"Ryla! Bilis!" Rinig kong sigaw sa akin ng kaibigan kong si Shiela habang hinihintay ako sa may pintuan ng CR.
"Ano bang meron?" Inis kong wika habang nagsusuklay ng buhok sa harap salamin. Lumingon ako sa gawi niya at nakitang nakatitig ito sa labas. Lumapit na ako sa kanya at binuksan at pinto para makalabas na kami.
Laking gulat ko nang pagkalabas namin ay nakita ko si David na nakangiting naghihintay habang may hawak na rosas. Kaya pala pinagmamadali ako ni Shiela eh!
"Hi Ryla!" Nahihiyang bati niya sa akin. "Gusto ko lang sana ibigay itong bulaklak sa'yo." Sabi niya habang binibigay sa akin ang bulaklak. Rinig ko ang pigil na tili ni Shiela sa may likuran ko . Ramdam ko din ang tingin ng mga tao sa amin na tila'y nakikinig at kinikilig din sa mga nasasaksihan nila.
Maagap kong tinanggap ang bigay niyang bulaklak. "Thank you! Hindi ka na sana nagabala pa..." sabay ngiti ko sa kanya.
Sanay naman na ako mabigyan ng bulaklak. Hindi na ito bago at kahit walang espesyal na okasyon ay nakakatanggap ako ng mga ganong regalo galing sa mga manliligaw ko.
Si David ang latest kong manliligaw. Magkaiba kami ng section at bihira din magkita at mag-usap kaya nagulat na lang ako ng tanungin niya ako nung isang araw kung pwede niya ba ako ligawan.
"Walang anuman,Ryla. Syempre gusto ko ipakita sa'yo na seryoso akong nanliligaw!" Muling sabi nito. Ngumiti nalang ulit ako sa kanya at laking pasalamat ko nang tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Nagpaalam ako at hinila na si Shiela papunta sa classroom.
"Grabe, Ryla! Pati ba naman si David na tinuturing na pinaka matino at matalinong estudyante sa year natin eh nabinggwit mo!" Kinikilig niyang sambit. Napatingin siya sa akin at napansin na hindi ako kinikilig kagaya ng pagkilig niya. "Aba! Mukhang walang effect sa'yo si David ha!"
Walang gana akong tumingin sa kanya,"Hindi ko naman kasi siya masyadong kilala. Nakikita ko lang siya pag nanalo ng award at minsang umaakyat sa stage para kunin yon pero bukod doon ay hindi naman kami nagkakausap talaga.." pageexplain ko.
Hindi ko naman talaga nakakausap ng masyado si David. Naging magkaklase kami nung Grade 8 at isang beses pang nagkasama sa isang group project pero hindi rin naman kami naging close.
"Eh kahit na!" Pilit nito. "Ang haba pa din ng hair mo isipin mongー" hindi natuloy ang sinabi niya dahil nabangga kami ng nagtatakbuhan naming mga kaklase.
"Hoy! Para kayong mga bata!" Pasigaw na suway ni Shiela.
Nakita kong natigilan ang nagkukulitan naming mga kaklase. "Hala! Lagot kayo! Ginalit niyo si Ma'am Shiela!" Pangaasar ni Luis.
"Oo nga! Nako! Papaluin kayo niyan sa puwet!" Sumapaw na din si Noel.
Napansin naman nila ako sa gilid ni Shiela na tahimik lang habang ang kaibigan ko ay parang puputok na bulkan na dahil sa sobrang inis.
Napansin ko ang pagsiko ni Luis sa isang kaibigan niyang hindi ko masyado kilala dahil ang alam ko ay kakalipat lang nito sa school. "Uy pare! Si Ryla oh." Rinig kong bulong nito.
Lihim akong napatingin sa lalaki at nakita kong umiiwas siya ng tingin sa akin habang pinagsisiko nila Luis. "Ayos pare! Yan na yung crush mo oh!" Pangaasar pa nila dahilan kung bakit pinagmumura si Luis nung lalaking katabi niya.
Bigla kaming tinawag ni Ma'am Arellano kaya't tahimik kaming nagsipasok na sa classroom. Pagkaupo ko sa aking upuan ay muli kong palihim na tinignan ang kaibigan ni Luis at laking gulat ko nang mapagtanto kong nakatitig din siya sa akin. Nang magtama ang aming mga mata ay bigla siyang nag-iwas ng tingin. Napangiti ako ng hindi ko napapansin.
Mukhang crush nga ako nito ah.
YOU ARE READING
Hopelessly
RomanceBoys never leave Ryla De Vera guessing whether or not they like her. Sanay na siya na may nanliligaw at nagkakagusto sa kanya. She's used to declarations of love whether it be through online or sa personal. When she met the newly transferred studen...
