I went to my girlfriend's boarding house.

Iyan ang nais niyang isagot dahil technically ay girlfriend na niya si Apple Pie at pumunta nga siya sa boarding house nito. The hard part for his answer was that he sounded so guilty with it. Pumunta siya sa boarding house ng girlfriend niya ng dis-oras ng gabi at bumalik na ng umaga. Ang guilty-guilty niyang pakinggan.

Mukhang napansin naman ni Kuya Zynder na nahihirapan siyang sagutin ang tanong nito kaya ito na mismo ang sumagot para sa kaniya. "I heard you went to the city just so you could see your girlfriend, right?"

"Ahh . . . yes Kuya, pero ngayon pa lang niya ako sinagot," pagtatanggol niya sa sarili.

"Did something happen between the two of you?" Tila balewala dito ang sinabi niya kanina at nagpatuloy lamang sa pag-iinterrogate sa kaniya.

"No! Wala Kuya!" agad niyang sagot sabay iling pa. "Ngayon pa nga lang naging kami!" dagdag niyang ani.

"Why? Do you need a label to impregnate a woman? Kung wala ba kayong label ay aakto na iyon na free birth control at hindi na siya mabubuntis? Tandaan mo ito Yohan, basta ipasok mo iyang buntot mo sa harapan sa kahit sinong babae, may tiyansa ka na makabuntis. May label man kayo o wala," seryosong wika ni Kuya Zynder habang nakatingin ng diretso sa kaniya.  

"Don't worry Kuya. I didn't do anything to her," assure niya dito ngunit hindi pa rin nagbabago ang seryoso at nakakatakot na aura ng kapatid.

"Good," he said. "Dahil kapag nalaman ko na may nabuntis ka Yohan ay ako mismo ang maghahabol sa iyo ng itak at puputulin iyang nasa gitna mo. Alam mo namang ang pinakaayaw ko sa mga tao ay yaong hindi marunong tumanggap ng responsibilidad. If you want your dick to be still intact until you die, then make sure to hide that away from any girl except your wife," huling banta sa kaniya ng kapatid.

"Ye-Yes Kuya," kinakabahan niyang sagot bago akmang lalabas sana ngunit agad siyang pinahinto ni Kuya Zynder.

"Saan ka pupunta?" malamig nitong tanong sa kaniya na nagpatayo ng buhok niya sa braso. 

"Sa kwarto, Kuya. Matutulog na sana," kinakabahan niyang sagot dito.

"No. We're not done yet," ika nito na mas nagpakaba sa kaniya. "This girl . . . are you serious with her?" dagdag nitong tanong.

"Of course, Kuya." 

"Tandaan mo Yohan, huwag na huwag kang magdadala ng babae dito sa bahay kung wala ka namang planong pakasalan," banta na naman nito sa kaniya. "But you told me that you are serious with her so I want you to bring her here and let me meet her."

"That's actually what I was planning to do-" point-out niya dito ngunit hindi siya pinatapos nito.

"How about family insurance plans?" 

"Ha?" nagtataka niyang tanong dahil nalilito siya bakit sila napunta sa insurance plans.

"You're gonna graduate this year Yohan, and if you are serious with her then you have to get ready for all of this stuff," paalala sa kaniya ng kapatid habang tinitingnan siya na para bang napaka-bobo niya. "When would you get married? What type of marriage? Where would you live afterward? Would you settle for a rented place or buy a house right away? Would that home be near to both of your jobs in the future? How about kids? How many do you think you can support? What kind of insurance plans would you get? How about a savings account?" sunod-sunod na tanong sa kaniya ng kapatid kaya naman wala siyang tiyansa na makapagsalita man lamang. Disappointed siyang tiningnan nito bago nagsalitang muli. "Don't tell me these things didn't pass your mind even once? Seryoso ka ba talaga sa kaniya o hindi? Maybe you are not, so it would be better if you break up with her already."

"I'm serious with her, Kuya!" agad niyang alma.

Kakasagot pa nga lang sa akin kanina pero parang impyerno na agad dadaanan ko.

"If you say so," seryosong sagot ni Kuya bago tumayo at kumuha ng iilang bondpaper sa may cabinet kung saan nakalagay ang mga items na ginagamit para sa printer nito sa office. "You need to answer all of my questions and write that down here. I assume Xavier told you already the motto that I taught him, right?"

Agad naman niyang hinalungkat sa loob ng ulo niya ang sinabi ni Xavier kanina at buti na nga lang ay natatandaan pa niya. "Dalhin muna sa altar bago sa langit," sagot niya dito.

"You need to write that down too. Three pages, back-to-back. You can't sleep if you are not done with that," dagdag na utos ni Kuya Zynder sa kaniya na agad namang nagpabagsak ng panga niya. 

"The hell, Kuya?! 3 AM na! Anong oras pa ako makakatulog niyan?!" protesta niya dito ngunit matalim lamang siyang tiningnan ng kapatid na agad namang nagpatahimik sa kaniya.

"May angal ka?" ika nito sa mababang tono.

"Sabi ko nga, wala," bitter niyang bulong habang padabog na kinuha ang mga bondpaper na inabot sa kaniya ng kapatid. He plopped down at the sofa inside Kuya Zynder's office and was about to start doing what he ordered, until he remembered something. "Teka! Bakit ako lang gumagawa nito?! How about Xav?!" reklamo niyang muli dahil parang siya lang ang pinapahirapan ng ganito. 

"Don't worry. Iyan rin ang pinagdaanan sa akin ni Xavier bago ko siya pinayagan na ligawan si Elisa," assure sa kaniya ng kapatid ngunit hindi pa rin siya satisfied sa sinabi nito.

"It's unfair! Hindi naman kailangang problemahin ni Xavier ang tungkol sa insurance plans o savings account! Nasa nakaraan ang girlfriend niya," reklamo pa rin niya. 

"Yes, he didn't have to think about those things, but he didn't go through all of this easily," saad ni Kuya Zynder.

"And what he has to do that's much harder than what I'm doing right now?" hamon niya dahil malakas ang pakiramdam niya na mas mahirap pa rin ang pinagdadanasan niya ngayon kaysa sa gunggong niyang kapatid.

Malakas na bumuntung-hininga si Kuya Zynder na para bang napapagod sa pag-aaway nila ni Xavier. "I made him memorize all of the events that would happen from 1880's up to 1950's, and when I say "everything" . . . I really do mean "everything". From the economic stability up to what place would be greatly hit during the war. Hindi lang kada taon ang pina-memorize ko sa kaniya, but I also asked him the exact dates. Now if you want me to do the same exact thing to you then feel free to object again." Agad naman siyang napatikom ng bibig at padabog na binalik ang atensyon sa papel na susulatan.

Goddamnit! I wanna sleep already!

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now