"Frenemy mo mukha mo! Enemy na tayo simula ngayon. Alis!" sigaw ko.

Naiinis na naman ako sa kanya. Dahil araw-araw na lang nya pinaparamdam sakin na kahit kaylan di nya ako gustong maging kaibigan.

Natapos ang summer at nakabalik na ang dalawang bakla galing sa kani-kanilang bakasyon. Kaya makakapagpahinga na rin ako.

Nalaman ko na rin kung saan tumutuloy si Samira. Dahil sa kwento ng dalawang bakla.

Dumaan pa ang ilang linggo, muling bumalik si Sam, na may kasamang bago at poging boyfriend. Syempre nainggit ako, kasi may boyfriend na sya ulit. Samantalang ako wala pa rin.

Muling umalis si Sam, kasama ang boyfriend nito. Pero hindi man lang sya nagpaalam sa amin na babalik na uli sya sa batangas.

"Kung mananatili ako dito sa hotel, hindi talaga ako magkakaroon ng jowa." malungkot na sabi ko habang nagpapahinga sa loob ng kwarto namin ni Samira.

"Ano kaya kung kung bumalik muna ako sa cebu. Tutal wala naman si Samira dito. Tapos busy din si Samir. Saka. Ayoko rin makasama ang dracula na yun."

Kinabukasan.. Nag file ako ng leave ko para umuwi ng cebu. Dahil si Samraz ang panganay sa magkakapatid, sya ang namamahala muna ng hotel habang nasa business trip sina Tita at Tito.

"Ano yan?" tanong ni Samraz ng pumasok ako sa opisina nya at inilapag ang leave form ko sa harapan nya. Para mapansin nya.

"Leave form ano pa ba?" sagot ko pero hindi man lang nya ito tinignan. Naging abala sya sa ginagawa nya sa laptop nya.

"Bakit?"

"Of course, uuwi muna ako sa cebu. Baka namimiss na ako nila lolo at lola."

"Okay." tipid nyang sagot.

"Thanks."

"I'm sure, hindi mo ma-eenjoy ang leave mo ng hindi mo ako nakikita." biglang sabi nya at nanlaki ang mata ko.

Kaya nga gusto ko mag leave dahil ayaw kitang makita.

"In your dream Raz!" inis kong sabi sa kanya pero pinagtawanan ako.

"Hahaha.. Kung kaylan malapit na ang birthday mo, saka ka mag le-leave."

"Kaya nga ako mag le-leave diba? Ano paulit-ulit na lang tayo. At isa pa, kelan ka naman nagka interest sa birthday ko?"

"Bakit hindi ka na lang mag le-leave sa birthday mo?"

"Nakusalat na jan, kung hanggang kaylan ang leave of absence ko. Basa-basa din pag may time." inis kong sabi at lumabas na ng opisina nya.

Naka impake na ang mga gamit ko. May private plane ang mga magulang ko at may sarili din kaming piloto.

Agad kong tinawagan ang piloto para sabihing uuwi na ako sa cebu.

"Biglaan po ang uwi nyo senyorita?" tanong ng piloto.

"Gusto ko lang bisitahin sina lolo at lola. Matagal na rin akong hindi umuuwi." sagot ko.

Ilang saglit lang ay nakababa na ang private plane namin sa mactan airport. Nag taxi ako pa uwi sa bahay.

"Senyorita. Kayo po pala." sabi ng katiwala namin na si Nanay Precy. "Hindi po kayo nagpasabi na uuwi po pala kayo."

Accidentally In Love with my FrenemyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin