Prologue

9 3 0
                                        


NAKAPAGdesisyon na akong magbakasyon ng 2 weeks sa Korea upang makalimot kahit saglit, dahil alam ng head naming yung sitwasyon ko kung kaya't inaprubahan agad ang file kong leave.

Bago dumating ang araw ng umpisa ng leave ko ay nagbook na ako ng ticket pa-Korea at naghanda ng mga daldalhin at chineck ko yung naipon kong pera para sa pagpunta ko roon. Narinig kong tumutunog ang cellphone ko at chineck ko iyon at si mama ang tumatawag.

"Kailan ba ang alis mo?" bungad nya.

"kakabook ko lang Ma, pero nextweek ang kinuha kong schedule ng ticket" sabi ko habang nag-aayos ng gamit.

"Ok, ingat ka doon at wag kalimutan pasalubong ha haha"

"Oo, kung may extrang pera"

"Oh sige mag-enjoy ka roon at ng makalimot ka kaagad at di masayang yang pera mo ng hindi kana mag-emote emote jan, bye love you"

"love you."

Dumating ang araw ng nakatakda kong pagluwas ng bansa upang makamove-on at makapagrelax, nandito ako ngayon sa Manila International Airport, nakaupo habang hinihintay ang board ko paalis.

Nang makasakay na ako sa eroplano ay agad na akong umidlip, damang dama ko ang pagod ko sa diko malaman ang dahilan.

Nang nakarating na sa Korea ay agad akong sumakay ng taxi papuntang hotel kung saan ako nagpa-book. Gabi na ako nakarating ng Korea,kaya sa convenient store na ako bumili ng panghapunan ko.

Tila biglang nawala ang pagod ko habang namamangha kung gaano kaganda sa Seoul. Summer sa kanila pero lamig na parin ako. Kung kaya't sila nakasummer outfits habang ako mukha akong nakawinter outfit hahaha.

Pagkabalik ko sa hotel galing sa convenient store ay agad kong niluto ang ramyeon para makakain na. Natutuwa ako dahil sulit rin ang book ko sa hotel dahil complete ang mga needs ko dito. May ref at mga lutuan sa mini kitchen, may hot and cold sa shower at mga sabon at shampoo na rin syempre di nawawala ang mga towel. Sa gilid ng kama ay may malaking salamin at pwede lagyan ng mga lotion, may blower na rin. Syempre ang pinakaimportante ay may free wifi!

After ko kumain ay nagshower ako saglit pero hindi ko isinama yung buhok ko, buti nalang merong hot doon kung hindi diretso ako matutulog ng di nakakapaglinis ng katawan.

After ko magbihis ay dahil sa pagod ay nakatulog agad ako.

Pagkagising ko ay bumungad sakin ang sobrang lamig na panahon. Tinatamad ako bumangon dahil doon pero kailangan kong sulitin ang pagpunta ko rito dahil 2 weeks lang pag-stay ko rito kung kaya't bumangon na ako at naligo saka nagbihis.

Pagkalabas ko ay nagdecide ako na sa mall ditto sa Seoul ako unang pupunta, doon na rin ako kakain ng umagahan dahil 9:30am palang naman dito.

Pumunta ako sa isang coffee shop dito at nagdecide na dito kumain, umorder ako ng pancake with whipped cream on top na may berries and strawberry frappe.

Habang kumakain ng pancake ay nagbabrowse ako saglit sa internet gamit ang phone ko, at nakipag video call saglit kay mama kasama yung dalawang babies ko. Si mama muna pinagbantay ko sa kanila habang nandito ako sa korea.

Nang naubos ko na ang pancake ko ay tumayo na ako at dinala ang strawberry frappe ko palabas, dahil gusto kong maglakad lakad sa labas habang nainom ng frappe.

Habang naglalakad ako ay nagbabrowse ako instagram ko dahil inaupload ko rin ang mga pictures na kinuhanan ko. Nagstory na rin ako sa iniinom kong frappe sa instagram..

Sa kalagitnaan non diko namamalayan na mababangga na pala ako.

"ouch" hala natapon ang frappe sa damit ko!

Tumingin ako sa bumangga sakin at mukhang sya pa ang galit.

"Tumingin tingin ka kase sa dinaraanan mo, mukha kang tangang naglalakad dito habang nainom ng iniinom mo at kumakalikot sa phone mo! Natalsikan ako nyan! Malagkit na ako oh!" oh pinoy pala pero ang yabang!

"Kita mong ako ang natapunan oh! Ikaw pa galit! Nakita mo pala ako bakit hindi mo pa ako iwasan? Sinadya mo pa talaga akong banggain ha!" wait—familiar mukha neto, pero teka galit tayo mamaya muna yan alalahanin.

"Para ipadama ko sayo kung gaano Katanga yang ginagawa mo!" sigaw nya sakin pabalik.

Sasagutin ko n asana pabalik nung sumingit na yung kasama nya sa sigawan namin, oo sigawan naming. Pinagtitinginan na kame ng mga tao dito.

"Sorry miss, hatid ka nalang namin." Sabi nya at inilabas ang kanyang dimple pagkangiti nya.

"ayoko baka mga budol gang kayo eh." Natawa ang kasama nya pero sya napakunot ang ulo.

"Hindi mo ba kame kilala at pinagkamalan mo pa kameng budol gang? O nagpapanggap kalang para magpapansin?" sabi nya ng nakakunot ang noo.

"Bakit famous kaba? Familiar mukha mo pero mukha naman kasing common yang mukha mo, hindi na unique. Saka wala akong time kilalanin kayo, pinerwisyo mo ako!"

Pagkasigaw ko ay binato nya ako ng maraming tig iisang libo na philippine money, kala nya tatanggihan ko to. Need ko pera, wag mag-aksaya ng grasya! Kinuha ko ang mga yon at pagkatayo ko ay tumingin muna ako sa kasama nya.

"Una na ako" sabay smile at humarap dun sa masungit na mayabang na yon .

"Adios! I hope not to see you again" sabaytalikod ko sa kanila at lumakad palayo at humanap ng boutique para bumili ng bagong damit.

CourageStories to obsess over. Discover now