Life and death. Sweat, blood, desperation and hunger. And hatred. That goddamn hatred. One does not forget something like that.

The memory of his mother crying burned him.

Sinapak ni Rad ang sumugod sa kanya at napasubsob ito sa lupa. Ibinaba niya ang katawan at tinadyakan sa tuhod ang sumunod. Kinuwelyuhan niya ang isa at lumipad dito ang kanyang kamao.

Everything still felt fresh to him. The taste of blood in his mouth, the pain in his knuckles, the burn of his muscles. At ang mama niya. Ang mama niya na hindi na makapagsalita at nakaratay na lang sa papag na kama...

"Rad, tama na!" Hinila siya sa braso ni Yelena. Marahas ang paghinga nito, namumutla ang mga pisngi, malalaki at puno ng takot ang mga mata.

Ramdam din niya ang marahas na paghinga, ang pagkabog ng kanyang puso, ang nakabibinging pagbuso ng dugo sa mga tainga niya.

Umungol ang lalaking namimilipit sa lupa. "Gago ka..." Itinaas nito ang tingin at suminghal. "T*ngna mo! Papatayin kita!"

"Rad..." usal ng isa pa. Biglang nanlaki ang namamagang mga mata nito. "Rad? Si Rado?"

Rado. The name made his stomach curl. Visions of bright lights, of people jeering, of blood, sweat and pain flashed through him.

Nanlaki rin ang mga mata ng lalaking nagbantang papatayin siya. "Ra... Rado?"

Hinagip niya ang kamay ni Yelena at hinila ito palabas ng eskinita. He didn't trust himself to speak. Nalalasahan pa niya ang galit sa kanyang bibig. Hinila niya pabukas ang pinto ng sasakyan at itinulak ang dalaga paloob. Ibinalibag niya pasara ang pinto pagkatapos. Saka lang siya sumakay din.

Hindi siya nagsalita hangga't hindi sila nakarating sa sumunod na kalsada. Tinapakan niya ang preno at matalas na huminto ang kotse.

"What are you doing there?" Mababa ang boses ni Rad, halos hindi niya makilala.

"I..."

"May ideya ka ba kung ano'ng klaseng lugar 'yon? Alam mo ba kung ano'ng p'wedeng mangyari sa 'yo sa gan'ong lugar, ha, Yelena?"

Hinarap niya ito, at nakita niya ang takot sa mga mata ng babae. She looked deathly pale, and her liquid brown eyes looked too big in her delicate face. She was scared of him, he realized.

Marahas siyang tumawa. Good. She should be scared. Because sometimes, he was scared of himself, too.

"Experiment ba 'to? Dare ng mga kaibigan mo? What the hell's wrong with you!"

"Rad!"

Hinawakan nito ang braso niya at ikinuyom niya ang palad. He needed to calm down. The adrenaline was still pumping through his veins. Nagtagis ang kanyang bagang at iniiwas niya ang titig dito.

He could see his mother crying, silently begging him. But he didn't have many alternatives. It was that or starving.

Pumikit siya at sumandal sa backrest.

"I... I'm sorry..." usal ng katabi.

Naramdaman niya ang marahang paghaplos ng mga daliri ni Yelena sa kanyang kamao. Awtomatikong napakuyom iyon lalo.

"Don't do that." Pilit nitong ibinuka ang mga daliri niya. "You'll hurt your hand even more."

Isa-isa nitong iniunat ang kanyang mga daliri, at marahang pinisil ang palad. Her hand felt so soft, so warm and so small in his hand.

"We need to put ice on that. May convenience store sa kanto. Come on, drive there."

"Leave it alone." Hinila niya ang kamay pero humigpit ang hawak ng dalaga.

Rad and Yelena (chapters 1-10 only)Onde histórias criam vida. Descubra agora