Napa-irap ako sa kawalan. Dinala niya ko sa pinto ng passenger seat saka ako pinagbuksan ng pinto. Pumasok ako sa loob nito at amoy sa loob ang pabango ni Chase. Napasandal ako't napapikit sa amoy ni Chase na kalat sa loob ng kotse. I could smell him all day dahil sa bango nito.
"Had enough of my smell?" tanong nito sakin na nakapasok na pala sa driver's seat.
Inirapan ko na lang si Chase bago ko suotin ang seat belt ng kotse niya. "Hangga't maaari alam kong abnormal kayong magdrive magkakatropa, gusto kong umuwi ng buo ako." bilin ko rito.
"Oh trust me, I wouldn't take the risk with you next to me while driving." sagot nito.
Napa-okay na lang ako sa sagot niya saka nito sinimulang patakbuhin ang kotse sa tamang speed limit. Hindi mabilis at hindi rin mabagal. Ayaw kong maghahabol ako ng hininga pagbaba ko ng kotse niya. Hikain pa ko ng wala sa oras nagkaroon pa siya ng kasalanan kila eomma.
Tumagal ng ilang minuto ang byahe namin. Medyo tirik pa ang araw pero siguro pagdating ng hapon, may chances na umambon o kaya'y umulan. Hininto ni Chase sa tapat ng bahay ang kotse niya. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ng pinto dahil inunahan ko na siya.
Akmang papasok na ko sa bahay nang paglabas ni Chase ng kotse niya ay tinawag niya ko.
"Wait, Jace." tawag nito kaya't nilingon ko siya.
"We're going to walk." aniya habang nakatingin ng seryoso sa akin.
"Bakit?" tanong ko rito.
Lumapit si Chase bago nagsalita. "I don't know, I'd like to explore Seoul with you." aniya.
Lihim akong napangiti sa sinabi ni Chase. Ngayon ko lang rin lilibutin ang Seoul sa ganitong oras. Nang si Kurt ang kasama ko ay pabalik balik lang kami ng pinupuntahan but I still enjoyed. Tumango ako kay Chase pero napatingin sa suot ko.
"Pwede bang magpalit muna ako?" tanong ko rito.
Umiling si Chase at tinignan ang buong suot ko. Shorts, tank top, boyfriend blazer at ang white sneakers ko lang ang suot ko. Pinasadahan ako ni Chase mula ulo hanggang paa bago tumingin sa mata ko.
"That'll do." aniya at inalok sakin ang kamay niya.
Nagdalawang isip pa ko kung hahawakan ko iyon pero nang tumagal ang titig ko doon ng ilang segundo ay nangunot ang noo ni Chase kaya't siya na mismo ang humawak sa kamay ko. Hinila niya ko pababa ng streets hanggang sa makalabas kami papunta sa kalye ng Seoul. Maaga pa kaya't hindi gaano nakakaengganyo mamasyal. Mas maganda mag-gala dito kapag gabi.
Halos dalawang oras rin namin nilakad para libutin ang kalye ng Seoul ng magkahawak kamay. It's 2 o'clock at pansin ko ang medyo pagdilim ng langit pero kita pa rin ang araw. Nag-ayang umupo si Chase sa isang park bench. Bumitaw siya sakin saglit, aniya'y nauuhaw raw siya at ibibili niya rin raw ako ng tubig.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 17
Start from the beginning
