Kabanata 18 - So much hurt.

Magsimula sa umpisa
                                    

      Nang sa tingin niya ay medyo ayos na ito sapagkat ang kaninang may tunog na pag-iyak nito ay humina nang tuluyan kaya naman niluwagan na niya ang pagkakayakap sa dalaga at tsaka nakangiti itong tiningnan.

    Pinunasan ng dalawang hinlalaking dalire ang bakas ng mga luha nito sa pisngi. "Napa-english ako roon ha." Nakangiti nitong saad sa dalaga. At inakay itong muli sa pagkakaupo at tinabihan ito.
 
  "Sinasabi ko na nga ba at dito kita matatagpuan dahil wala ka sa kuwartong nakalaan sa iyo nang puntahan kita roon.
 
  "'Nay Rosa, ang akala ko po naka alis na rin kayo? Pasensiya na po kung hindi ko man lang po kayo masiyadong na-entertain kanina sa reception," saad ni Angel sa kaniyang Yaya na itinuring na rin niyang pangalawang Ina.

    "Wala iyon, anak. Kanina ko pa rin napansin na tila wala ka sa mood kahit nakikita kitang nakikipag kuwentuhan sa mga kaibigan mo. Hindi na muna kita kinausap gawa ng alam ko na hindi iyon ang oras para alamin ang dinadala mo."

    "Paano niyo po nalaman na nandirito ako?" tanong niya.
 
  "Hija, kahit ilang taon na tayong hindi magkasama, kilala pa rin naman kita lalo na ang mga kinahihiligan mo. Remember, ako na halos ang nagpalaki na sa iyo. Hindi dahilan ang lumipas na limang taon na hindi na kita kasama sa bahay at naalagaan para makalimot ako sa mga kinahihiligan mo. Isa pa ay papayag ba akong hindi tayo makapag-usap bago ako umuwi," mahabang turan nito kay Angel.
 
    Napangiti si Angel sa kaniyang 'Nay Rosa. Ganoon siya nito kakilala at dahil alam nito na isa ang bar sa palipasan niya ng oras ay madali para dito na matagpuan siya sa ganitong klaseng lugar"

    "Bakit po niyo ko pinuntahan rito? Sana po ay nagpahinga na lamang po kayo at ipinagpabukas na ang inyong sasabihin sa akin."

    "Bakit ipagpapabukas pa kung maaari naman ngayon na, hindi ba anak? Alm ko rin na nasa matino pa naman ang pag-iisip mo at hindi ka pa lasing. Diretso pa nga ang salita mo." Nakangiting wika ni Nay Rosa kay Angel.

    "Kung marahil mamaya pa kayo nagtungo rito malamang siguro lugmok na ako sa kalasingan."
 
  "Kaya nga mabuti na lang talaga at naisip ko na puntahan ka na ngayon tutal ay pauwi na rin kami ngayon ng anak ko na kasama may maghahatid na rin sa amin pati."

    Ganoon po ba." Pasensiya na Nay kung hindi po ako ang sumundo sa inyo tulad ng sinabi ko," malungkot na saad niya sa kaniyang yaya.
 
    Wala iyon hija ano ka ba? Masiyado kang naging abala sa mga nakalipas na araw at nauunawaan ko iyo. Hindi ko ikatatampo ang ganoon lang sa iyo."
 
    "Salamat po 'Nay sa pang-unawa."
 
  "Marahil magtatampo ako kung hindi mo sa sasabihin sa akin kung bakit kita nadatnang umiiyak kanina?"
 
     Nag-iwas siya ng tingin sa kaniyang Yaya at pinaling ang paningin sa bote ng alak na ngayon ay nakapatong ng muli sa table sapagkat doon lang iyon inilapag ng kaniyang Yaya kanina ng inagaw ito sa kaniya.
 
    "Alam ko iyang iniisip mo Anak," turan nito kay Angel na nakapag-pabalik ng paningin niya sa kaniyang Yaya.

     "Kailanman ay hindi naging solusyon ang alak sa mga problema at hindi iyan gamot na kapag ininom mo mawawala na ang sakit ng kalooban agad pagkatapos."
 
  "Masakit po pa lang magkunwari sa totoong nararamdaman. Ang akala ko ayos lamang na hanggang doon lang kami pero masakit po pala kapag ikaw na mismo 'yun nakararanas ng pambabaliwala. Sana pala naging totoo na lang ako kay Aidem Yaya." Muling bumagsak ang luha niya kahit anong pigil niya na mahulog iyon habang nagsasalita ay hindi siya nagtagumpay.
 
  "Sana pala nakinig ako sa inyo rati pa. Na kung darating ang panahon na magtapat sa akin si Aidem ay huwag akong mag-atubiling papasukin siya sa puso ko at harapin at pilitin labanan ang kinatatakutan kong mangyari muli." Nauwi sa paggaralgal ang tinig niya sanhi ng pag-iyak habang nagsasalita.

     Sana pala naging matapang ako at naging totoo sa kaniya. Kaya hindi ko rin naman siya masise na biglang magbago sa akin dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit ganito na siya sa akin ngayon. Bakit ba sobrang sakit Yaya? Bakit ba tila pakiramdam ko mas mas triple kaysa noong iniwan ako sa ere ni Erickson" mahaba niyang turan.

    "Anak, kung hindi si Aidem ang nakalaan para sa iyo marahil ay mayroong pang mas nakalaan sa iyo iyon ang lagi mong iisipin. At huwag kang matatakot sumubok na muling pumasok sa relasiyon kapag may nagtangka. Marahil ang pagpasok sa isang relasiyon ay parang sugal iyan, may natatalo at may nanalo. At kung manalo ka man alagaan mo na huwag ng hayaan muling matalo pa at i-grab mo iyong pagkakataon na hawak mo na siya."

    "Sa palagay niyo po ba talo na ako sa kaniya"
 
    "Matagal kayong naging magkaibigan at ikaw ang higit na makasasagot ng tanong mo na iyan pero kung susundin mo ang payo ko. Huwag kang basta susuko ng hindi lumalaban lalo at hindi pa naman kasal," seryosong saad ni 'Nay Rosa sa kaniya.
 
     Hindi naman naiwasan ni Angel na matawa sa suhestiyon ng kaniyang Yaya. Kung alam lang nito na kasal sila ni Aidem iyon nga lang hindi naman niya iyon puweding gamitin na alas lalo at alam nila pareho na peke lang naman iyon.
 
  "Ang mabuti pa tumayo ka na riyan at tigilan mo na iyang pag-iinom mo. Walang gandang dulot sa kalusugan iyang ginagawa mong pag-iinom. Kailan ka ba titigil sa ganiyan bisyo ha?" sermon na wika na nito sa alaga at anak-anakan na rin.
 
  "Yaya, hindi ko po ito bisyo, pampalipas oras ko lamang."
 
  "Naku! Kahit ano pa iyang dahilan mo hindi pa rin maganda sa kalusugan ang alak. Sapat na siguro ang alak na inilagay mo diyan sa tiyan mo para makapag pahinga ka na. Hala, sige tayo na riyan."

    Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod na sa sinasabi ng kaniyang 'Nay Rosa.
 
    Binayaran niya ang mga nainom at magkasabay nilang binagtas palabas ang nasabing bar.

    "'Nay, ihatid ko po muna kayo sa room niyo."
 
  "Huwag na Hija. Mas ikaw ang kailangan magpahinga na at nakainom ka. kaya ako na ang maghahatid sa iyo sa kuwarto mo. Para makatiyak rin ako na magpapahinga ka na."
 
  Nang maihatid nga siya ni 'Nay Rosa sa kaniyang silid ay umalis na rin ito agad. Sinabi nito na bukas ng madaling araw ang biyahe ng mga ito pabalik ng Tarlac kaya. Medyo na lungkot siya nang bahagya sa isiping kailangan na ulit siyang iwanan ng kaniyang Nanay Rosa.
 
  Masasabi niyang malungkot ang buhay kabataan niya dahil halos ang mahigit na kalahati ng buhay niya ay wala naman siyang kinalakihan na buong pamilya. Kaya mahal na mahal niya ang kaniyang Nanay Rosa dahil ito ang tumayong Ama at Ina sa kaniya. Mahal din naman niya ang kaniyang mommy pero mas higit ang pagmamahal niya sa kaniyang Yaya dahil ito na nga ang halos nagpalaki sa kaniya.
 
  Dahil nakaramdam na rin naman siya ng antok at tumalab na ang nainom ay nagpasiya na siya na matulog na para makapahinga na rin ang pagod niyang utak.
 
  Kapapasok pa lang niya sa pinaka silid ng tinutuluyan niyang kuwarto ng makarinig siya ng pagkaluskos na tila may tao sa labas ng kaniyang silid. Pahiga na rin sana siya no'n. Ngunit dahil nga sa narinig ay napilitan siyang sinuhin kung sino ang dumating. Umaasa siya na si Aidem iyon sapagkat ito lang naman ang nakakapag-labas masok sa kaniya roon.
 
  Na-excite siya sa isiping makakasama niya itong matulog ngayon gabi. Titiyakin niya na hindi na siya mag-iinarte rito ngayon. Kaya mabilis na siyang lumabas ng kaniyang silid at nagtungo sa sala para lang magulat sapagkat hindi nag-iisa ang nadatnan niya roon kundi may kasama ito.     
 
                ***Rhaime22***  

AUTHORS NOTE:
        Hello, Im back And Im so, sorry mga bhelabz ngayon lang ako nabuhay, Yes po, buhay pa naman ako at masiyado lang po na-bussy sa ibang platform kung saan ako ay kumikita para sa aking story. Anyway na miss ko kayo. XOXO   

         

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon