☠︎︎1☠︎︎

25 2 8
                                    

SOLENE'S POV


Nakakabagot bumangon sa araw nato, Ewan pero pagod na pagod ako sa nangyari kagabi. birthday kase kagabi ng bestfriend kong si Chiandrei Adrew Alvarado mas matanda ako sa kaniya ng dalawang taon

Pagod na pagod ang katawan ko dahil madaling araw na ako nakauwi

Nakahiga lang ako dito sa kama ko ni hindi pa ako nakapag bihis simula ng dumating ako dito sa bahay dahil antok na antok na ako pagkauwi

Nanatili lang akong nakahiga sa loob ng sampung minuto bago ko naisipang maligo at magbihis nagsuot lang ako ng pajama saka plane na black t-shirt saka ako bumaba para kumain

Pagdating ko sa baba hindi na ako nagulat ng singhalan ako ni Mama, minsan lang kasi ako lumabas ng bahay inaabot pa ng madaling araw bago umuwi

"At saan ka naman nanggaling kagabi?! Tiningnan kita sa kwarto mo pero bakit wala ka doon?!"

"Ma, Birthday kahapon ni Andrei hindi ako nakapag-paalam sayo kase wala ka naman dito sa bahay. Sabi ni Ate Melba umalis daw kayo ni Papa kasama si Kuya"

"Oh eh bakit hindi mo agad sinabi? Edi sana nakabili ako ng regalo para sa batang iyon" mahinahong sabi ni Mama okay lang naman sa kaniya pag si Andrei ang kasama ko dahil parang anak nalang din yung turing niya kay Andrei

"Okay na yon, wag mo na yung problemahin"

Kumain nalang ako saka ako pumunta sa sala tsaka ako nanood ng tv hindi pa man nagtatagal ay tumunog yung doorbell sa labas ng bahay kaya agad ko iyong binuksan

Pagkabukas ko ng gate nakita ko ang isang lalake na pulos itim lahat ng suot Itim na polo, itim na pants, itim na sapatos and weird na pananamit niya

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya hinarap niya ako

Matangkad siya at sobrang puti hindi yung maputi na natural lang iyon yung puti na as in sobrang puti na para kang masisilaw

"Ikaw ba si Jolaia Solene?" Tanong niya saken yung boses niya parang medyo basag na malalim.

Dahan dahan akong tumango "Oo ako nga, Bakit may kailangan ka sakin?"

"Iniimbitahan ka namin sa aming pagtitipon mamayang gabi nandiyan na ang lugar kung sann ka pupunta" sabi niya at biglang nag-iba ang kulay ng mga mata niya kaninang itim na itim na mga mata niya ay naging pula na kakulay ng dugo napa-atras ako ng konti

"P-pero bakit kai--" hindi ko natapos ang aking sasabihin ng bigla nalang itong nawala na parang hangin sa harap ko

'Shuta bangag pa yata ako o siguro hangover lang to shutek naglasing pala ako kagabi'

Pero hindi eh totoo talaga yun. Tiningnan ko ang sobreng iniabot niya sakin kanina

Kulay itim ito na may gintong mga linya at saka taling kulay ginto din binuksan ko iyon at tumambad sakin ang kulay pula na papel na nakatupi binuksan ko iyon at binasa

ACADEMY OF THE LOST SWORDWhere stories live. Discover now