Ashley POV
Nandito ako ngayon sa library pinag-aaralan ko ang mga lesson namin dahil magkakaroon kami ng isang quiz ng may biglang umupo sa tabi ko pero hindi ko na siya tinignan bagkus ay nag-focus ako sa binabasa ko ayaw ko kasi na bagsak na naman ang makuha kong score sa quiz namin mamaya.
"Ang sipag mo talagang mag-aral may quiz ba kayo mamaya?" Tanong nya sakin kaya tumingin ako sa kanya.
"Oo nakikita mo naman na nag-aaral ako baka bagsak na naman ang makuha kong score hindi ako tulad mo na matalino.... Teka bakit ka ba nandito Fujima hindi ba kayo magpapractice?" Tanong ko sakanya.
"Tapos na kami nag-practice kaya nga nandito na ako sa library para tapusin tong assignment ko." Sabi ni Fujima at pinakita sakin ang notebook nya.
Time skip
Natapos na kami sa quiz namin at nakahinga ako ng maluwag na hindi bagsak ang nakuha kong score kung hindi maglilinis na naman ako sa buong campus lahat kasi na nakakakuha ng mababang score sa quiz namin ay meron parusa kaya nga minemories ko yung mga lesson namin para hindi lang ako bumaksak.
"Hayst." Buntong hininga ko.
"Ashley." Tawag sakin kaya lumingon ako sa may pinto at nakita ko sila Fujima at Hanagata.
'Ano kaya ang kailangan ng dalawang ito?' tanong ko sa sarili ko.
Kaya tumayo ako at pumunta sa kanila.
"Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila.
"Lalabas tayo mamaya... diba hindi ka bagsak sa quiz nyo? Kaya magce-celebrate tayo." Nakangiti nyang sabi kaya nakatikim siya ng isang batok galing sakin.
Lagi kasi kaming ganito simula Elementary kung nakakakuha ako ng mataas na score lagi kaming kumakain.
"Sira ka talaga Fujima." Sabi ko.
"Para kayong mag gf/bf na nag-aaway dyan." Biglang sabi ni Hanagata.
"Anong pinagsasabi mo Hanagata?" Takang tanong ko.
"Anong ginagawa nyo dito Fujima,Hanagata?" Tanong ni Sir na kakarating lang.
"Wala po Sir kinakausap lang po namin si Ashley." Magalang na sagot ni Fujima.
"Paalisin nyo na po sila Sir nakakasira sila ng mood." Sabi ko kay Sir at tumingin ng masama kay Fujima.
"Cge pumunta ka nalang sa Gym mamaya." Nakangiting sabi ni Fujima.
"Nakakainis ka talaga Fujima" Bulong ko at umupo na sa upuhan ko.
"Bakit mo sinabi yon Fujima?" Tanong ni Hanagata.
"Wala lang gusto ko lang siyang inisin." Nakangiting sagot ni Fujima habang papunta sila sa gym.
Nakarating na sila sa Gym at nakita nila sina Hasegawa, Nagano, Takano at ang ibang players na nagpapractice.
"Nagpa-practice na pala kayo."Nakangiting sabi ni Fujima ng makarating sa gym.
"Nandito kana pala Captain." Sabi ni Hasegawa.
"Kailangan natin maghanda dahil malapit na ang practice game natin sa KAINAN."Sabi ni Fujima.
"Oo captain." Sabi nila at pinag patuloy ang practice.
Natapos na ang klase ni Ashley at pumunta na siya sa GYM. Pagkarating nya ay nagpapractice ang buong team para sa practice game nila sa susunod na araw.
"Hindi pa pala sila tapos magpractice napa-aga ya'ta ako." Bulong ni Ashley ng makarating siya sa GYM kaya umupo muna siya sa bakanteng upuhan napansin naman siya ni Fujima.
"Ok team tapos na ang practice natin." Sabi ni Fujima at lumapit kay Ashley.
"Tapos na ang practice nyo?" Tanong ni Ashley.
"Oo, bakit gusto mo ba kami mapanood muna magpapractice?" Sabi ni Fujima.
"Hindi na tapos na kayo nagpractice kaya magpalit kana." Sabi ni Ashley.
"Hahaha bakit ayaw mo ba na ganito ang suhot ko?" Natatawang tanong ni Fujima.
"Paglumabas ka na ganyan ang suhot mo magkakadarapa ang mga babae sayo t----"
"Gusto daw ni Ashley na siya lang daw ang makakakita sayo ng ganyan captain." Sabi ni Hasegawa kaya nainis si Ashley.
"Ang kyut mo talaga mainis Ashley hahahahaha" Sabi ni Fujima sabay kurot sa pisnge ni Ashley na lalong napa-inis sakanya.
"A-aray bahala ka wag mo akong kakausapin kung hindi mapapatay talaga kita." Naiinis na sabi ni Ashley at lumabas sa Gym.
Ashley POV
Nakakainis talaga siya wala ba siyang ibang magawa kundi inisin ako. Habang naglalakad ako ay may nabangga akong isang poste este tao.
"Pwedi ba mr.tangkad wag k---
Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko si Sendoh Rukawa Mitsui Jin Maki Ryota
"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo pandak." Masungit na sabi ni Rukawa kaya nainis ako na tinawag nya akong pandak.
"Hoy mr.Kapre wag mo akong tatawaging pandak kung ayaw mong masaktan" Naiinis na sabi ko.
"Kalma lang miss" Sabi nila Sendoh at Maki.
"Gusto mo ilibre ka nalang namin" Sabi ni Jin.
"Ililibre?" Paninigurado ko.
"Oo miss ililibre ka kung ayaw mo edi wag" Masungit na sabi ulit ni Rukawa.
Bakit ang sungit ng taong toh? Siguro nag-away sila ng gf nya.
"Nag-away siguro kayo ng gf mo kaya ganyan ka kasungit no mr. Kapre?" Sabi ko.
"Wala siyang gf miss...asawa meron" Sabi ni Ryota.
"Ganon ba?"
"Ano miss gusto mo ba na ilibre ka namin o ayaw mo?" Tanong ni Mitsui.
"Syempre gusto ko sino naman ang tatanggi sa libre di'ba?" Sabi ni Ashley.
"Tama ka dyan miss" Sabi ni Ryota. "Sino naman ang tatanggi sa Libre."
"Tara na nagugutom na ako" Sabi ni Mitsui.
Pumasok sila sa isang sikat na restaurant pagpasok nila doon napatingin lahat ng mga kumakain.
YOU ARE READING
The One And Only
Fanfiction🏀 SLAM DUNK FANFICTION 🏀 Si Ashley Satsuki ay mabait, masipag, mapagmahal at may pagka-boyish din minsan. Kaibigan siya ni Fujima simula pagkabata Si Kenji Fujima naman ay isang basketball player at coach ng Shoyo. Paano kaya magmahal si Fujima sa...
