PRELUDE
Bakit ba nasayang lahat-lahat? Bakit ko pa iyon pinagtuunan ng pansin? Pagod na pagod na ako. Ipagpapatuloy ko pa ba? Hahayaan ko ba na mangyari ang pinakakinakatakutan ko?
PROLOGUE
"SI CLARISSA"
Petsa: Mayo 26, 2014
"Por dios por santo Clarissa! Wala kana bang kasing tamad?! Araw-araw ka nalang nakahilata kakabasa sa walang kwentang libro mo!"
Sigaw na nakakasakal, nakakapagpukaw sa kasamaan ko, nakakamatay. Oo si mamay yan. Iyan si Verissa O. Leosuda. Napakabungangera 24/7. Kahit si papay naiirita narin sa bunganga ng mamay, introducing Carlo D. Leosuda ang pinakaspoiler kong papay. Ngunit kahit ganiyan kami ka galit kay mamay, mahal namahal namin siya, pag hindi siya galit.
Hindi ko napigilan ang galit ko't nasagot ko si mamay. Hindi ko talaga sinasadya kaya nagsisi ako pagkatapos.
"Mamay naman eh! Lahat nalang sakin mo inuutos bakit hindi naman kay Clide? Parati nalang ako, ako lang ba tao dito?!"
Pasigaw kong sinabi ito sa mukha ni mamay. Sa lahat pa naman ng namana ko kay papay, init ng ulo lang talaga nakuha ko. Talino, mukha at malakas na karisma nasa kapatid kong si Clide. Marami mang nag-aagawan sa kaniya, mukha parin siyang kambing na walang alaga para sakin. Mabait naman pero sobrang tamad, ang kapal ng mukha! At dahil hindi siya weirdo katulad ko, paborito talaga siya ni mamay. Unfair no? Paborito naman ako ni papay, wala akong pake sa kambing yun.
"Napaka-aga at nangingibabaw yang init ng ulo mo. Sige ka at papangit ka talaga." Pang-aasar ni papay.
Talaga ba papay? Napangiti ako dahil sa mga katagang iyon. Ngumiti rin ang kambing kaya nagalit ako.
"Ngiti-ngiti ka diyan?! Hugasan mo nga yang mga pinggan! Ako pa nagsampay, nagluto at naglaba kahapon tapos ikaw?! Hindi ka panga tapos sa schoolworks mo, saken mo na naman ba yan ipapagawa? Hindi kaba napapagod sa sarili mo?! Gusto mo sabihin ko kay papay yung sikreto mo?"
Lumapit ako sa kapatid kong kambing habang galit itong nakatingin sa akin. Hay nako! Deep inside, sobrang gaan sa pakiramdam na nagagalit siya. Ipagpatuloy mo kambing.
"Anong sikreto Clide?" Tanong ni papay na nakataas ang kanang kilay nito habang ibinaba ang tasa na puno ng paborito nitong mainit na itim na kape.
"Oo na maghuhugas na ako ng pinggan! Mukha mo parang teacher na namamagsak!" At tumawa pa ang kambing.
"Pero nagalit ka parin, ah kawawa iyan?" Tumawa rin ako, siyempre akala niya siya lang marunong tumawa kahit galit?
"Tigil niyo na yan." Mahinang tugon ni mamay. Wow! Galeng! Bat naging chill siya? Bigla-bilglaan naman.
"Opo mamay, sorry." Mabilisan kong sinabi at tumakbo sa silid ko para ipagpatuloy ang pagbabasa.
Naisipan ko kalaunan na maligo nalang kasi why not naman diba? Tsaka dalawang araw narin akong walang ligo hehe. Tutunguhin ko na sana ang CR sa kuwarto ko nang bigla tumunog ang cellphone ko.
Si Warina napatawag biglaan. She's my 10 year best friend. Since elementary pa kami naging close sa isa't-isa. We shared a lot of crazy things together and we also shared the same tears. Yes, parehos lang kami ng mga crush. Best friend's goal check! Biro lang, she has her 3 year boyfriend, Vairo Benedict Torause. An ideal man. Patay na Patay best friend ko sa lalaking yon kahit na red flag yun.
"Hey..." Napabuntong hininga ito na para bang may sipon ang boses. Umiiyak na naman ba ang babaeng ito?
"Anong nangyari? Ayos kalang? Umiiyak kaba? Ano na naman ginawa niya sayo?" I asked her really quick kasi she's breathing heavily and I heard her loud cry echoing my ears that made my heart break again.
YOU ARE READING
Liham para kay Clarissa
RandomNormal at masaya ang buhay ng bente-siyeteng gulang na si Clarissa Leosuda. Ngunit sa kabila nito, alam na alam niya sa sarili niya kung ano ang gusto nitong makamtan noon paman. Hindi inaasahang sa isang mensahe iikot ang buong buhay niya, masulba...
