NOT FOR EACH OTHER

283 17 29
                                    

"Aba, nakacadillac. Mukhang mayaman."

Nakatingin ako sa isang sasakyan na huminto sa aking harap. "Nasa'n naba kasi 'yung sundo ko? dumidilim na eh."

Napansin ko na lumabas ang isang lalaki na gwapo, mas matangkad ako sakanya, sa tingin ko. Ngayon ko lang siya nakita dito sa Sampaguita Pictures, sino siya?

"Pwede magtanong? Nasa'n ba dito 'yung makeup room?" Bungad nito sa akin.

Aba, hindi manlang ako binati nang maayos bago siya magtanong.  

"Edi hanapin mo!" Bulyaw ko at umiwas ng tingin.

"Suplada!" inis na sabi nito bago ako iwan sa labas.

"Antipatiko!" Tugon ko at umirap.

Lokong 'yon ah, hindi na nga gentleman, napakasama pa ng ugali! Oo, gwapo siya pero hindi ko siya type 'no! Yabang! Sana 'di mo makita 'yung makeup room.

AHHHH! KAINIS! Ganda-ganda na ng araw ko sinira pa niya! Bakit ba sa dinami-dami ng makikita ko bago umuwi eh siya pa?! Akala mo naman kung sino siya!

Inis kong kinuha ang bag at sumakay sa loob ng sasakyan nang tawagin ako ng aking sundo.

"Bakit mukhang 'di maganda araw mo?" Takang tanong ng driver at sinulyapan ako.

"Eh kasi naman, manong! 'Yung lalaki na 'yon napakaantipatiko! Nakakasira siya ng araw, sobrang yabang!" Reklamo ko at tumingin sa labas.

"Sandali lang, ikaw naman, ano ba ang sinabi sa'yo at inis na inis ka?"

"Nagtanong siya kung nasa'n 'yung makeup room, tapos 'yung tono niya kasi kaya nainis ako, tinawag pa nga akong suplada."

"Ay nako, ikaw talaga!"

Nakasimangot ako na pumasok sa aking kwarto at binasa ang script para sa show ko. Dito ko nalang ibinaling ang atensyon ko kaysa lalong masira ang araw ko sa lalaking 'yon, 'no!

"AHHH!" Hindi ako makafocus sa aking binabasa dahil naaalala ko siya.

Pati ba naman dito eh 'di pinalagpas, nako! makikita niya talaga hinahanap niya sa susunod na magkita kami! Hindi ko siya aatrasan.

"Ms.Gloria," agad ko na pinagbuksan ng pinto ang kumakatok.

"Bakit, manang?"

"Pinapupunta ka ni Dr.Perez sa bahay niya para daw isukat ang damit mo bukas."

"Sige po, salamat!"

HINDI PA AKO TAPOS SA'YO LALAKING WALANG PANGALAN AT ANTIPATIKO!

Nakatulog ako na galit na galit, kaya pati umaga ko ay 'di na maganda. Umalis na agad ako matapos ang almusal at ako'y tumungo na sa bahay ni Dr.Perez.

"IKAW?" Bumungad sa akin ang lalaki na nakasagutan ko kahapon. Kunot noo ako nitong nilingon.

"Gloria, this is Luis Mercado." Pakilala ni Dr.Perez sakanya.

Bumuntong-hininga ako at tumingin dito.

"I know him," sagot ko.

"I met him already, mayabang siya." Dagdag ko.

Nabigla ako nang lapitan nito at bumulong.

"Ikaw naman, hiniram ko lang 'yung kotse ko."

"Akala ko kasi 'pag artista, dapat malakas ang dating." Dagdag niya.

Walang ano-ano ay natawa ako nang mahina sakanya. NAPAKAHONEST.

"'Di ko naman gustong sabihan ka ng suplada eh, naiinis lang talaga ako kasi nga 'di ko mahanap 'yung makeup room."

Not For Each Other (One Shot)Where stories live. Discover now