Ngayon ay nauunawaan ko na. Si Atty. Tres Suarez at Ginoong Elias ay magkamag-anak. Ang hindi ko lang maintindihan ngayon ay kung bakit ginawa ito ni Atty. Tres sa amin? Ipinakasal lang naman niya ako sa milyonaryo (o pwedeng bilyonaryo pa nga) niyang pinsan!

.

.

.

.

.

"Kumusta po ang pakiramdam n'yo?" Tanong ko kay nanay habang inaayos ang unan niya.

Kakagising lang niya. Naiuwi ko na siya kaninang umaga dahil nabayaran ko agad ang hospital bills niya sa tulong ng pera ni Ginoong Elias. Hinatid naman kami ng ambulance dahil kasama 'yon sa binayaran ko.

"Maayos naman na, anak..." Sagot ni nanay na nanlalata pa.

Nginitian ko siya at kinuha ang towel na nakababad sa may maliit na plangganang may maligamgam na tubig para punasan ang mukha at ang braso niya.

Nakatitig lang sa akin ang inay. "K-kailan ko ba makikita ang asawa mo, Lucia? Baka mamatay na lang akong hindi ko man lang siya nakikilala."

Napahinto ako sa tanong ni nanay. Dito talaga ako nahihirapan, ang lagi niyang paghahanap sa asawa ko. Binabalot ako lagi ng konsensya dahil wala naman talaga akong ipapakilala sa kanyang asawa.

Napatingin naman ako kay nanay. "Ano, ahmmm, 'nay, alam mo namang seaman siya kaya matagal siyang nasa gitna ng karagatan. H'wag po kayong mag-alala, sinabi ko na sa kanya na gusto niyo siyang makilala, at ipinangako niya na kikitain niya po kayo pagkababa niya ng barko."

Araw-araw na lang akong gumagawa ng pagkakasala sa D'yos sa kasinungalingan na nilikha ko. Hindi ko alam kung katanggap-tanggap pa nga ba akong bumalik sa kumbento.

Naubo-ubo naman si nanay kaya kinuha ko ang isang baso ng tubig sa may gilid ng kama niya para painumin siya. Nang mahimasmasan siya ay muli siyang nagsalita. "Sabagay, mabuting magsumikap siya sa trabaho para sa future niyong dalawa at ng mga apo ko."

Ako naman ang naubo sa pagbanggit ni nanay ng apo. At may 'mga' pa. Jusko po.

Napangiti na lang ako. "Papadalhan ko na lang po siya ulit ng liham para ipaalam sa kanya ang lagay niyo, baka sakaling mapadali ang uwi niya." Pagsisinungaling ko pa ulit.

Alam kong mali itong ginagawa ko pero kung aamin naman ako kay nanay ay baka mas lalong sumama ang sitwasyon niya at tuluyan siyang sumakabilang-buhay. Ano ba 'tong gulong pinasok ko? Hindi ito ang pinag-usapan namin nila ni Sanaya at ni Atty. Tres! Pero 'di bale ng ako ang magkasala sa mata ng D'yos basta humaba pa ang buhay ni nanay.

Pinakain ko na lang si nanay ng hapunan nang mas maaga. Nang matapos ay iniwan ko na siya sa kwarto niya para makapag-pahinga na. Inasikaso ko naman ang gawaing bahay. Naglinis ako ng bahay at naglaba. Ang hirap na ako ang bunso sa pamilya at ang mga kapatid ko ay may kanya-kanya ng pamilya. Si tatay naman ay ilang taon na ring yumao. Kaya ako na lang mag-isa ang nag-aasikaso kay nanay at sa bahay.

Kung sakali mang mawala si nanay, babalik talaga ako sa kumbento. Dahil nandoon na ang buhay ko.

Nang matapos ako sa mga gawaing bahay ay naisipan ko ng kumain ng hapunan nang biglang may kumatok sa pinto. Napatingin naman ako sa orasan. Alas-otso na. Sino naman kaya 'to? Lumapit ako sa pintuan at pinagbuksan ito. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino siya.

"Ginoong Elias?" Agad akong lumabas ng pinto dahil baka marinig kami ni nanay. "Ano pong ginagawa mo rito?"

Nagpamulsa naman siya sabay tingin sa akin. "Dinadalaw ang asawa ko---"

Bachelor Wifey (Rewritten)Onde histórias criam vida. Descubra agora