And... hindi ka ba nagtataka kung bakit wala si Mama?”

N-Nagtataka pero nahihiya lang akong magtanong.”

“Cassandra?”

“Shhh... Tahan na...”

N-No... ngayon lang ulit ako u-umiyak, susulitin ko n-na...”

A-Ang tagal ko nang kinikimkim ‘to e...”

“December 4. 3:30am. I was sleeping in my room when Mama barged in while holding a knife. Nagising ako sa sigaw niya. Sinisisi niya na naman ako sa pagkamatay ni Lio, my brother. And sa paglalayas ni Papa. Yes, you heard it right. Papa abandoned us. Sawang sawa na siya sa pananakit ni Mama kaya nagawa niya akong iwan. Iniwan niya ako kay Mama na walang ibang ginawa kundi sisihin ako sa mga kagagawan niya at saktan ako araw-araw. Naging mabait lang siya nang ilang araw sa akin noong hinayaan ko siyang makalaya pero bumalik na naman siya sa dati makalipas ang ilang araw...”

“Takot na takot ako, Hekamiah. Kung hindi pa ako naka-iwas malamang nasaksak niya na naman ako sa tiyan. A-Ang sakit... Naka-iwas nga ako pero ‘yung puso ko naman ‘yung parang nasaksak nang paulit ulit kasi... b-bakit? Bakit niya ako gustong patayin? S-Sarili niyang anak, sarili niyang dugo at laman, papatayin niya.”

Napaka-unfair... Napapatanong nga ako minsan bakit sa dinamirami ng may pamilya bakit napunta pa ako sa ganito? Bakit napunta pa ako sa ina na gustong mamatay ang anak niya. Sa ama na walang pakealam sa anak niya. Masama ba akong tao para maranasan lahat ng ‘to? Anong kasalanan ko?! Bakit ako?”

“Wala kang kasalanan, Cassandra... Biktima ka lang...”

“Ang unfair, Hekamiah... g-gusto ko lang namang maranasan ‘yung pagmamahal ng mga magulang ko pero bakit sakit ang binibigay nila? Nag-aaral na nga ako nang mabuti para maging proud sila. Para naman marining ko mula sa kanila ‘yung salitang inaasam ko. ‘Yung ‘A-Ang galing mo, anak! Proud na p-proud kami sa ‘yo... Mahal ka namin...’”

“Pero madamot sila e... ‘di nila maibigay...”

Cassandra...”

“Back to my story... Mama was chasing me with her knife. Naghabulan kami sa bahay hanggang sa naubos ang pasensya niya at binato niya ang kutsilyo sa akin na dumiretso sa binti ko. B-Buti na lang nakuha ko ‘yung cellphone ko...”

“Sobra na akong nanginginig habang nag-da-dial ng number sa police station pero alam mo ang nakakatawa? In the last minute nanaig pa rin ang pagiging anak ko. Nanaig pa rin ang pagmamahal ko sa kanya kahit ni-minsan ‘di niya ako minahal. I-I cancelled the call... and instead I called the number of the  nearest mental hospital here.”

Send Answer, Lods!Where stories live. Discover now