Ikaw pa lang ang pinagsabihan ko

I just need someone to talk to

Someone to remind me to keep on swimming because now, I am slowly drowning

Dec. 11 | 01:30AM

Miggy

Teka lang...

Seryoso?

Sorry ngayon lang ako naka-reply

Seryoso ka nga, Cassandra?

Pero akala ko ba nagpabakuna ka?

CM

Mukha bang kaya kong magbiro ng ganito?

Hindi ako natuloy kasi nagkasinat ako

Miggy

Hindi

Okay, okay

Kumalma ka, okay?

Huwag kang matakot please?

Huwag mong hayaang lamunin ka ng takot

Lumaban ka, kasama mo ako

Lalaban tayo okay?

CM

Okay

Miggy

Good

Alam nating pareho na walang gamot ang sakit na yan pero tandaan mo may mas makapangyarihan pa sa gamot, at Siya yun ang Panginoon

He is our great healer

Sa panahon ngayon Siya lang ang makakapitan natin, pray lang Cassandra, pray

Naniniwala akong papagalingin ka Niya

At papagalingin ka Niya basta’t tulungan mo rin ang sarili mong lumaban, huwag mong isiping katapusan na ito dahil pagsubok lang 'to

Gagaling ka, okay? Gagaling ka

Isa lang to sa mga malalaking alon

Hindi ka nag-iisa, kasama mo ang Panginoon at syempre ako

CM

Thank you

Thank you, Hekamiah

Miggy

Pupunta ako dyan mamayang umaga

Ipagluluto kita

Anong gusto mo?

CM

Seryoso ka ba?

Ni wala nga akong maamoy at malasahan

Saka bawal ka rito

Miggy

BDO ako 'no!

I find ways

At kahit wala kang malasahan sasarapan ko pa rin ang luto ko kaya dali na, anong gusto mo?

CM

Sinigang na baboy

Miggy

Okay!

Kumusta anong nararamdaman mo?

CM

Medyo hindi pa rin ako makahinga kaya kailangan ng oxygen

Sobra rin ang ubo ko

Saka inaantok na rin ako

Miggy

Matulog ka na

Pray muna ha?

Good night, Cassandra

Gagaling ka! Fighting!

CM

Thank you, Hekamiah

Good night

Send Answer, Lods!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin