"Who's that?"


Tumingin ako sa babaeng nakahiga ngayon sa kama. Hays she look really tired.


"My sister---hey come here ma'am." Pinatong ko muna yung pagkain sa table. Inalalayan ko sya para makaupo.



Kinuha ko yung food at binuksan. "Subuan po kita ha?" Baka kasi mamaya itabig nya yung pagkain. Paiba iba pa naman ugali nya. Ang hirap intindihin.


Mabuti nalang at di na sya umangal pa. She just nodded at umayos pa ng upo. Sinimulan ko na syang subuan. Nababaliw na naman tuloy ang puso ko. Hindi na natigil ang pagtibok simula pa kanina.


"Blaire" pagtawag ko sa name nya. Bakit kahit may sakit sya ang ganda nya padin?


"Hmm?


"Kaano ano mo si Kuya Nathan if hindi mo sya boyfriend?" Tumaas naman yung kilay nya sa tanong ko.


"Bestfriend"


"So anong ginagawa mo sa kwarto nya last time?"


"We played hide and seek" ano daw? Ano sila bata? Pinagloloko ba ko nito?


"Ang galing mo talagang sumagot ma'am" naiinis kong sabi at sinubo yung pagkain sa kanya.  Nilunok muna nya yung pagkain bago ako taasan nang gilid ng labi nya. Tss she's smirking again.


"I'm just answering your question. What's wrong with that?" Mataray nitong sagot at umirap na naman. Pag to naging mannerism nya ewan ko na lang


"Ubusin mo na lang to para makainom kana ng gamot."


Pagkatapos ko syang pakainin at painumin ng gamot. Inantay ko munang bumaba ang kinain nya para sabihan sya na matulog na. Ang tigas ng pa naman ng ulo nya, parang hindi professor kung umasta. 


"Miss Dela Vega you should sleep na"


Nakahiga na ulit sya pero parang may malalim syang iniisip dahil nakatingin lang sya sa kawalan. I know she's not okay, and there's something bothering her. Hindi ko naman pwedeng ipilit sa kanya na sabihin nya sakin dahil isang hamak lang ako na estudyante nya. Siguro mag aantay nalang ako kung sasabihin nya man sakin.


"Dito ka nadin matulog, malayo pa ang kwarto nyo" sabi nya at tumalikod sakin.


Tinignan ko naman ang loob at napakamot. San ako hihiga? Sa sofa? For one person nga lang yun. Balak nya bakong pahirapan?

"Ma'am?"


"Hmm"


"San ako matutulog?"


"Try mo sa sahig kung gusto mo" malamig nyang sagot. Are you serious ma'am? At talagang sa sahig mo pa ko balak patulugin? Ang sama!


"Stupid, of course dito sa kama, basta wag ka lang lalapit sakin" dagdag nya pa at humarap sakin, napahinga naman ako ng maluwag dun. Pero pinaikutan ko parin sya ng mata dahil sa huling sinabi nito. Parang hindi nya ako hinawakan sa bewang kanina kung makaasta sya ngayon at bawal akong lumapit.

"Bipolar talaga" Wala nakong nagawa kundi tumabi sa kanya. I make sure na hindi ako dumikit sa kanya kaya nilagyan ko ng harang na unan. Baka sipain nya pako at paggising ko nasa sahig nako.

--

"Harper hurry up, ang kupad mo talaga gumalaw" naasar kong sabi sa kapatid ko na hanggang ngayon ay nasa salamin padin nag aayos ng sarili nya.


Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now