Bukod dun, may nakasama pa syang dalawang bakla na mga front desk clerk, sina Marcus at Jonas, parehas taga batangas at scholar daw ng tito Samuel nila.

Ilang bwan pa kaming nag stay ni Samira sa hotel pero hindi ko pa rin nakikita si Samraz. Ang sabi ni Tito ay dito din nag tatrabaho. Ang dracula na yun. Pero kapag tinatanong ko naman si Samira kung nakikita nya si Samraz. Nakikita naman nya.

Tungod ba sa kadako ning hotel wa gihapon ko makakita bisan anino sa akong Frenemy.. Iniiwasan yata ako.. Hahaha.. Sabi ng isip ko.

"Dito po Ma'am. Sigurado po ako sa inyo, nagugustuhan nyo po itong hotel na ito." sabi ng isang lalaki na mukhang tour guide.

Ilang araw ko na rin syang nakikita dito na laging may dalang turista na foreigner na may kasamang asawang pinay.

At ilang araw ko na ring napapansin na iba ang ngitian ni Samira at ng lalaki.

"Hoy!" nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko at tinuhod ang likod ng tuhod ko kaya para akong mapapaluhod. "What are you doing huh!" sabi nito at nang humarap ako, si Samraz pala.

"Nakakagulat ka naman at bigla bigla ka na lang nandyan!" inis kong tugon.

"Tinatanong kita anong ginagawa mo jan?" ulit nyang tanong.

"Unsa pa, tingali nagtindog! Nakita nimo nangutana ka pa."

"Para ka kasing baliw jan at nakasimangot ang mukha habang tinitignan ang dalawa."

"So, kanina ka pa pala nakatingin sakin ah. Bakit? Nagagandahan ka na ba sakin?"

"Yak! No way!" sabi nya at parang diring diri na umiwas.

"Sipain kita jan eh! Kung makareact ka akala mo naman may sakit akong nakakahawa."

"Hindi kasi tayo close, di ako tulad ng kambal na bestfriends mo." 

Gago 'to ah! Ang sakit magsalita.

"Pch! Sino naman may sabi sayo na gusto kita maging bestfriend. Friend lang ayos na. Or else, frenemy. Pwede na rin."

"Yah. Your right. Your MY FRENEMY. Not my best buddy." sabi pa nya na may pagkakadiin pa sa salita.

King inang to! Palibhasa kasi mukhang dracula, kaya masama.

"Napalitan ka siguro ng dugo nung bata ka pa." sabi ko.

"Bakit naman ako papalitan ng dugo? Ano ako, na drain tapos sinalinan lang ng ibang dugo?"

"Oo ganon na nga. Ang sama kasi ng ugali mo." 

"Hahaha.. Hindi masama ugali ko ah. Mabait kaya ako. Baka magsisi ka kapag naging mabait ako sayo." seryosong sabi nya.

"Sus! Ngayon nga masama na ugali mo sakin, nagsisisi na ako tapos yung pagiging mabait mo pa ang dapat kong pagsisihan? Baka kamo isang himala na nababait ka pa! Buang ka na dong!" inis na sabi ko pero muli lang nya akong pinagtawanan at naglakad na palayo.

Nagpunta ako sa restaurant dito mismo sa loob ng hotel para puntahan si Samir, pero tulad ng nakaraang taon. At mga nakaraang araw. Wala na naman sya. Nasa kabilang isla para bumili ng mga sariwang isda.

Kung tutuusin hindi na dapat nyang gawin yun dahil may supply naman ang hotel, pero dahil na rin sa kagustuhan na makita ang girlfriend nya, dumadalas na ang paalis-alis nya lalo na kapag bakante ang oras nya.

Tatahi-tahimik lang pero may jowa. Ibang klase ang karisma ni Samir, samantalang ako, maingay, pero walang jowa. Hindi na nga maganda, wala pang jowa.

Nahiligan ko na rin ang pag cosplay, dahil pakiramdam ko dun lang ako gumaganda, pero, wala pa rin akong jowa. Hahaha..

Pero okay lang, dahil hindi lang naman ako nag nag iisang walang jowa sa mundo. Wala rin kasing jowa si Samraz.

Sa itsura nun, malabong may magkagusto dun, dracula itsura nun eh.

Gabi na at matutulog na kami ni Samira. Magkasama kami sa iisang kwarto lang, dito mismo sa loob ng hotel.

"Matulog ka na Sam. Gabi na hawak mo pa rin ang cellphone mo." sabi ko habang humihikab.

Naririnig ko kasi syang parang kinikiliti at tila kinikilig kaya hindi ako makatulog.

"Sino ba yang ka text mo at kilig na kilig ka jan?" muling tanong ko.

"Si Axel." sagot nya.

"Sino naman yun?" tanong ko.

"Yung tourist guide kanina. Nakita mo ba yun?" sabi nya at naalala ko yung lalaki na iba ang mga ngiti kay Samira.

"Yung, lalaking nginingitian ka."

"Oo. Diba ang gwapo nya?" sabi nya na tila kinikilig kaya bigla akong napatawa.

"Gwapo ba yun? Sorry di ko napansin." sabi ko pa dahil maitim yung lalaki, hindi naman sunog ang balat, parang kayumanggi ganon.

"Oo kaya ang gwapo kaya nun."

"Para kayong kape at gatas nyan." pabirong sabi ko.

"Edi bagay kaming dalawa." nakangiting sabi nya, natuwa pa sa sinabi ko.

"Bagay nga pero matabang naman." paang-aasar ko pa.

"Grabe ka. May sweeted milk kaya." pagtatanggol pa nya.

"Nililigawan ka na ba nya?" seryosong tanong ko.

"Oo,  heto nga katext ko." sagot pa nya.

"Uso na ba ang ligawan sa text lang?"

"Ewan ko, siguro kasi nakakakilig yung mga sinasabi nya eh." sabi pa nya na nakangiti pa rin.

"Hay naku. Mas maganda kung sa personal nya sabihin nyang mga kilig na sinasabi mo." prangkang sabi ko.

"Naku baka mahimatay ako sa kilig."

"Edi mag pa mouth to mouth ka para magising ka."

"Bakit? Eh hindi naman ako nalunod?"

"Anong hindi ka nalunod, jan pa nga lang sa kilig qoutes nya, lunod na lunod ka na, what if kung sa harapan mo na? baka, kailanganin mo pa ng salbabida."

"Tss! Wala ka kasing crush. Kaya ka ganyan." biglang sabi nya kaya natawa uli ako.

"Crush? Ano ako bata? 23 na kaya tayo, tapos crush?" sabi ko pa. Para sakin pambata lang ang salitang crush.

"Alam mo. Bagay kayo ni Samraz magsama. Ganyan ganyan din ang reaksyon ng sabihin ko may nanliligaw sakin." sabi pa nya kaya sumama ang mukha ko sa sinabi nya.

"Naku Sam. Yung isang yun? Babagay sa tulad ko? No way. Pipiliin ko na lang ng walang lovelife kaysa bumagay sa kanya." inis kong sagot.

"Bakit ba hindi kayo magkasundo?" tanong nya. Well naisip ko na rin yan nuon. Bakit ba kahit kaylan hindi kami nagkasundo ng dracula na yun.

"Wala talagang nagkakasundo kung parehas kaming live wire at pag nagdidikit o nagkikita, bigla na lang nagkikislapan." Dahilan ko.

"At least may spark." natatawang sabi pa nya.

"Hay naku Sam. Matulog ka na. Itulog mo na lang yang kilig mo na yan baka bukas tubuan ka pa ng pimplea kasi inlove ka na." sabi ko pa at tinalikuran ko na sya at nagtalukbong na ako ng kumot.

Muling sumagi sa isip ko ang tanong nya kanina. Bakit nga ba hindi kami nagkasundo ni Samraz. Tuwing makikita nya ako, lagi nya akong inaasar, tuwing makikita ko naman sya, lagi naman akong naiinis. Pag wala sya, hinahanap ko naman sya.

Samantalang. Frenemy na nga ang turingan naming dalawa. Ganon nya ako ka hate. Kahit wala naman akong ginagawa sa kanya.

Baliw na siguro yung lalaking yun, kung ano-ano kasing horror ang pinapanuod kaya siguro na aadopt na nya. Masyado syang weirdo!


To be continued.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now