Callahan
Anong gagawin mo kung nalagay ka sa isang posisyon na hindi mo alam ang daan papalabas?
Anong gagawin mo kung ang tanging paraan upang mabuhay ka araw-araw ay kumapit sa patalim?
Paano kung nasa pedestal ang buhay mo at hawak pa ito ng ibang tao?
Hindi. Hindi lang basta tao ang may hawak ng buhay ko.
"Callahan!"
"Calla! Ano ba!?"
"Calla, anak, huwag ka na tumakbo, please lang."
Napahinto ako sa pagtakbo nang makarating ako sa isang matarik na puno ng acacia. Pumikit ako nang mariin habang pinipilit habulin ang hininga ko. Dinig ko pa rin ang tibok ng puso kong ikinabibingi na ng tainga ko. Nakakapagod tumakbo, leche.
"Calla! Magpakita ka naman sa'min, o?"
"AISST, buwiset," bulong ko at napahawak sa magkabilang gilid ng beywang ko habang nakatingala sa langit. Makulimlim ngayon kahit pa hindi pa gabi. Natatakpan ng mga ulap ang araw kaya dumilim ang paligid.
Karaniwan, masama ang senyales nito. Mas madalas, ang mga ganitong pangyayari ay nagpapahiwatig ng isang nakakakilabot at nakakatakot na pangyayari na minsan lang sa isang taon nangyayari.
Gabi ng lagim para sa mga kakatwang hindi pang-karaniwan sa pananaw ng isang normal na tao. Mga taong walang alam sa mga bagay-bagay at misteryong bumabalot sa mundo at pinaniniwalaan lamang ang mga ito bilang di-makatotohanang kuwento na napasa-pasa na mula pa sa aming mga ninuno.
"Noong unang panahon, ang mga bampira at lobo ay mga kaibigan ng tao na siyang katuwang ng mga ito sa pangaraw-araw nilang pamumuhay. Ang bampira at lobo ang siyang nagbabantay at pumoprotekta sa mga tao laban sa mga nagtatangka sa buhay nila, tao man o elemento. Ang tao, sa kabilang banda, ay siyang sandalan ng mga bampira't lobo sa oras ng sakuna at siyang nagpapatuloy sa mga ito sa oras ng pangangailangan."
Kuwento ng lolo ko noon sa akin. Mga panahong musmos pa lamang ako at hindi pa naiintindihan ng lubusan ang mga bagay na nangyayari sa paligid ko. Mga panahong hindi pa bukas ang isipan ko sa mga kababalaghang nakikita, naririnig, o nararanasan ko. Dahil ginusto kong paniwalaang wala ni isa sa mga naranasan ko ay totoo.
Sa kasamaang palad, napagtanto kong hindi ko dapat binalewala ang mga ito. Sana pala tinanggap at inunawa ko ang mga misteryong ito. Hindi sana ako mainit sa mata ng mga tao dito at iba pang mga engkanto.
Malas naman.
"Callahan!"
"Ah!" Sumigaw na lamang ako at napasabunot sa buhok sa sobrang inis ko. Wala na ata akong kawala dahil nasa dulo na ako ng sapa dito sa may kakahuyan sa lugar namin. Wala na akong ibang mapupuntahan dahil ang sapa dito ay tulay ng lugar namin patungo sa kabilang lugar na siyang pinamamalagian ng iba pang tribo dito.
Ang sarap manapak, sa totoo lang.
"Callaha-"
Napatigil ang babaeng tumatawag sa akin nang harapin ko siya. "Ano ba kamong problema nila sa akin?" inis kong asik sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Isabel at kinibitan ako ng balikat. "Malay? Bayad-utang?" Hinuha niya at napailing na lamang. "Ikaw ang gusto nila, Calla, wala akong maitutulong diyan."
Napaismik ako at lumapit sa kanya. "Hindi ko gagawin ang kung ano mang gusto nilang ipagawa sa akin. Labas na ako sa grupong 'to at nandito lang ako para sa tiyuhin ko. Pumunta ako dito para lumugar sa tahimik at lumayo sa gulo ng mga bampira at lobo," walang kurap-kurap kong saad dahil alam ko kung ano ang dahilan kaya hinahanap ako ng mga tao dito.
YOU ARE READING
Black Spade Bachelors
ParanormalShe thought she had it all. She thought she was already contented with what she had. All her life, she just wants to have a good life for herself and secure a bright future for her family. But what if she, a mere human, has to deal with a first-clas...
