Natatawa na lang ako kapag naiisip ko na kahit kailan naman hindi ko siya naka close, meron time na nag usap kami and such but never in mind na sumagi na hahantong kami sa ganito.

I used to adore him a lot kasi kahit loko loko siya mataas ang grade niya, wala kang ibang masasabi sa kanya kundi ang kahanginan niya. I think I got a crush on him before? Pero hindi naman sobra kasi napalitan agad yon nang pag kagusto ko kay Clyde.

After peeling him a whole apple ay agad ko yong iniabot sa kanya, ayaw niya pang kainin kaya lang pinilit ko siya. Sobra na ngang araw araw siya dito tapos hindi pa siya kakain.

Ako ang pumalit sa kanyang pwesto, tinitigan ko lang ang pagkaganda gandang mukha nang kaibigan ko bago ko hinawakan ang kamay niya.

"I'm getting married and so is Eli. I never ever once imagine na sa ating mag kakaibigan ako ang mauunang ikasal, akala ko si Mau o si Carol pero tingnan mo nga naman kong paano nag laro ang tadhana" Hinaplos ko lang nang hinaplos ang kanyang kamay bago tumingin ulit sa kanyang mapuputlang mukha.

"Killian is getting taller everyday sa puntong to hindi na ako magtataka kapag natangkaran niya ako, he's very jolly and smart. Na kwento ko na ba sayo na nag top siya sa batch niya? He did that kahit halos isang daang estudyante ang kalaban niya and to be honest naiiyak ako sa sobrang pag ka proud sa kanya, jeez I'm basically his mother too. Nakita ko siyang lumaki" Hindi ako umiyak dahil ayoko, she just needs to hear all the good stuff and that's what I'm trying to say to her always whenever I'm visiting.

"I hope after all of this hindi ka na mag tago sa amin, sana hayaan mo din yong iba nating kaibigan na pumasok ulit sa buhay mo. Sana hindi ka na matakot na makaabala sa iba kasi hindi ka naman abala eh, pamilya mo kami kahit noon kaya please stop avoiding us and let us in, okay?" I talk to her as if sasagot siya sa mga sinasabi ko, napapangiti na lang ako nang mapait eh kapag nakatinggin ako sa kanya.

Hindi katulad nang mga nakaraang dalaw ay hindi ako masyadong nag tagal dahil umaga ang duty ni Eli at delikado dahil baka makita niya ako at isa pa may schedule ako ngayon sa school, humihingi kasi ako nang leave para sa kasal namin ni Clyde if ever na matuloy siya dito sa Manila, I think the Batangas wedding will just remain as a dream for the both of us for now.

I hop in my car and immediately drove it papunta sa school, baka kasi maabutan ako nang traffic ayaw pa man din nang principal sa mga late comers. Sa totoo lang nong isang buwan pa talaga dapat ako mag leave kaya lang napaka daming problema sa paligid kaya hindi ko na naasikaso, ngayon linggo lang ako nang ka oras buti na lang talaga at mabait yong principal at talaga namang hinayaan na pumunta ako ngayon araw.

Good thing God is nice to me at wala akong naabutang traffic, nakarating ako nang maaga at matiwasay sa school so that I can talk to the principal na once and for all. Medyo madami din kasi talaga akong agenda after this kaya gusto ko talaga na tuluyan na akong makapag file nang leave.

Nang maiparada ko na ang kotse ko ay agad na akong naglakad, pag dating sa hallway ay hindi ko naiwasan na maalala ang mga panahon na naninibago pa ako sa trabaho na to, panahon na kabang kaba ako nang marinig ang mga yabag at maliliit na boses nang mga bata na aking tuturuan.

Actually another reason kong bakit medyo natagalan din ako sa pag file nang leave ay dahil pinagiisipan ko kong mag reresign na ba ako at doon na lang sa Batangas mag turo, the only reason lang naman kaya nag turo ako dito sa Manila ay dahil ayaw ko nang mag alala nang mag alala si Papa. Kong papipiliin naman ako mas gusto ko talagang manirahan sa probinsiya.

I was so lost with that thought na hindi ko na namalayan na nasa harapan na agad ako nag office nang principal, kumatok lang ako bago ako tuluyan nang pumasok.

"Teacher Dulce, hi... it's good to see you again have a seat" Umupo ako sa sofa at umupo naman ito sa kaharap nitong one seater couch, tumawag lang siya sa secretary niya na ikuha kami nang maiinom bago ulit niya ibinalik ang kanyang buong atensyon sa akin.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now