"Really? I thought—"

"Mas gwapo po ang asawa ko, doc," nangingiting singit ko na nagpatawa naman dito.

"I see. I apologize for that. Akala rin ng nurse mag-asawa kayo. Anyway, natural lang naman ang morning sickness but I suggest na tumigil ka muna sa pagkilos-kilos kapag hindi maganda ang pakiramdam mo..."

"How's my baby, doc? Okay lang ba siya?"

"Is it all right if we... you know?" sabay makahulugang tumingin kay Thad.

"Oh, right. Sorry," apologetic namang sabi ni Thad at agad na tumayo.

Pero inagapan ko ang kamay nito at umiling. "It's all right. You can stay."

"Are you sure?"

Tumango ako at muling itinuon ang atensyon kay doctora.

"I asked your previous OB-GYNE about your history..."

Muli akong tumango. Tila ba nagkakaunawaan na kami sa reaksyon kong iyon.

"We made some test... and we detected that you have a thin uterine lining."

"I don't understand, doc."

"We need to improve your uterine lining to avoid another miscarriage..."

Miscarriage? Napalunok ako at takot na tumitig dito. Naririnig ko pa lang ang salitang iyon ay takot na takot na ako. I can't afford to lose my baby again!

"What can I do, doc? Please tell me what to do? I can't lose my baby. Please, help me..." naiiyak na sumamo ko pa.

Mapait siyang ngumiti at pinisil ang kamay kong nanginginig na rin sa takot.

"Don't worry too much, okay? I'll prescribe medicines that will help you. We need to strengthen your uterus, increase your blood flow and estrogen level. We won't give up, okay? For now, I suggest na mag bed rest ka muna at 'wag magkikilos."

Sunod-sunod akong tumango. Handa akong gawin ang lahat para lang 'wag na ulit mawala ang baby ko.

Matapos ang iba pang bilin ng doctor ay napag-iwanan na kaming nagsosolo ni Thad.

Para bang ang dami niyang tanong, pero mas piniling irespeto ang katahimikan ko.

"I'm sorry at sobrang naabala kita..." nahihiya kong sabi.

Tipid lang siyang ngumiti at tumango. "It's all right, Eren. Hindi naman ako masyadong busy sa trabaho. Huwag mo na isipin 'yon. Ang importante, magpahinga ka muna at alagaan mo ang sarili mo. Habang wala ang husband mo, puwede naman kitang matulungan."

"No, Thad. Ayos lang ako."

"Kung umuwi ka muna sa parents mo para may titingin sa 'yo?"

Mapait akong ngumiti bago umiling. "Ayokong mag-alala sila. Matatanda na kasi ang mga iyon..."

"Kumuha ka muna ng katulong? I knew a reputable agency for that."

"I'll think about it."

"You have to decide now para sa baby mo?"

Naiiyak akong tumango. Sa panahong hindi pa ako makapag-isip ng tama, laking pasalamat ko na nakatagpo ako ng isang taong may malasakit sa kalagayan ko.

"I knew nothing about your relationship with your husband, but I'm pretty sure, he'll be supportive of your pregnancy. Ipaliwanag mo lang ang sitwasyon mo, okay?"

Tumango ako at mapait na ngumiti. Kung ganoon lang sana kadali ang lahat. Kung sana'y parehas kami ng gusto ni Christoff, hindi sana ako namumuroblema ngayon.

Nakalabas din naman ako ng hospital nang araw na iyon. Walang tanong-tanong na inasikaso ni Thad ang mga kailangan ko. Mabilis din siyang nakakuha ng katulong kung kaya pag-uwi ko sa bahay ay may nakasama na agad ako. Kung papaano niya nagawa iyon ay hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang, sobrang reliable pala talaga niya. Ang suwerte talaga ng asawa niya.

Hindi madali ang mga sumunod na araw pero dahil may katuwang ako sa bahay, kahit na papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

{Kumusta na ang pakiramdam mo?} tanong ni Thad na noo'y nakatayo ulit sa dati nitong puwesto sa balcony sa tuwing tatawagan ako sa messenger.

"I'm okay. Salamat nga pala sa mga ipinamili mo. Nakahihiya nang sobra. Ang dami ko ng utang sa 'yo."

{Huwag mo muna intindihin iyon. Iniinom mo ba ang mga gamot mo? Kapag naubusan ka, magsabi ka lang sa akin, ha?}

Tumango ako. Sobrang thankful talaga ako kay Thad.

{Ibigay ko na rin sa 'yo ang cell phone number ko para just in case I'm not online, puwede mo pa rin akong matawagan.}

"Sige. Salamat."

{Parating na rin naman ang husband mo, 'di ba?}

"Bukas ng gabi, nandito na 'yon."

Humugot siya ng malalim na buntonghininga at tumango-tango. {That's good. At least may titingin na sa 'yo. Iba pa rin kasi kung asawa mo ang nasa tabi mo, 'di ba?}

Mapait akong ngumiti. Natatakot pa rin ako sa magiging reaksyon ni Christoff. Hindi ko sigurado kung matatanggap na niya ang pagbubuntis ko lalo pa nga't kahit na minsan ay hindi ko siya naringgan na gusto na niyang mag-baby. Kabaligtaran pa nga ang naririnig kong lumalabas sa bibig niya.

"Thank you so much sa lahat, Thad, a."

{Don't mention it. That's what friends are for, right?}

Tumango ako at mapait na ngumiti. Nasisiguro kong hindi magugustuhan ni Christoff ang pakikipagkaibigan ko sa kanya.

{Kumusta nga pala ang katulong na nakuha ko? Okay ba siya? Pasado ba sa 'yo?}

"She's okay. Maliksi naman kumilos at masipag. Masarap ding magluto... kaso lang ay 'di ko pa ma-appreciate gaano dahil sa pagseselan ko."

{Dapat pala ay sabihin mo sa kanya ang mga gusto mo.}

"Oo nga, e. Kaso minsan akala ko, gusto ko, pero kapag kinain ko na, nawawalan ako ng gana."

{Ganoon ba? Kawawa ka naman. Pero kailangan mong piliting kumain para sa baby mo.}

Malungkot akong tumango. "Kahit na mahirap, pinipilit ko. Umiinom din ako ng food supplement kapag palagi ko lang isinusuka ang kinakain ko."

{Don't worry. Kapag nakita mo na ang husband mo, for sure, ma-energize ka agad at mawawala lahat ng mga nararamdaman mo.}

"Talaga lang, ha?"

{Oo naman. Ganyan kasi ako sa wife ko. Makita ko lang siya, kahit sobrang pagod, tanggal lahat.}

"You must really love your wife, huh?"

{More than anything else in this world...}

Mapait akong ngumiti. Hindi ko maiwasang mainggit. Hindi ko alam kung matutunan rin ba akong mahalin ni Christoff gaya nang pagmamahal ko sa kanya.

{I'm pretty sure your husband loves you the same.}

Hindi na ako nagkomento sa sinabi niyang iyon. Kung alam lang niya ang totoong nangyayari sa aming mag-asawa. Kung kaya ko lang sabihin lahat.

{Sige na. Matulog ka na. Baka napupuyat ka na sa pang-iistorbo ko.}

"I don't think we will be able to talk like this when my husband comes back..." malungkot kong sabi.

Nakauunawa naman siyang tumango. {I know. Ang importante, nandiyan ang asawa mo para sa 'yo.}

Mapait akong ngumiti. Alam kong kailangan kong paghandaan ang pagsasabi sa kanya tungkol sa pagbubuntis ko. Iyon ang pinakamalaking problema ko.

HUSBAND AND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon