“Naks pa si ate may manliligaw!” nagulantang ako at mabilis na inoff yung phone dahil sa gulat.
Wtf? 'Tong kapatid ko, kalalaking tao napaka chismoso.
Binalingan ko siya ng masamang titig, pero ang loko, ngumisi lang at mas lalo akong inasar.
“Oy si Mike ate oh!” sigaw niya sabay turo sa pinto. Hindi ako lumingon, nanatiling masama at matalim ang titig ko sa kaniya.
Patay ka sa'kin, mamaya.
“Asus! Gusto mo naman! Hay naku ate. Kung ako sa'yo matagal ko na 'yang jowa---”
“Isa pang salita aadobohin ko na talaga 'yang dila mo Jairus.” inis kong saad. Yawaaa.
“Sus! Kunwari na iinis pero ang totoo pala kinikilig!” asar pa niya at tumawa. Tumalikod ako sa kaniya at muling tumitig sa screen ng phone ko.
Sasagutin mo ba, belle?
“Problema niyong magkakapatid?” kunot ang noo na tanong ni papa. May bitbit itong sandok.
Lumunok ako at napatitig sa hawak niyang sandok. Lagot na... ayoko ng mapukpok ng sandok.
Nakita ko sa screen si Jairus na ngumisi. Palihim ko siyang kinurot.
“Aray!” asik niya. Ngumisi ako at tahimik na bumulong, “Ingat ka baka maadobo ko 'yang dila mo.” saka tumawa.
“Oy baliw naba kayong dalawa? Huwag na muna mga anak, wala pa akong pamasahe para ihatid kayo sa mental.” saad ni papa, inilapag niya 'yung sandok sa lamesa saka lumapit sa amin, i mean sa likod ko.
“Hindi pa! Itong si ate lang! Baliw na baliw kay Mike, ehe enebe!”
Umiling ako at kunwari na natatawa, “Ang gwapo gwapo mo talaga Jairus! Pwede ka ng ipag(a)hasa sa labingdalawang bakla.”
“Lech--” putol na usal ni Jairus nang magsalita si papa.
“Manliligaw mo 'nak?”
Mabilis akong umiling, “Hala 'no! Hindi kaya papa!” pagsisinungaling ko pero ngisi lang ang natanggap ko sakaniya.
Isa kapa, papa.
“Hindi 'raw Jairus pero ano nga muna 'tong nabasa natin?” ngisi ni papa.
“Oo nga papa. Indenial ang belle na'tin.”
“Kalma lang kayong dalawa okay? Oo na at manliligaw ko na 'tong nilalang na ito. Kayo talaga!” buwelta ko at nagtipa ng mensahe
Tigil mo na 'to Mike, hindi pa ako ready pumasok sa isang relasyon.
“Hindi 'raw? E anak, bakit mo siya pinayagang manligaw?”
Napatulala ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Pansamantala kaming nilamon ng katahimikan. Si Jairus na kanina nakangisi ngayon ay seryoso na ang mukha.
Lumunok ako, “Kasi ano-- kasi papa ano...” kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. “B-babae ang g-gusto ko. Tomboy ako...” saad ko at napapikit nalang sa kaba.
Sofaaa pakilamon ako bilisss!
Sumeryoso ang titig ni papa sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin.
Ayoko. Ayoko kung paano tumingin si papa sa akin. Ayoko sa anumang salita ang lalabas sa bibig niya.
Sumikip ang dibdib ko, nanginginit ang bawat sulok ng mga mata ko. Masakit. Oo, masakit mag-overthink na baka hindi ka tanggap ng pamilya mo kung ano ka talaga.
Pero wala na akong mababago 'don. Namulat ako na babae ang gusto ko.
Narinig kong bumungtong hininga si papa, hindi ko napansin na nakapikit na pala ako.
“belle...” lumambot ang tingin ni papa sa akin, “Sa totoo lang, matagal ko na 'tong napansin sa'yo. Hindi lang ako nagsabi dahil gusto kong ikaw ang magsabi ng walang pag-aalinlangan. Yung tipong handa ka ng sabihin ang totoo.” ngumiti si papa. Na isang klase ng ngiti na ama lang ang makakapagpakita.
“Huwag ka ng kabahan. Huwag ka ng mag-alinlangan. Ipalabas mo kung ano ka talaga. Dahil, hindi kita pipigilan. Wala namang masama sa pagiging tomboy at bakla. Nasa mata na ito ng ibang tao. Basta lagi mong tatandaan na nandito ako, kami ni Jairus at ng nanay mo na nasa langit na palaging nakasuporta sa iyo.” bumagsak ang luha ko sa sinabi ni papa.
Hindi ko inexpect ito. Dati, ang nasa isip ko lamang ay hindi nila ako tanggap pero ngayon?
Tangina, nakakatunaw sa puso. Ang saya pala. Ang saya na tanggap ka nila kung ano ka.
“Papa...”mahinang saad ko at napayakap sa kaniya. “Salamat dahil tanggap mo ako kung ano talaga ako kahit na gusto mo ng anak na babae.”
“Shh! Huwag mo nang isipin 'yon basta lagi mong tatandaan na nandito si papa na mahal na mahal ka.” yakap pabalik ni papa.
“Waw naman! Paano naman ako papa?” reklamo ni jairus at kunwari pa na nagtampo.
“Syempre naman, hindi ka namin mahal. Diba belle?” tawa ni papa.
“Oo! Wala kaming Jairus na matabil ang dila!”
Kumunot ang noo niya kapagkuwan ay napangisi. “To be honest ate ha, akala ko talaga gusto mo ako kaya ayaw mo pang magjowa. Hay nako, ayoko pa naman--Aray! Ouch!” putol na sabi ni jairus ng gulpihin, sabunutan, at sakalin namin siya ni papa.
“Buang kang bata ka!”
“Kaderder ka!”
Dejoke lang, binatukan lang namin ang Feelingerong si jairus.
Yoccs talga!
Magaan ang loob kong tumingin sa dalawa.
Yes, tanggap nila ako!
Just a reminder: Huwag matakot umamin kung ano ka. Hindi natin alam matagal na pala nilang alam at tanggap na tanggap ka nila. To those people na nakaranas ng panghuhusga, cheer up! Walang masama sa inyo okay? Ang mata ng mga tao ang may mali.
______
