Napangiti ako saka ko hinawakan ang magkabilang pisngi niya at pinatingin sakin. "Salamat rin. Please come back soon." pagmamakaawa ko na tinanguan ni Kurt.

Bumitaw na siya sa yakap niya sakin habang ako ay yumakap pa muli sa leeg niya. Pinabayaan niya ko. Saka ko lang naramdaman na hindi lang nga pala kami ang magkasama rito sa airport. Kasama nga pala namin sila eomma at nandito rin si Chase. Absent si Ina at Zane dahil nagpapractice pa sila. Next week ang competition, the next week ay ang patuloy na pagpapagamot ni eomma.

Hinatid ko si Kurt hanggang sa gate na papasukan niya. Pupunta siya muna sa Singapore bago tuluyang pumunta sa London. Hila-hila ko pa rin ang bagahe niya at naiwan sa labas ng airport sila eomma. Hindi na nag-atubiling sumama sa amin.

"Magparamdam ka kung may free time ka, please?" bilin ko rito.

"Of course. Huwag mo rin ako kalilimutan." aniya na tinanguan ko.

Humalik ulit si Kurt sa akin bago niya kinuha sa akin ang maleta niya. I gave him one last bear hug bago ko siya hinayaang pumasok sa gate niya. Kumalat ang lungkot sa dibdib ko sa buong sistema ko. I felt a tear escape my eye na agad kong pinunasan. Kurt gave me one last look at nginitian ako. Kumaway ako habang takip takip ang bibig ko controlling my sob. Sa isang linggo, I grew fond of Kurt and it's hard for me to let him go for a while.

Lumabas ako ng airport at sinalubong ako ni eomma ng yakap. She felt my sadness kaya niya ko sinalubong ng yakap. Oh how I love my eomma. Kumpara kay appa, mas close ako kay eomma dahil si Ina at Zion ay mas malapit kay appa.

Lumipat ang tingin ko kay Chase. Hindi ko alam kung may nararamdaman pa ba ako sa kanya. Parang gusto ko nang sirain ang deal namin ni Kurt. Gusto kong sundan na lang si Kurt dahil sa takot na nararamdaman ko kay Chase. All I felt for him was pure pain. Purong sakit lang ang nakuha ko kay Chase.

Ani nila'y wala kang karapatang magmahal kung takot kang masaktan. I guess I can't blame them. Getting hurt is a choice anyway at hindi ko rin masisisi si Chase kung nasasaktan ako sa kanya. I chose to love him more than anything kaya nasasaktan rin ako ng sobra pa. 

Humiwalay ako kay eomma. Tinanguan ko si eomma at binulungan na sa kotse ako ni Chase sasakay sa ngayon. Hindi ako namamangka sa dalawang ilog. I'm basically stucked in the middle of two separate lakes, making a choice. Kurt finally gave Chase a chance to be with me. He gave me a chance too at nasa akin na ngayon ang desisyon.

Lumapit si Chase sa akin. Naunang umalis ang van nila eomma at ang nakangising si Chase ay malapit na sa akin ngayon. Nararamdaman ko na naman yung takot sa sistema ko. I just feel so intimidated when Chase is around. For crying out loud! This is Chase Damian Wilson!

"Finally, Irina." ani Chase na nagpakunot sa noo ko.

"Finally what? Anong gusto mong iparating?" tanong ko rito.

"Just you and me, babe. The way I wanted it." sagot niya sakin at inakbayan na ko.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now