"Lisa" napatalon naman ako sa couch ng dahil sa gulat. Sh*t, pakiramdam ko aatakihin ako sa puso nito. Ano ba naman yan, magugulatin na yata ako? Pambihira!

"Jennie naman, papatayin mo ba ako sa gulat ha?" inis kong reklamo sa kanya ng makabawi.

Tinaasan naman nya ako ng isang kilay at pinamewangan pa. "Hoi Lisa, sino ba may sabi sayong magulat ka ha?"

Sinasabi ba yun?

"Wala-"

"Sinabi ko bang magsalita ka ha?"

"Hin-"

"Tumahimik ka, hindi pa ako tapos magsalita kaya wag kang sumabat dyan."

Edi tumahimik.

"Oh ngayon tahimik ka na dyan. Magsalita ka nga."

Ano ba talaga? Nakakalito na ha. Pag magsasalita patatahimikin. Pag tumahimik pagsasalitain. Pambihirang buhay naman oh. Ang labo mga besh.

"Sabi mo kasi-"

"Aba nagsalita nga. Dyan ka nanga wala kang kwenta." napanganga nalang ako ng tumalikod sya sakin at nagtungo sa kama tsaka padapang humiga dito. What the? Tsk. Ibang klase!

Maya maya pa may kumatok sa pinto ng kwarto namin. Nagkatinginan naman kami ni Jennie at nag palitan kung sino magbubukas ng pinto.

"Lisa buksan mo yung pinto."

"Jen ikaw na magbukas ng pinto."

Nagsabay pa talaga kaming dalawa pero dahil alam nyo naman na wala akong panalo sa babaeng iniirog ko. Charot lalim, iniirog hehe.

"Hoi Lisa, wala kang karapatan utosan ako, kaya ikaw nanga magbukas dun" wala na akong nagawa kundi sundin ang mahal na prinsesa ng tinarayan nya ako at sinamaan pa nya ako ng tingin. Naman ihh. Kakamot-kamot nalang akong naglakad tungo sa may pinto ng kwarto namin para pagbuksan kung sino man ang walang hiyang kumakatok na 'to.

"What?" inis na bungad ko sa kumatok pero yung inis ay napalitan ng panlalaki ng mata at ngiting alanganin ng mapagtanto ko kung sino.

"Mom- aray. Ouch, Mommy" mangiyak-ngiyak kong daing ng kinurot lang naman nya ako sa tenga.

"Walanghiya kang bata ka. Matapos kitang palakihin sisigawan mo lang yung Nanay mo" hampas-hampas naman nya sakin.

"Mommy tama na po. Sorry po, tigil na- aray." reklamo ko ng patuloy parin sya sa panghahampas sakin.

"Mommy" natigil lang sya ng magsalita si Jennie sa likod ko. Hay salamat naman.

"Jennie, nandyan ka pala? Sandali lang ha hihiramin ko lang 'tong anak ko." sabi ni Mommy sa kanya at agad akong hinila palabas ng kwarto. Pambihira, kinurot tsaka hinampas nanga ako tapos hinila pa ako. Tanong ko lang. Mahal ba talaga ako ng Mommy ko? Huhuhu. Palagay ko hindi?! I hate her, sinasaktan nya 'ko pisikal.

"Oh" abot nya sakin ng maliit na box ng makarating kami dito sa sala.

"Mommy ano yan?" kunot ang noo kong tanong sa kanya habang nakatingin lang sa maliit na box.

"Hay naku. Imbis na ma curious ka dyan bakit hindi mo nalang muna kunin no? Nangangalay na 'tong kamay ko Lisa kaya kunin mo na bago pa magbago isip ko." kahit hindi ko naman alam kung anong laman ng maliit na box na 'to tinanggap ko nalang to sa kanya dahil alam kung galit na si Mommy. Feeling ko may dalaw sya ngayon? Dali mag init ulo nya eh at nananakit na naman pisikal.

"Mommy may dalaw ka ba ngayon?" nanlaki naman yung mata ko ng mapagtanto ko yung tinanong ko sa kanya. For sure mananakit na naman to? Pero bago pa man yun hinanda ko na yung sarili ko, agad ko ng sinangga yung dalawang kamay sa mukha ko kasi alam kong sasampalin nya ako at hindi nga ako nagkamali. Haha kala nya ha, wais yata to.

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Where stories live. Discover now