CHAPTER 8: TROUBLE

Start from the beginning
                                    

"Did you visit Xie Jie Art Gallery before?" tanong agad nito saka siya napakunot noo.

"Yes, when Zeke told me to visit there to get some inspiration for my designs recently. Why?"

"You left your D. Kyrie signature there!"

"What?" sigaw niya kaya napakamot siya sa ulo niya. Saka inalala ang araw na dumalaw siya doon.

She was asked about her name then pinapasok siya afterwards, tumigil siya sa may entrance dahil may nabasa siya tungkol sa partnerships ng Gallery tapos may nag-abot sa kanya ng marker para sa signature doon sa parang wall for that private exhibit.

Masyado kasi siyang nag-iisip tungkol sa mga nakikita na designs kaya siguro D. KYRIE mark ang ginawa niya. Kaya pala sinabi ng ibang naroon na nandoon si D. Kyrie.

"I think I mistakenly left it there!"

"You're trending on Social Media. They said D. Kyrie is in the country working with JNC WILSONS MANILA. There are reporters outside the company building. Even if they don't know your identity. Better be safe okay? They're just spreading speculations that you're inside the company."

"Okay, thank you for informing me!"

Binaba na niya ang tawag saka nagpatuloy sa ginagawa.

She was doing all the stuffs all day at nang makauwi si Nix dumiretso kaagad ito sa kanya sa mini-studio.

"Someone's missing you!" ani nito saka umupo sa single sofa doon.

"Who?"

"The cool guy!" ani Nix.

"Cool guy?" tanong niya saka nag-sink in sa utak niya ang tinutukoy nito. Si Kairo. "Ahhhh, what about him?"

"What about him? Won't you ask how is he? It's been two days? Hello?"

"How is he?" tanong niya. Sumasabay lang siya rito dahil alam niyang pagsasalitaan na naman siya nito.

"Come on Dasha, don't you really feel something towards him? Don't you feel attached to him? Don't you miss him?"

"I don't!" prankang sagot niya. Pero may kung ano sa kaloob-looban niya na nagsasabing hindi iyon ang gusto niyang sabihin.

"Ang bilis mong sumagot ah!" wika nito saka lumapit sa kanya. Inilibot nito ang paningin sa paligid.

"Ahh? You don't? Eh ano to?" turo nito sa mga gawa niya. "Heto pa? Ohhh.... At ito pa?" halos ituro na nito lahat ng gawa niya na di pa tapos. "It's about him right? D. Kyrie's works depicts, life and sufferings. It's about how life is. But how come D. Kyrie painted all this portrait of a man's back like you're looking at him?"

Hindi kaagad siya nakasagot at nakatingin lang sa mga gawa niya. She's right, she did paint all of that because she can't think of anything at mga imahe lang na iyon.

"You're still  denying? Malinaw na malinaw na may gusto ka sa kanya. The way you painted him? I can feel that you painted this because this is what you feel!"

Hindi siya umimik at nakatingin lang sa kaibigan na umiiling pa habang nakatingin sa mga gawa niya.

Iniwan nalang niya ang kaibigan niya doon at naglakad patungo sa kwarto niya.

"Just admit it Dasha, what are you afraid of?"

Hindi siya sumagot at pumasok lang sa kwarto niya saka dumiretso sa banyo.

*—

"WAITING for someone's call?" tanong ni Shen kay Kairo.

Nilapag ni Kairo ang kanyang phone sa center table saka tumingin sa pinsan na malawak ang ngiti.

BILLIONAIRE'S SERIES #2: ONE NIGHT MISTAKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now