1

18 5 0
                                    

Disyembre 8, 1886


Mahal kong Elarica,

Kumusta ang iyong araw? Malapit na ang pasko at ako'y nasasabik nang makita ka. Sa ika-15 ang aming bakasyon ngunit sa ika-17 pa ang aming pag-uwi. Ngunit para iyong isang taon dahil ako'y naiinip na. Ibig kong ako na mismo ang magpapatakbo ng oras para iyon ay makarating kaagad sa ika-17 na araw. Nawa'y hintayin mo ako, Elarica.

Ang iyong kaibigan,
Bernardo

Elarica's POV

'Nawa'y hintayin mo ako, Elarica'

Napangiti ako at niyakap ng may pag-iingat ang liham na kaniyang ipinadala.

"Labing-pitong taon na akong naghihintay sa iyo, mahal ko, kaya madali nalang ito."

Matalik kaming magkaibigan ni Bernardo noong bata pa man, hindi naging hadlang sa amin ang distansya sapagkat parati kaming nagsusulatan.

Kailangan niyang umalis patungong Europa para makapag-aral at ngayon lang siya makakauwi. Ako'y nasasabik nang makita ang kaniyang itsura. Pareho na kaming malalaki at hindi na siguro namin makikilala ang isa't-isa dahil kahit ako ay may pinagbago na rin.

***
DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, business, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This is Binibining_Nene, signing in. Merry Christmas, Hearts! :)

Hearts EncounterWhere stories live. Discover now