A Different kind of Love (One-Shot)

108 1 0
                                    

" ok po doc! "

" basta wag mo kalimutan pa inumin ang mga gamot mo Sir! "

" opo dok! "

Ako mga po pala si Kevin isang nurse sa isang sikat na ospital sa Maynila. Anim na taon na akong nurse sa ospital at minsan tumatanggap din ako ng pagiging private nurse. Dahil na rin sa hirap ng buhay.

Ngayon tumanggap ako ng pagiging Private nurse.

" alis na tayo " sabi ng pasyenteng pag tatrabahuhan ko.

" ok po sir " tugon ko.

May sasakyan sila. Parang ang yaman. Di nga ako nabigo sa akala ko. Pag dating sa bahay nila ang daming maid agad ang sumalubong saamin. Ang laki din ng bahay.

Sya nga pala ang pasyente ko. Isang anak ng Businessman, Mayaman. Naaksidente sya dahil don naapektuhan ang mata nya. Dahil don kailangan nyang maoperahan pero hindi 100% na gagaling ang mata nya. May ilang fracture din ang binti nya. Kaya naka wheelchair sya. Ang panglan pala nya ay Andre.

" yaya ipaghanda mo po kami ng makakain "

" ok po sir " sagot ng katulong

May isang lalaki na kumuha ng mga gamit namin at sinabi saamin na sumunod. Sumunod naman ako tulak tulak si Sir. Sa Ibabang kwarto kami dinala.

" sir nandito na po tayo sa kwarto "

" ah alalayan mo naman ako papuntang kama. Gusto ko muna matulog. "

" sige po "

Pagkalipat ng Kama ni sir kailangan ko na siya painumin ng gamot niya.

" sir bago ka po matulog uminom ka po muna ng gamot "

" ok "

Pag katapos nyang inimunin ang gamot ay iniwan ko muna sya. Lumabas muna ako ng kwarto.

Kinausap ako ng isang maid. Tinatanong kung ok na ba daw ang sir nila. Ako naman sinabi ko lang ang totoo. May fractures sa binti at napuruhan ang Mata kaya nakabenda pa. Napaka mausisa ng Maid na to. Buti na lang tinawag sya ng isa pang maid.

Gabi na ng na gising si Sir Andre.

" kevin, pakisabi naman na ipaghanda na tayo ng dinner "

" sige po "

Naghanap ako ng maid pag labas ko ng kwarto. Nakakita naman ako Agad At sinabing ipag handa na ng dinner si Sir at ako.

After ilang minutes ay kumatok na ang isang maid at sinabing ok na daw yung dinner.

" sir alalayan na po kita "

Pagkatapos ko ng maalalayan si Sir Andre ay tumungo na kami sa dinning area para kumain.

Ang laki ng talaga ng bahay nila. Kusina pa lang sobrang laki na. Mga muebles pa lang masasabi mo ng napakayaman nila.

Syempre sinusubuan ko si sir. Di nga kasi sya nakakakita. May benda pa kasi ang mata nya. Kami lang ang nasa mesa sa mga oras na iyon.

Kinakausap na ako si sir Andrei Tinatanong ako ng kung anu-ano.

" san ka nakatira? "

" taga laguna po ako pero sa maynila na po ako nag titigil "

" ah ganun ba,.. May pamilya ka na ba? "

" ay sir wala po eh "

Marami pa kaming napag usapan. Actually sya lang ang laging nag tatanong.

Pag katapos kumain. Bumalik na kami sa Kwarto.

" kevin gusto kong maligo "

" cge po "

A Different kind of Love (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon