A Tale of a Mortal's Crossover

Start from the beginning
                                    

Nagliwanag ang mga mata ni Lance. Napansin iyon ni Holden kaya napataas siya ng kilay. "Sumunod ka sa akin, may dadalawin tayo. Sigurado akong gustong-gusto ka na makita ni Zeus."

"Zeus?" Tanong ni Lance bago sundan si Holden. Naglakad sila sa isang daanan. Sa paglayo ng nilalakaran nila, mas lalo niyang napapansin ang pagkapal ng hamog sa paligid. White mist started to envelop his figure, but his attention was all focused on the man beside him. "Sino si Zeus?" Tanong niyang muli.

"Bobo ka ba at hindi nakikinig sa klase ninyo?" Marahas na sambit ni Holden, nakakunot ang noo. "Zeus. King of the Gods and the Ruling Lord of Thunder and Skies. Hindi mo kilala 'yon?" Tanong nito habang nakataas ang kilay at nakahalukipkip.

Isang ngisi nalang ang sinagot ni Lance. Mas lalong kumapal ang hamog sa paligid nila, at doon na napunta ang atensyon ng lalaki. "Bakit... ang daming usok?"

"Pataas tayo sa Mt. Olympus. It's a palace above the heavens, at hindi usok 'yang nakikita mo. Ulap 'yan,"

Inirapan siya nito. "Bilisan mo. Hindi sila pwedeng pinaghihintay."

Wala na muling nasabi si Lance dahil hinigit na siya ni Holden. Mas bumilis ang kanilang paglalakad hanggang sa mapuno na ng hangin mula sa ulap ang kanyang paningin. Dahil dito ay napapikit siya, at dahil sa biglaang pagbaba ng temperatura ay napamulat siya ng mga mata at nakita ang nagtataasang palasyo sa kanyang harapan.

Lance's eyes widened for the nth time that day. Nakakasilaw man ang mga estraktura, hindi pa rin niya maiwasang mamangha dahil sa ganda ng itsura ng mga ito.

Lance looked like a meerkat, surveying everything that is within his line of sight. Pinanonood lamang siya ni Holden na paminsan-minsan ay natatawa ngunit pinipigilan.

"Sundan mo ako, baka maligaw ka." Paalala ni Holden kay Lance nang hindi ito nililingon.

Si Lance na abala sa pagtingin sa paligid ay hindi narinig ang sinabi ni Holden, sa huli, naligaw pa rin siya.

Si Holden ay pinapaliwanag ang bawat silid na madaraanan, hindi napapansin na wala na ang tao na dapat ay nakasunod sa kaniya. Nang mapansin niya na masyadong tahimik ang paligid ay lumingon siya sa kaniyang likuran at napasapo sa kaniyang noo, "Mahabagin..."

"Hello?" pagtawag ni Lance sa malawak na hall na kanina niya pa nadaraanan.

"Sino ka?" may panibagong boses na narinig si Lance mula sa kaniyang likuran.

Sa pagkakataong ito, kalmado siyang humarap sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Oy! Hello, pare!" Lumapit siya sa taong iyon at inakbayan ito. "Alam mo ba kung nasaan si Holden?"

Ang taong inakbayan niya ay mukhang hindi inaasahan ang iniasta ni Lance. Napangiti ito ng nakakaloko at sinabing, "Alam ko, pero bakit ko sasabihin sa 'yo?"

"Aba!" Sagot ni Lance at hinawakan ang dibdib, kunwaring nasaktan. Pinagmasdan niya ang kasuotan ng lalaking kausap. Ito ay nakasuot ng tela sa palibot ng katawan, mahaba ang puting buhok, at may mga ginintuang palamuti sa katawan.

Tinawanan ng lalaking kaharap ang reaksyon ni Lance at nag-umpisang maglakad.

"Wait lang oy!" Agad na humabol si Lance sa lalaking iyon at humawak sa damit nito.

"Lance?!" Nang marinig ni Lance ang boses ni Holden ay agad siyang bumitaw sa lalaking tela lang ang kasuotan at tumakbo patungo kay Holden, mangiyak-ngiyak pa.

Ngunit sinalubong ni Holden si Lance ng isang malakas na batok.

"Aray! Bakit?!" agad na reklamo ni Lance habang hawak ang parte ng kaniyang ulo na tinamaan ni Holden.

A Tale of a Mortal's CrossoverWhere stories live. Discover now