Chapter 1

16 0 0
                                    

"Bag, paper, ball pen, notebooks..." Tahimik kong pinapanood si Max sa harapan ko. He bought me school supplies and got me enrolled in St. Amaris University.

"Hmm... Ano pa ba'ng kulang? May gusto ka pa bang idagdag, Celestine?" Celestine. Natawa ako nang bahagya.

"Celestine is too long, Max. Just call me Celeste." Mahinanag sabi ko sa kaniya bago kinuha ang mga ball pen na binili niya. 

Tinitigan ko iyon. All of a sudden, I want to struck the pen I am holding tightly right now to whoever killed my father and to whoever killed my people.

"Celeste ang totoo mong pangalan at hindi pwede iyon, Celestine." Seryosong sagot niya naman sa akin bago umupo sa harapan ko.

"No one knows me here, Max. Celeste will do." Sagot kong muli sa kaniya bago ko nilapag ang ballpen na hawak ko at tumayo.

"I want some highlighters, sticky notes, planner, pencils, scissors, and cutters." Dagdag ko bago kinuha ang bread na kinakain ko at umupo sa sala para basahin ang student handbook ng St. Amaris University.

"Do you want me to buy you a knife, Celeste? Ang dami mo namang gusto! Mag-aaral ka lang naman. Kung sabagay, first time mo sa totoong school talaga." Sabi ni Max habang sinusundan ako. 

Dala-dala ang mga hoodies na pinabili ko rin sa kaniya. I need to hide my identity wearing the necklace my mother gave me. Moreover, hide my tattoo.

"Well, if a knife is one of the school supplies I needed, buy me three." Sagot ko habang binabasa pa rin ang nilalaman ng handbook. Bukas ay magsisimula na ang klase. 

"What? Mag-aaral ka ba o papatay ka ng tao?" Natatawang tanong sa akin ni Max bago umupo sa kabilang couch. Max and I are so comfortable with each other that we can really pass as father and daughter.

"I can do both, Max. I was trained to do many things like ripping your heart out. You trained me." Nakangisi kong sabi sa kaniya bago lumabas sa veranda. I can hear noises. May mga nagpa-party sa hindi kalayuan. In the middle of the woods and its nearly evening.

I run swiftly towards my room at nagsuot ng black hoodie. I was just wearing black shorts and a black gladiator sandals.

"Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Max nang tatalon na sana ako mula sa bintana ko. Gusto ko lang makita. Curiosity. That's all. Hindi naman ako nakakalabas ng castle namin dati para makakita ng mga party except sa party na sila Papa at Mama mismo ang nag-oorganize.

"Gusto ko lang makita, Max. There's a bonfire. I want to take a look." Pagmamakaawa ko sa kaniya. 

Max really is a father to me. I respect him. Sinusunod ko siya dahil alam kong ang mga desisyon niya ay para naman sa ikabubuti ko. My father trust him. So do I. Siya na ang kasama ko simula pa lang noong bata pa ako. Ako, siya at si Art. Though Art's not here right now.

"Just be careful out there. Hindi pa natin kabisado ang lugar na ito, Celeste. We don't know what or who resides in this place." Paalala niya bago ako binigyan ng isang dagger. Itinago ko iyon sa bulsa ng hoodie ko.

"Don't ever take off the necklace and please limit your vampire abilities here. Don't run as if you are the wind. Act normal. Normal as humans." Pakiusap niyang muli sa akin. I nodded bago tumalon and run fast into the woods.

Nakarating ako sa lugar kung saan may malaking bonfire at mga taong nagpa-party in just a minute. I hid in a big tree not too far from them. Ang dami nila. 

May tatlong babaeng nakaupo lang sa nakahigang puno at may apat pang lalaking kasama. They're rich. Halata naman.

Ang isang babae ay may hawak na red cup, ang isa ay may kung anong pinipindot sa phone while the other one is kissing the man beside her. Ang tatlo pang lalaki ay naglalaro ng cards. Samantala, ang iba ay nag-iinuman at nagkakasiyan din. 

Celeste Alder: Heiress of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon