Etong bunso naman ay nakina Lola ko sa Father's side at baka sa ikalawa pa uuwi.

Kinuha ko yung susi ko sa bag at binuksan ang ilaw.

Pagbukas ko ay tumambad ang nagkalat na rose petals sa sala namin at mga hugis pusong lobo na nasa sahig din at may mga nakasabit pa sa kisame.

May mga nakasabit ding mga letrato ko at letrato naming dalawa.

Pinagmasdan ko isa isa ang mga letrato namin at di ko mapigilang umiyak. Naramdaman ko nalang ang dalawang kamay na bumabalot sa aking bewang.

"Happy Valentine's Love"bulong nito kasabay ang paghalik sa aking tenga.

"S-sandro!"di ko napigilan pa ang sarili ko na harapin siya at yakapin siya ng mahigpit.

"A-akala k-ko b-ba sa s-susunod ka pa uuwi"umiiyak na usal ko.

"I want to spend my Valentine's with you"sagot nito.

"Bat di ka tumawag o nagchat man lang!"

"Surprise!"nakangiting sigaw niya kaya naman pinalo ko siya ng mahina sa braso.

"Lagi mo nalang akong ginugulat......tapos eto sobra sobrang suprise to"turo ko sa ginawa niya.

"You deserved it love"nakangiting usal niya.

"I appreaciate it so much love"sagot ko at hinalikan siya sa pisngi."Kumain ka na ba?"tanong ko.

"Nope,Hinintay kita eh"

"Kumain na ako eh,pero sige sasamahan kita"sabi ko at dumiretso kami sa dining table.

Nakita ko naman na nakaayos din ito at napapalibutan ng mga iba't ibang putahe at syempre may prutas din hahahah alam na alam eh.

"Talagang prepared ka ah"biro ko.

"Syempre naman"proud pa niyang sabi.

Nagsimula na siyang kumain,at ako ay itong mga prutas at ilang mga desserts ang nilantakan ko.

"So how's your day love"tanong niya

"It was good,May program sa school kaya ayon maraming mga couples, kaya etong si Rody nagmamaktol"

"Hahahaha bakit ba di pa siya maghanap ng love life"

"ewan ko ba don, Andami ngang nagkakagusto sa kanyang mga kasamahan namin eh kaso di niya gusto.....mga babae kase"usal ko at nagtawanan naman kami."Ikaw ba?"

"Masaya,kasi kasama kita eh"

"Tss bolero!"

"It's true kaya"

"Oo na"sabi ko at kumain ng grapes"edi babalik kapa niyan sa London"

"Yup, sa Wednesday then makakabalik nalang ako dito after the graduation"

"Hmm"


Nandito na kami ngayon sa sala habang nanonood ng movie.

Pinapanood namin ngayon ay Harry Potter,Potterheads kasi kami pareho hahaha.

Nakayakap siya sa akin ngayon habang ako ay lumalantak ng grapes.
Panaka naka ko din siyang sinusubuan nito.Ayaw bumitaw sa yakap eh.

"love can we go to Ilocos tomorrow"sabi niya.

"Okay,tutal saturday naman"

"Sige,I'll fetch you nalang tomorrow morning"

"San ka pala tutuloy ngayon?"tanong ko.

"I already booked a room sa hotel"

"Ah sige"sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain.

"Why do you want me to sleep here"nabilaukan naman ako dahil sa sinabi niya.

"Shit!dahan dahan lang kasi sa pagkain!"

Wow  ah! ekung di moko ginulat edi di ako mabibilaukan!

"Kung ano ano kasing sinasabi mo eh!"asik ko.

"Hahaha I'm just joking love"sagot nito at hinalikan ako sa temple.

Hindi naman sa pinagdadamot ko itong bahay pero dahil medyo conservative tayo kaya ganon lalo nat ako lang mag-isa sa bahay baka kung ano pang isipin ng iba.

Kahit na wala naman kaming ginagawang masama. Alam mo naman dito sa atin konting kibot lang chismis agad.

Mga alas dyes na ng napagdesisyunan niyang umuwi.

"Ingat ka sa pagdadrive ah,chat moko pag nakauwi kana"saad ko.

"Opo madam"biro nito.

Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

"Ayaw mo ata akong paalisin love,sabihin mo lang di ako aalis"biro nito.

"Sira"kurot ko sa tagiliran niya.

"Ouch!"daing nito na ikinatawa ko.

"namiss lang talaga kita"usal ko.Halos 1 year and 5 months din kasi kaming di nagkita dahil busy talaga siya sa pag-aaral.

"I also missed you a lot"sagot nito sabay halik sa noo ko.

Pinikit ko naman ang aking mga mata.

"I love you love"

"I love you too"

Loving YouWhere stories live. Discover now