Nakabalik siya na may dalang dalawang bottled water. Iniabot niya sakin yung isa bago umupo sa tabi ko. Agad kong binuksan ito at ininuman. Si Chase ay nanatiling tahimik sa tabi ko. Nilingon ko siya kaya't napatingin siya sakin at ngumiti. Ngumiti rin ako saka ibinaling sa iba ang tingin ko.
"Mind if I ask you something?" aniya bigla.
Wala sa sariling tumango ako at kita ko sa gilid ng mata ko na gumalaw siya.
"In a week you've spent with your ex---" agad kong pinutol ang sinasabi niya.
"He's no longer my ex." ani ko kaya't napatingin siya ulit sakin nang may kunot sa noo.
"I know and soon he will be again so shut up and wait for me to finish my question, will you?" aniya na nagpalaki sa mata ko.
Nang hindi ako umimik ay umiwas ulit siya ng tingin sakin. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagsasalita. He shocked me with his reaction at ayaw ko nang maulit yun.
"Have you moved on already?" tanong ni Chase ng mabilis.
"H-hindi ko masasagot iyan." sagot ko at nagpatuloy sa pagkagat sa labi ko.
"Why not?" seryosong tanong pa ulit nito.
Bumaling ako kay Chase. Nakakunot pa rin ang noo niya at ang tingin ay nasa baba as if he's confused.
Of course he'll be confused. Kagustuhan kong magmove on mula sa kanya at matagal tagal na rin kami magkasama ni Kurt at kung gusto naman talaga magmove on ay magagawa iyon kahit sa ganoong kaiksing mga araw. Pero may isang bagay lang talaga ang pumipigil saking gawin ang kagustuhan ko. Si Chase iyon.
"Dahil ako mismo hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa'yo at kay Kurt." sagot ko rito.
Lalong nangunot ang noo ni Chase nang isama ko si Kurt sa pinag-uusapan. "Why is Kurt involved?" tanong nito na inirapan ko na lamang.
"Oh don't roll your eyes at me. That's fvcking rude." aniya sakin.
Natawa na lang ako sa naging sagot niya sakin. Natahimik ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. Napatingin ako kay Chase. His green eyes are staring at me at nakangiti siya sakin. Pinamulahan ako ng pisngi and I can feel my eyes heated up because of my tears.
Mabilis akong umiwas ng tingin at umupo ng maayos. Pinikit ko ang mata ko bago ko takpan ang mukha ko gamit ang kamay ko. Sa pagtingin ko pa lang kay Chase, wala pa nga siyang ginagawa nasasaktan na agad ako. Ano ba ito?
Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko na hinihila ako palapit sa kanya. Niyakap ako ni Chase at hinalikan sa noo. Pinabayaan ko siya. I slightly felt comfortable in his arms. Iba pa rin pala kapag pinapangarap mo pa lang noon.
"Please be with me, Irina." bulong niya sakin na nagpa-iyak sa akin lalo.
"I would love to Chase but I'm still confused." sagot ko.
Inilayo niya ko sa kanya at pinunasan niya ang mga luha ko mula sa mata at ang pisngi kong nabasa ng luha. He cupped my cheeks at pinatingin sa kanya. Gusto kong matunaw sa klase ng tingin na binibigay ni Chase. His green eyes just wants to pull me.
"Babawiin kita. Ibabalik kita sakin." aniya at pumikit bago inangkin ang labi ko.
Nang halikan ako ni Chase ay nakaramdam ako bigla ng guilt. I feel like I'm cheating on Kurt kahit na alam kong simula nang iwan niya ko rito ay pansamantala kaming magkahiwalay. No, hindi pansamantala. Dahil noon pa lang bago magsimula ang deal alam kong unfair na ko.
Lumayo si Chase sakin matapos ang ilang segundo at tumayo. Hinawakan niya ulit yung kamay ko saka kami nagcommute pabalik sa bahay. Akmang papasok na ko sa bahay nang pigilan ako ni Chase. Nakahawak siya sa braso ko at dahan dahan akong hinila.
Pinulupot ni Chase ang bisig niya sa baywang ko habang ang isang kamay niya ay pumunta sa pisngi ko para ilapit ang mukha ko sa kanya. Chase kissed me passionately. Pinikit ko ang mata ko at hinayaan si Chase. I can feel those freaking butterflies all over my stomach again. Yung dibdib ko, sumisikip sa tuwa. I have a feeling of wanting to smile pero di ko magawa dahil kay Chase.
I kissed Chase back. I know it's rude to compare but comparing Chase's kisses to Kurt's, I could drown to Chase's. Aaminin kong nakakaadik. Chase is my personal brand of drug and he really is no good for me but I keep coming back for more.
"Get inside." aniya sa gitna ng kanyang mga halik.
Lumayo siya pagkatapos. Pagmulat ko ay ang kanyang mga berdeng mata ang bumungad sa paningin ko.
"I'll get you back as soon as possible but please, cooperate with me." aniya bago ako bigyan ng isa pang halik.
I will. I'll cooperate. I will cooperate with you for sure dahil alam ko sa dibdib ko na sobra sobra pa rin ang nararamdaman ko sa'yo, Chase.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 17
Start from the beginning
