Chapter 1: story

409 16 2
                                    

*FLASH BACK 2 YEARS AGO*

"Noong unang panahon may isang reyna na may kakaibang kapangyarihan tinatawag siyang Elemental Queen dahil nagtataglay siya ng apat (4) na elemento yun ang
Wind,Earth,Water,at Fire nagdisisyon siya na ipaghati-hati ang kapangyarihan niya...pumili siya ng limang (5) mga bata na kayang kontrolin ang kapangyarihan na ibibigay niya... Isang bata na kayang kontrolin ang Hangin, isa din para sa Lupa,Isa sa Tubig,Isa sa Apoy,at isang espisyal at matapang na bata para kontrolin ang apat na elemento..." kwento ni Lola
"Ano magkwento ka pa po"pagpipilit ko sakanya mahina siyang tumawa
"Sige apo,pansamantala lang naman ang pag sasama natin"nagtaka naman ako sa sinabi ni Lola tinignan ko siya binigyan niya lang ako ng napakamatamis na ngiti
"Ano po ba ang pinagsasabi ninyo Lola?"takang tanong ko
"Wala lang apo basta't tandaan mo mahal na mahal ka ni Lola"at ngumiti siya
"Alam ko na mahal na mahal ninyo ako wala na kayong magawa eh dahil nag-iisa lang ako ninyong apo"sabi ko sakanya tumawa naman siya........

*END OF THE FLASHBACK *

Hindi ko talaga malilimutan si Lola
"Anak ilagay mo nayang bulaklak sa puntod ng Lola mo"sabi ni mama tumingin naman ako sakanya
"Opo,ma"at nilagay ko na ang bulaklak malapit sa puntod ni Lola nandito pala kami sa libingan
"Halikana umuwi na tayo baka maabutan tayo ng gabi"sabi ni papa tumango naman si mama
"Halikana Emily umuwi na tayo"ya-ya niya saakin yumuko naman ako at mahinang umiyak may naramdaman ako namay humawak sa ulo ko tinignan ko naman kung sino yun at nakita ko si mama hinimas niya naman ang ulo ko
"Ok lang niyan anak"sabi ni mama bigla ko siyang niyakap at umiyak naman ako
"Shhhhhh......tahan na anak"sabi niya yun naman ang nag palakas sa pag iyak ko

"Sige ka papangit ka niyan"natatawang sabi ni papa narinig ko naman na hinampas siya ni mama sa braso napa aray naman si papa...kumalas na ang pagkayakap ko kay mama
"Ok kana?"tanong ni mama tumango naman ako at ni ya-ya niya na ako papasok sa kotse bago ako nakalayo tumungin ako ulit sa pinakahuling beses sa puntod ni Lola at tuluyan na kaming nakapasok sa kotse at umalis na

The Long Lost Princess And Her Four Unknown Guardians [ON GOING]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant