"Pero bakit ganiyan siya makatitig sayo?" Tanong naman ni Ella.

Maging ako ay nagtataka rin kung bakit niya ako tinititigan. At mukhang inaantay na makalapit. Parang gusto ko na lang tumakbo palayo.

Nang tuluyan na kaming makalapit ay bigla siyang tumayo ng maayos at lumapit sa aming tatlo. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Mila sa braso ko.

"Can I talk to you, Florissa?" Bungad niya na ikinagulat ko.

Papaano niya nalaman ang pangalan ko?

"Issa, kakausapin ka raw." Marahan akong siniko ni Mila sa tagiliran.

"A-ano... bakit?" Taka kong tanong.

"Basta. Girls, can I have her for a minute? Hindi pa naman nagsisimula ang klase." Saad niya at ibinalik sa amin ang tingin pagkatapos niyang tingnan ang kaniyang relo.

"Sure, kung gusto naman ni Issa." Sagot naman ni Ella at tumango si Mila.

"Sige at sana ay hindi masayang ang oras ko." Seryoso kong saad.

Pumasok na muna si Ella sa loob ng room, si Mila naman ay pumunta na sa kaniyang klase. Hinayaan na muna akong kausapin nitong si Simper. Kumunot ang noo ko nung nagsimula siyang maglakad patungo sa dulo ng hallway.

Ganoon na ba ka-private ang pag uusapan namin at kailangan pang lumayo sa classroom?

Medyo kinabahan din ako dahil ang weird niya. Ayoko ng presensya niya masyadong mabigat at malamig sa pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit.

"I'm sorry." Napaangat ako ng tingin.

"Para saan naman?" Tanong ko.

"For that day, siguro ay nagkamali ako ng hinala." Saad niya.

"Siguro? Nagkamali ka talaga." Seryoso kong saad.

"No, hindi pa ako sigurado don." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Kung 'yun lang ang pag uusapan natin, siguro ay pwede na akong bumalik." Wika ko.

"Can I ask you a favor then?" Tanong niya.

"Ano 'yon?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Tingnan mo ako sa mga mata." Ang lamig ng pagkakasabi niya non.

My heart suddenly beat so fast. Not romantically. Kaba ang nararamdaman ko ngayon. Ayokong tumingin sa kaniya.

May alam ba siya tungkol sa akin? Gusto niya bang subukan kung totoo ang abilidad ko?

Yumuko ako. Parang hindi ko yata kayang tingnan siya sa Mata.

"Ano bang kailangan mo sa akin?" Tanong ko.

"Tingnan mo lang ako sa mga mata." Ang lamig ng boses niya. It chills me, I don't like the way it feels.

"Kapag ginawa ko ba, lalayuan mo na ako?"

"It depends." Sumama naman ang timpla ng mukha ko nang sabihin niya 'yon.

"It's not fair. Ayokong gawin ang pinapagawa mo." Saad ko at umiwas ng tingin.

"Why? Dahil ba alam mong tama ang hinala ko?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"I don't know you. Hindi ko rin alam kung anong pinagsasabi mo. I'm lost." Wika ko.

"You're lost because you don't know anything." Saad niya.

"Hindi ako ang hinahanap mo. I don't even know you, I don't know what you want." Konti na lang ay makakasapak na ako ng tao eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SIMPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon