35

15.2K 433 30
                                    


"SAAN tayo patungo?" tanong ni Adriana nang makitang hindi sila pauwi sa mansiyon. Matapos makaalis ang kahuli-hulihang bisita ay halos kaladkarin siya ni Jordan pasakay sa kotse.


"To my flat," he said furiously. "Baka hindi ko kayang magkunwari sa harap ng daddy mo at ni Carrie kung sa bahay tayo uuwi."


"Lahat ng ito ay ideya mo, Jordan, ipinaalala ko sa iyo."


"Well, my dear, hindi mo maitatangging bago pa lang ang kasal ay nakikinabang ka na sa 'ideya' kong ito, 'di ba?" Hinagod nito ng tingin ang katawan niya nang pauyam, "Look at you. You're very expensive. From head to toe. Hindi mo mabibili ang mga iyan sa sahod mo bilang prep teacher kahit na ilang taon."


"Do I detect regret in your voice, Jordan?" she taunted.


Nagtagis ang mga bagang nito. Marahas na tinapakan ang accelerator at bumilis ng takbo ang sasakyan. Napilitang ikabit ni Adriana ang seat belt niya. Kahit papaano'y nakadama siya ng kaba sa bilis nila. Pero hindi ipinahihintulot ng amor-propio niyang makiusap ditong bagalan ang takbo.


Ilang sandali pa'y ipinasok na ni Jordan ang sasakyan sa garahe ng town house nito. Bago pa nito tuluyang patayin ang makina ay lumabas na ng sasakyan si Adriana.


Umikot sa tabi niya si Jordan at hinawakan siya sa braso at nanatiling hawak habang sinususian nito ang pinto ng unit. Pagkatapos ay hinila siya papasok sa loob kasabay ng muling pagsara ng pinto at halos ibalya siya nito paupo sa malaking sofa.


"No, my dear," Jordan said, a muscle working powerfully at the corner of his mouth. "I don't have any regrets so far. The nights I will be spending with you are worth the money you will be spending for your luxuries."


"And I thought you said you don't buy your women." Sinisikap niyang itago sa panunuya ang takot na nararamdaman. She had never seen him this angry. But he also looked tired and weary. Nakikita niya iyon sa mga mata nito at tinatakpan lamang ng galit. Ganoon na lang ang pagnanais niyang lapitan ito. Put her arms around him, comfort him...


Ipinilig niya ang ulo sa katotohanan. Ilang uri ba ng kahibangan ang kailangang gawin ng isang tao sa sarili niya? Paano niya nakuhang mahalin ang lalaking ito na kaya siya pinakasalan ay dahil sa sariling kapakinabangan?


"Iyon din ang paniniwala ko. But I suppose you're the exception to the rule." Unti-unti nitong hinuhubad ang mga damit habang nilalapitan siya—to his socks—at inihahagis na lang basta sa kung saan.


Then he stood there fully naked. Gloriously naked. Seductively naked."Take your clothes off, Adriana," he commanded harshly.


"W-what?" Mula sa walang-kahihiyang pagtitig niya sa katawan nito'y biglang tumaas ang mga mata niya rito.


"Narinig mo ako. Tanggalin mo ang damit mo. Aangkinin kita ngayon... dito mismo. Umpisahan natin sa carpet o sa sofa, kung gusto mo hanggang sa makarating tayo sa kama. Gusto kong sulitin ang salaping ginasta ko sa iyo at gagastahin pa sa susunod na mga araw."

Kristine Series 23 - Wild Enchantment (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now