A Tale of a Mortal's Crossover

Start from the beginning
                                    

"Ama namin..."

"Ha?" muling bigkas ng boses na mula sa kaniyang likuran.

"Aba Ginoong Maria..." dahil sa takot na namumuo sa kaniyang dibdib ay pumikit siya ng mariin, pinagsiklop ang mga palad at lumuhod.

"Ano ba sinasabi nito..."

Naramdaman ni Lance na gumalaw ang multo na bumubulong sa likod niya. Nang hawakan siya niyo sa balikat ay napasigaw siya, "Bloody Mary!" at halos gumapang na palayo sa multong iyon.

Nang mapagtanto ang kaniyang isinigaw ay kinausap niyang mula ang kaniyang sarili, "Hala! Sorry po, Papa God!"

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ako santo o ano, tumingin ka nga"

Unti-unting binuksan ni Lance ang kanyang mga mata at tinignan kung saan nagmula ang boses. Bumungad sa kanya ang isang lalaki na supladong nakatingin sa kanya habang hawak² ang isang lumang papel.

"Ikaw na ba si God? Sa Impyerno po ba ako mapapadpad?" mahinang tanong ni Lance.

Kumunot ang noo ng lalaki tila naiinis na siya sa mga tanong ni Lance.

"Hindi nga ako ang Dios, jusko! Isa akong tao na mula sa mortal realm na matagal nang napunta dito. Ako si Holden."

Naglahad ng kamay ang lalaking nagpapakilala na Holden at tinanggap naman ito ni Lance. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa bago nagsalita.

"Halata nga, ako si Lance o iyan nga ba ang pangalan ko? Hindi ko alam bakit ako nandito o nasa isang panaginip lamang ba ako..."

Umiling si Holden at sinenyasan niya si Lance na sumunod sa kanya. Dumaan sila sa isang maliit na pinto sa may na pinalibutan ng mga iba't ibang klaseng halaman. "Nakita kita kanina na parang manghang-mangha ka sa mabilis na paggaling ng mga sugat mo nang itapal mo 'yong dahon sa katawan mo. Ganiyan talaga ang mga halaman dito," pagpapaliwanag ni Holden.

Napanganga si Lance. Gano'n ba talaga rito? Para naman talaga 'tong panaginip lang. Hindi kaya lucid dream lang 'to? Hindi e, hindi ako magising.

Magpapatuloy pa sana ang pagkakausap ni Lance sa kaniyang sarili kung hindi lang pinatunog ni Holden ang kaniyang mga daliri sa harapan ni Lance kaya napatingin siya dito. "Lance? May naintindihan ka ba sa sinabi ko?" tanong niya.

Ngumiti nang pilyo ang binata. "Hehe, 'di ka sure."

Tinitigan lang siya ni Holden nang masama. Hindi niya alam kung saan pa nakuha ng estrangherong nasa harapan niya ang maging pilyo kahit na wala siya sa lugar na kabisado niya. Umirap at umiling na lamang siya bago ulitin ang kaniyang sinabi. "Ang sabi ko, ito ang Mt. Olympus. Dito naninirahan 'yong mga sinasambang Diyos at Diyosa ng mga Griyego," paliwanag niya.

Pinandilatan siya ng mata ni Lance. "Weh?!"

"Oo nga! Kung 'di ka maniniwala sa akin, lumabas ka sa pintong 'yan, at bumaba ka sa bundok. Tignan natin kung saan ka dadalhin ng mga Diyos," pananakot ni Holden.

Nataranta naman si Lance at hinawakan sa braso ang matangkad na lalaking kaniyang kasama. "Wala namang ganiyanan, 'di ba, kaibigan?"

Kumunot ang noo ni Holden. "Anong kaibigan? Sinong nagsabing magkaibigan tayo? Bitawan mo ako."

Umiling si Lance at tumingin kay Holden na parang batang nagmamakaawa sa kaniyang magulang. Kahit na naiinis ay paunti-unting napapangiti si Holden.

Para naman 'tong baliw. Pero hayaan mo na, tulungan ko na ang isang 'to. Humugot si Holden ng isang malalim na hininga bago harapin ang lalaking halos magmakaawa na sa kaniya.

A Tale of a Mortal's CrossoverWhere stories live. Discover now