Chapter Twelve

Magsimula sa umpisa
                                    

Lagi na lang kasi tuwing bagong school year, nai-issue ako. Ako na nga ang lumalayo pero sila pa rin ang lapit nang lapit kaya nasasaktan sila nang wala sa oras e.

Hanggang sa classroom nagpatuloy lang sila sa ginagawa nila sa akin. Mas lalo pang tumindi iyon dahil nandoon si Jamie at yung mga kaibigan niya. Panigurado pepestehin na naman nila ako.

"Look who's here?" tanong ni Jamie gamit ang pinakanakakairitang tono ng boses. "Napaaga ata pasok mo? Akala ko next week pa o sa susunod na buwan? Katulad ng dati?"

Ikinuyom ko ang kamao ko. Alam kong kilalang-kilala ako ni Jamie mula ulo hanggang paa at katulad nang pagkakakilala sa akin ng mga kaibigan ko ngayon. Pero mas kilala ko siya.

"Ayaw mo ba? Parang hindi mo naman na-miss yung kaibigan mong iniwan mo sa ere para lang maging sikat," taas kilay kong sabi habang nakangisi. "Ano bang ginawa ko sa iyong masama? Kung tutuusin ikaw nga itong may ginawang masama sa akin, best" Idiniin ko talaga ang salitang best, baka bumaon sa utak at puso niya.

Napansin kong nagpupuyos siya sa galit at pulang-pula. Para siyang toro ngayon na nakakita ng pulang bagay. Pinagtitinginan na rin kami ng mga kaklase ko pero hindi ko sila pinapansin.

Matalik kaming magkaibigan ni Jamie, noon. Pero nagbago ang lahat nang yayain siyang sumali sa isang popular na grupo. Noong una akala ni Jamie na bukal talaga sa loob nila ang pagpapasali sa kanya pero akala lang pala iyon.

Dahil sa gustong maging sikat ni Jamie at magkaroon ng maraming kaibigan, nagawa niyang isakripisyo yung amin. Kinalimutan niya ako at hindi pa sila nakuntento dahil lagi nilang pinapahirapan buhay ko. Iyon ang naging hudyat para maging ganito ako ngayon.

Hindi lang si Jamie ang nagbago, pati ako. Ang kaibahan lang, mabuting pagbabago ang nangyari sa akin, pero kay Jamie? Hindi na siya yung kilala kong Jamie noon na mabait, matulungin at walang tinatapakan na tao. Naimpluwesyahan kasi ng masama.

"You'll pay for this, bitch." Natawa na lang ako.

"Magkano ang kailangan kong ibayad para bumalik ulit yung kaibigan ko dati?" tanong ko. Kung akala niya hindi ako marunong makipagsabayan sa pang-aasar, nagkakamali siya ng taong binabangga.

Ang hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit hanggang ngayon, ngayon na wala nang nag-uutos sa kanya, ginagawa pa rin niyang miserable buhay ko? Graduate na kasi ang lider-lideran nila.

"Hindi pa sapat ang buhay mo."

"Ano bang ginawa kong masama sa iyo? At napakamahal naman yata? Para sa isang taong mas pinili ang kasikatan kaysa sa totoo niyang kaibig-"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil bigla niya akong sinampal. Doon ko lang napansin na umiiyak na pala siya. Tumalikod na siya at umalis. Hinawakan ko yung parte ng mukha ko kung saan niya ako sinampal.

"Ange, okay ka lang? Saan masakit?" tanong ni Justin sa akin na halatang nagulat. Umiling na lang ako.

"Ano bang pinakain ni Mirachelle sa kaibigan mo, at ganoon na lang kung umasta iyon?"

Tumayo na ako at pumunta sa Gymnasium para maglabas ng sama ng loob. Katulad ng nakasanayan, gagawin ko na naman yung ginawa ko kahapon para lang hindi makapagklase. Bakit ba kasi ako pumasok ngayon?

"Kawawa naman yung pader." Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Justin. Anong ginagawa niya rito?

"Ano naman? Bakit ka nandito? Tumunog na ang bell."

"Nandito ka kasi at hindi ako papasok hangga't hindi ka sasama sa akin."

"Bumalik ka na nga roon," sabi ko sa kanya.

Bakit ba kasi sumusunod ito kina Adrian? O pumunta lang siya dito dahil concern siya sa akin? Umiling ako dahil napaka-imposible ng mga iniisip ko.

"Ayaw. Gusto mong maglaro? Baka kasi gumuho yung buong gymnasium sa ginagawa mo. Mahal ko pa buhay ko."

Dahil sa gusto ko rin naman yung suhestiyon niya, pumayag na rin ako. Sinet-up namin yung net at naglaro kami. Sa nakikita ko, marunong siya. Namana niya kaya ito kay #11?

"Marunong ka pala mag-volleyball? tanong ko.

"Oo. Lagi kasi kaming naglalaro nila Kuya Jeremy."

Bigla akong natigilan nang marinig ko iyon. Je...Jeremy ba ang pangalan ni #11? Dahil sa pag-iisip ko ng malalim ay hindi ko na na-receive yung bola at na-facial pa ako. Tumama yung bola sa mukha ko at napaupo ako.

"Ange!" Narinig kong sigaw ni Justin.

Ano bang nangyayari sa iyo Ange? Masyado ka na namang nag-iisip ng malalim. Naramdaman kong paglapit ni Justin at hinawakan niya yung baba ko. Iniangat niya yung ulo ko at tiningnan niya ako.

Bigla kong naramdaman yung pag-init ng mga pisngi ko. Tiningnan ko rin siya at hindi maipapagkakaila na may hitsura siya. Kulay itim na mga mata, matangos na ilong at magandang panga.

Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Napagtanto kong tumigil sa pagsasalita si Justin at tumingin din sa akin. Doon ko naramdaman yung bagay na nararamdaman ko tuwing kasama ko si #11. Slow Motion.

Palapit na nang palapit yung mukha ni Justin sa akin hanggang sa maramdaman ko na yung ilong niya at hininga niya. Naramdaman ko rin yung mahigpit na hawak niya sa baba ko.

Bago pa man lumapat ang labi niya sa labi ko, bigla akong naibalik sa wisyo at naitulak siya palayo nang hindi sinasadya. Doon na ulit naging normal ang lahat. Ano bang nangyayari sa akin?

Tumayo ako at tumakbo paalis ng gymnasium. Nakarating ako sa rooftop na hingal na hingal. Habang nandoon ay iniisip ko pa rin yung nangyari kanina.

Umupo ako sa may likod ng pinto ng rooftop. Doon ay inisip ko ang nangyaring slow motion, tangkang paghalik sa akin ni Justin at yung inakto ko.

/-----------/

#11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon