Ingat Ka

10 0 0
                                    

Pag-baba ng hagdan,
Ika’y nadatnan.
Inalam ang kung ano man,
Ang inyong pinagkaka-abalahan.

“Naglalaro pa rin kayo?”
Kahit liwanag ay tuluyan nang nagtago.
Mag-sisimula nang gumabi,
Bakit hindi ka pa umuwi?

“Hoy! Umuwi ka na!”
Pag-aalalang tinago sa isang sigaw.
Sinamantala ang posisyong hawak sa klase,
At magkunwaring, pasensiya’y maiksi.

“Bakit?” Iyong sagot,
Na sa akin nagpa-udlot.
Hindi nakasagot at sa kaniya’y napatitig
Puso’y tila ba huminto sa pag-pintig

Nais ko lang namang sabihin na
“Umuwi ka na at baka mapa’no ka pa.”

Written: March 16, 2018

Mga Tulang Nakatala Where stories live. Discover now