"May mga iba pa kayong suggestions dyan?" tanong ni Mommy samin at umiling lang kami sa kanya. "Okay so umpisahan na natin yung mission" sabi pa nya at pinagpatong-patong nila yung mga kamay nila. Ilalagay ko narin sana yung kamay ko ng pinitik ito ni Mommy. "Ops, Lisa wag ka na sumali samin. Saka ka nalang sumali pag na accomplished na yung mission na kailangan mo gawin." Mission? Gawin? Ano naman yun? Labo!

"Pero Mommy."

"No buts Lisa."

Napakamot nalang ako sa kilay ko ng sinamaan nya ako ng tingin kaya wala na akong nagawa. Pambihira, ang daya naman. Kanina naglaro sila ng hide and seek pero hindi ako sinali. Tapos ngayon naman, hayst, ang daya-daya talaga.

"Woah, let's do it" naghiyawan pa sila matapos pinaghiwalay yung mga kamay nila sa pagkatong-patong.

"Rosé, Jisoo, sige na. Kailangan nyo na umalis para makapag-umpisa na tayo agad. Kailangan mga 8 matatapos na tayo. Ito oh" binigay naman ni Mommy sa kanila yung papel na sinulatan nya kanina. "Yung lahat na nakalista dyan, yan yung bibilhin nyo ha" tumango naman silang dalawa. Tatalikod na sana sila ng pigilan sila ni Mommy.

"Wait, ito pala yung pera" sabi ni Mommy at kumuha ng pera sa wallet nya. "Siguro naman kasya na yan?"

"Opo auntie kasya na po to." sagot naman ni Chipmunk sa kanya at umalis narin sila.

"Balae, kailangan mo narin magluto para mabilis kang matapos at ng matulongan mo pa ako mag-ayos sa pag sesetupan natin. Tawagin ko nalang si Inday balae para tulongan ka nya magluto" baling ni Mommy kay Mama ng makaalis na sila unnie.

"Okay balae. Punta na ako dun sa kusina para maumpisahan ko narin ang pagluluto" sabi naman ni Mama kay Mommy.

"Sige balae" pagkasabi nun ni Mommy umalis narin si Mama at nagtungo na ng kitchen.

"At ikaw naman Lisa" baling naman ni Mommy sakin.

"Po Mommy?"

"Puntahan mo dun si Jennie sa kwarto nyo. Tsaka wag kang lalabas hangga't hindi kita tinatawag."

"Ano pong gagawin ko dun sa kwarto Mommy? Hindi pa naman po ako inaantok eh. Pwede dito nalang ako?" pinaningkitan naman nya ako ng mata kaya napakamot nalang ako ng ulo.

"Lisa, Mommy mo ako kaya pag inutusan kita, sumunod ka. Diba I told you, puntahan mo si Jennie dun?"

"Ihhh Mommy dit-"

"Lisa, isa" feeling ko galit na sya.

"Kasi Mommy ano eh-"

"Dalawa" kinuha naman nya yung isang tsinelas nya kaya medyo nanlaki yung mata ko at napalunok pa ako.

"Mommy-"

"Tat-"

"Tatlo" sigaw ko at tatakbo na sana ako ng mahawakan nya ako sa braso.

"Ops, not fast honey. Where do you think you're going?"

"Ah eh, s-sa kwarto po Mommy. Sabi mo po kasi-"

"Lisa, andun sa loob ng bahay natin yung kwarto nyo. Wala dun sa labas ng gate natin. May balak ka pang tumakas ha" nakapamewang na turo pa nya sa may pinto papasok ng bahay.

"Ah, o-oo nga po Mommy andun nga po. Baka makalusot lang hehe."

"Aba" aambahan na sana nya ako ng tsinelas pero mabilis akong kumaripas ng takbo at dumiretso na sa kwarto namin. Pambihira si Mommy.

Ng makapasok na ako sa loob ng kwarto agad naman akong napaupo sa couch habang sapo-sapo ko pa yung dibdib ko. Hayst, feeling ko hinapo ako dun ah. Gosh! I hate marathon! Feeling ko din tumatanda na ako. Gosh talaga.

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Место, где живут истории. Откройте их для себя