Ayaw ko syang madamay.

"This. Selling?" ngumiti ulit si Jan at sinundot pa ang isda kaya mabilis kong inalis ang kamay nya sa kanyang kabastusan.

"Pwede bang umalis na kayo-"

"Why? Natatakot kang malaman nila na ang pinaghahandaan mo ay ang future mo?" she asked again with a playful smile. Inilibot pa nya ang kanyang paningin dahil tinitingnan na kami ng ilang napapadaan sa aming pwesto.

"She's afraid that they might know na isa syang..." sabi ng isa sa kasama ni Jan. Nagtinginan sila at sabay-sabay na sinabing, "Ampon!"

Malakas ang pagkakasabi nila noon at nagtawanan pa kaya mas nakakuha kami ng atensyon. Kaagad na kumulo ang dugo ko dahil doon pero pinilit kong kumalma.

Hindi pagganti ang sagot sa lahat.

"Di ba, Liah, ampon ka? Isa kang abandonado na tao na walang ginawa kundi gawing coping mechanism ay ang pagtataray?" Jan asked again. Muli syang lumapit sa akin, hinawakan nya ang collar ng damit ko. Binitawan din nya iyon matapos gawin at hinarap ulit ang mga tao. I saw how others point their camera to me.

"Alam kong kilala nating lahat si Great Ameliah!" sigaw ni Jan. "Great Pretender Ameliah!" nagulat ako doon lalo na nang itaob niya ang lalagyan ng isda sa akin. I was frozen at that.

"What the heck is your problem? Bakit ba ako ang pinag-iinitan mo?" mariin kong tanong at hinigit sa braso si Jan. Halatang nagulat sya sa ginawa ko pero nakabawi rin agad.

"Why not?" she smirked. "Ang unfair naman siguro kung sinasamba ka ng lahat kahit isa ka naman talang peke!" she added.

Malakas kong itinulak si Jan dahil doon.

"Papa, yang mga yan!"

Hindi natuloy ang akmang paglapit sa akin ni Jan nang may dumating na grupo ng kalalakihan, kasama ni Mildred.

"Anong problema rito?" tanong ng papa ni Mildred.

"See you, Great Ameliah!" paalam ni Jan at mabilis na umalis kasama ang mga kaibigan na tawa nang tawa sa akin.

"Ayan, ang dumi na tuloy! Dapat kasi lumaban ka, e!" ani Mildred bago ako higitin paalis ng palengke.

"O, ito, isuot mo!" galit pa ring sabi ni Mildred nang makarating kami sa bahay nila. Malaki iyon pero simple lang.

"Salamat, Mildred."

"Sabihin mo kay Chano, ito, ha?" nag-aalala nyang sabi kaya tumango ako. "I'm pretty sure na tutulungan ka no'n," she added.

"Totoo naman mga sinabi nila," mahina kong sagot. Natigilan si Mildred at taas-kilay na namewang sa aking harapan.

"Okay, and so? Kelan pa naging big deal ang pagiging ampon? At least may nag-alaga sa'yo!" she spit out. Tumango ako.

"Alam ko naman yan," malumanay akong ngumiti. "It's just that... they think I'm perfect, some think I have this bad side and all that, kaya pilit akong hinahanapan ng butas para maging bullied nila."

Bumuntong hininga si Mildred at tumango. "Wala akong masasabi dyan dahil wala naman ako sa kalagayan mo. Sorry."

"Ayos lang," agap ko. "Enough na yung pagiging nandon mo kanina."

Matapos ang paglilinis ko ng katawan sa bahay nila Mildred ay dumiretso na ako sa bahay nila Dad... only to find out that he's gone kaya si Mommy ang nag-aalaga sa mga bata.

"Mukhang ayaw nila sayo," bulong nya nang makita na nilingon ko ang dalawa na ngayo'y kalaro si Bella.

"Mom, let us go home," lakas loob kong sabi.

A Martial's Query (Saint Series #6)Where stories live. Discover now