“I know, Papa. Kaya lang, ang painful makitang ganyan si Mama. She’s such a strong woman tapos…” at iyakin din. I reached for her face and wiped my baby’s tears.

                “Exactly, anak. She’s a strong woman.” We both smiled.

“Ohkaaay.” Napatingin kaming lahat kay Kyrie nang bigla siyang tumayo.

“I think I need to go out and breathe some fresh air. Bibili na din ako ng snacks and drinks. Any special request?”

“Coffee would be good.” Nakangiting sabi ni Gabbie. Tumango si Kyrie at tumingin sa akin.

“Kape na lang din, anak. Pwede bang bumili ka na din ng tubig para pag nagising ang mama ninyo?”

“Sige, Papa. Ako na’ng bahala.” Tatayo na sana si Nathaniel para samahan ang asawa niya pero pinigilan siya nito.

“Woops. You, mister, are going to stay here. Chloe, come with me?”

“Ok. Tingin ko, kailangan ko din ng fresh air.” Humalik muna sa pisngi ko ang anak ko bago sila tuluyang umalis ni Kyrie.

Nathaniel and Gabbie were left with me and the room was filled with a sad and awkward silence. That is until Gabbie managed to voice out what she’s been thinking.

“Papa. Bumalik na kayo sa bahay. Hindi naman kayo pinapaalis nina Taniel at Kyrie doon.” Bumuntonghininga ako.

“Anak, napag-usapan na natin ‘to, hindi ba?”

“Oo nga, Pa. Kaya lang tignan mo. Nastroke na si Mama. Sino’ng mag-aalaga sainyo doon? Tumatanda na kayo, Papa. Hindi naman namin kayo pwedeng pabayaan na lang.”

“Tama si ate, Papa. Hindi naman namin kayo maaalagaan kung nasa malayo kayo.” Pinagtulungan pa ako ng dalawang ‘to.

“Mga anak, hindi niyo naman kami kailangan alalahanin. Malakas pa ang Papa niyo. Kaya ko nang alagaan ang Mama niyo. Simula noong mga 17 at 18 kami, inaalagaan ko na ang mama niyo. Anong pinagkaiba ngayong 64 na siya at hindi na gumagana ang isang kamay at paa niya?”

Tumayo si Nathaniel at kumakamot ng ulong lumapit sa akin.

“Papa, ang pinagkaiba, 18 ka noon. 65 ka na ngayon.” I gave him a meaningful look. At para siyang natalong tumingin kay Gabbie as if nanghihingi ng tulong.

“Nakakainis ka naman, Papa e.” With that, tumulo na ang luha ni Gabbie na kanina pa niya pinipigilang makawala.

“Para saan pang naging doctor ako kung mismong mga magulang ko hindi ko maalagaan? Hindi ko mapagaling. Ang tigas din kasi ng ulo mo, Papa e.” Haaay… Parang kelan lang, ako ang nagsasabi ng mga litanyang iyan. Noong nagpapalaki pa ako ng mga anak. Ngayon, ako na ang pinapalaki ng mga anak ko.

“O?” Sabay sabay na natuon ang pansin naming tatlo kay Niobe. Gising na ang asawa ko.

“Buhkit—“ Nanlaki ang mga mata niya. Tapos ay tumingin siya sakin with a panicked expression. Nagkatinginan din kaming tatlo ng dalawa kong anak.

“G-Ga..ab. D-Di ko magaaw kamay at p-paa ko.” Hirap at medyo bulol niyang sabi sa akin.

“G-gaab. Ggaaab!” Pinipilit niyang igalaw ang kamay at paa niyang paralyzed. And the more she did, the more frustrated she became.

Tumayo ako at mas lalong lumapit sakaniya. Hinimas ko ulit ang buhok niya as she kept on trying to move her humb hands and feet.

“Shh… Mommy…” I kissed her on her forehead.

“Ggaab. Ddi koo…” Hanggang umiyak na siya.

“Shhh… Everything will be ok, Niobe. I promise. Everything will be ok.”

The Last StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon