My Possessive Adoptive-BIGBrother

49.7K 778 106
                                    

Synopsis:

Sa pagbuo ng pira-pirasong pagkatao ay sinikap ni Jiliane pakibagayan ang mga anak ng taong kumopkop sa kanya pagkatapos siyang iwanan ng nanay niya sa isang pari noong apat na taong gulang pa lang siya. Hindi naman siya nahirapan ilapit ang sarili sa bunsong anak ng mga ito sapagkat agad niya itong nakapalagayang loob. Hindi nga lang ganoon ang sitwasyon sa panganay ng mga ito na si Alejandro. Sa una ay likas na dominate ito at suplado. Subalit sa paglipas ng panahon ay unti-unti rin silang nagkalapit.

She loved and adored him like an elder brother.

Buong akala niya ay pagtingin magkapatid lang ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa kaya laking gulat niya ng bigla siyang halikan nito sa gitna nang mainit nilang pagtatalo. At sa labis na pag kahindik niya ay nagpaubaya pa siya dito.

Chapter 1

Inikot ng mga mata ni Jiliane ang marangyang kabahayan ng Dacer. Nakaupo siya sa swing sa gitna malawak na hardin ng mga ito. Maraming nakatanim na rosas at rare species ng orkidyas at ilang species ng daisies sa ilang bahagi ng bakuran. May ilang malalagong puno rin nakatanim sa loob ng bakuran. Sa loob ng labing-apat na taon ay ang bahay na iyon ang naging kanlungan niya simula noong iwan siya ng kanyang Ina.

Bigla siyang napatili ng biglang sumulpot sa harapan niya si Reed habang iwinawagayway sa mukha niya ang isang patay na palaka!

Tumitiling kumaripas siya ng takbo habang hinahabol naman siya ng binata. Paborito nilang dalawa maglaro sa hardin ng mga ito sapol nilang sila'y maliliit pa lang. Sanay na ang mga tao na nakakakita sa kanilang asaran at harutan. Apat na taon gulang siya ng mapadpad siya sa bahay ng mga Dacer. Kahit musmos pa ay hindi niya makakalimutan ang panahon kung saan at kailan siya iniwan ng kanyang ina.

Natatandaan niya na mula sa lumang bahay nila sa probinsiya ay sumakay sila ng malaking barko at nagbyahe patungo dito sa maynila. Pagkababa nila ng barko ay hindi niya na mabilang kung ilang beses silang sumakay ng jeep. Bumaba sila sa isang bahay na may pulang tarangkahan. Hindi kalakihan ang bahay subalit malinis iyon at halatang bagong tayo. Pagkaraan ay kumatok ang nanay niya sa doon subalit isang matangkad at maputing lalaki ang tila galit na humarap sa kanila. Binuhat siya ng kanyang nanay papasok ng bahay, ilang saglit pa ay nakita niyang nagtatalo ang mga ito. Bagaman natatakot ay napansin niya na kagaya niya ang lalaking kaaway ng kanyang nanay, taglay nito ang pares na abuhing mata at kulay kahel na buhok.

Tuluyan siyang napaiyak sa takot ng biglang sampalin ng estranghero ang kanyang ina. Nakita niya ang pagtulo ng dugo sa gilid ng bibig ng kanyang nanay. Narinig niyang marahas na nagmura ang lalaki habang patuloy na dinuduro nito ang kausap. Marahas naman tinabig ng kanyang nanay ang kamay nito at saka siya binuhat palabas ng bahay. Kapwa umiiyak na nilisan nila ang bahay ng lalaki.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay may ilang araw silang nagpagala-gala ng kanyang nanay sa kalsada. Ilang gabi nilang tiniis pareho ang malamig na sahig ng kalsada kung saan sila abutin ng antok at pagod, at madalas kapwa sila nalilipasan na ng gutom sapagkat dumating na rin ang araw kung saan naubos na ang perang baon ng kanyang Ina. Napilitan silang manglimos pareho na hindi naging madali sapagkat marami rin bata ang nanlilimos kung saan sila nakaposte ng kanyang nanay. Bihira ang pagkakataon na limusan sila marahil dahil sa itsura niya na bagaman marumi at madungis hindi makakaila na anak siya ng banyaga. Isa pang dahilan ay marahil iniisip ng mga tao na hawak sila ng sindikato.

Kapag may araw na kulang na kulang talaga ang pera nilang nalimos upang ipambili ng pagkain ay hindi mapigilan ng nanay niya na mapaiyak, batid niya na mahirap dito ang sitwasyon na kinasunguan nila subalit wala naman itong magagawa. Itinanong niya minsan dito kung bakit hindi na lang sila bumalik sa probinsya nila.

My Possessive Adoptive-BIGBrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon