lumayo naman ako ng bahagya sa babae at hinintay si Yael. 

at nang makalapit ito ay hinigit nya ako at itinago sa likod nya. " Anong ginagawa mo sa kaibigan ko ah?! " sigaw nito sa babaing nagyayabang oh nag hahanap ng away.

" Aba! yang kaibigan mong babae sasaktan ako?! " really? nagyayabang lang ako dito kaya ano nanaman pinuputok ng butsi nya. 

" Hindi ka sasaktan ng kaibigan ko, kung wala kang ginagawa! ha?! " ngayon si Yael naman ang pumoprotekta saakin. Lagot ako nito sakanya! 

" Mga mayayabang! maka alis na nga! " sabay rumampa naman ito. 

sumisigaw pa ito sa mga sumisipol sakanya. Hinarap naman ako ni Yael at kinompronta hawak hawak nya pa ang dalawang balikat ko. Ito nanaman po tayo! 

" Ano yon Victoria? bakit ka nakikipag away ha?! " 

" Nagyayabang lang ako't pinoprotektahan lang kita sa babaing yon. " saad ko habang nakatungo. 

" Kahit na! tignan mona oh! hindi ka mananalo don?! " huh? talaga ba? baka nga yung babae pa ang mabalian ng buto eh! 

" Sorry! " pag hingi ko ng paumamhin ngunit hindi iyon tumabla. Ano ba yan! 

Yan tuloy may nasabi sya na ikinagitla ko. 

" Victoria naman! Mahal kita kung alam mo lang, kaya nga ayokong napapahamak ka eh! " napatingin naman ako ng dahan dahan. 

M-mahal nya ako? m-mahal ako ni Y-yael? 

" Pakiulit nga ng sinabi mo! " para akong nabingi sa sinabi nya. Luh! wag mong sabihin nadulas sya! 

Yan at nagka titigan naman kami. Jusko! para tuloy syang naubusan ng salita at tinitigan na lamang nya ako. Nagulat naman ako nang yakapin nya ako, hala!! 

" Anong nangyayari dito iha? " kumalas naman agad kami sa pag kakayakap at nakita ang dalawang kataas taasan. 

nakita pa nila kung paano kami magkayapos. Ano nanaman ang sasabihin ko? 

*** 

Yael's POV

Dyahe dre! alam na nya! alam na nyang mahal ko sya. Shuta! ba't kasi ako nadulas? tsk. Ito tuloy feeling ko napaka awkward namin sa isa't isa. Napaka kamot ako sa ulo at umaktong nahihiya. Hindi! sobra akong nahihiya dahil ang nakakita saamin ay ang dalawang kataas taasan. Kausap nila si Victoria ako lang ay nandito sa gilid, pero kita ko naman na parang humanga sila kay Victoria? tsk. 

guni guni ko lamang iyon. 

Nang pumasok si Victoria ay sumunod ang dalawang kataas taasan dito. Pero syempre papahuli ba ako? hindi, dahil sumunod naman ako. Nang maka pasok naman ako ay narinig ko ang Mahal na Hari. 

" Wag na wag kang makikipag away Victoria. Lalo na sa babaing sinasabi mo, hindi mo sya kakilala! " saad ng Hari. Okaaay?? 

" Paumanhin Mahal na Hari! " saad ni Victoria at nakita ko itong tumungo. 

" At ano naman ang mayroon sa pagitan nyo ni Yael? ha? " shete! yan na nga ba eh! alam kong tatanungin nila iyon kay Victoria. 

Wala si Aling Beatrice, ilang araw itong wala! kaya sila ang dalawang nakatataas ang nagbabantay kay Victoria. Matagal pa ang uwi nito!

Pero bakit parang magulang ang dating nila? huh? ay nako! pagod ka lang Yael.

" Wala ho namamagitan saamin, mag kaibigan lamang kami. " pinasadahan lamang nya ako ng tingin at deretsong tumingin sa dalawang naka tataas. 

" Mabuti at nag kakaintindihan tayo Mahal na Prinsesa. " hm yan. Oo tinatawag nilang prinsesa ang kaibigan ko, kahit pati ang mga tao sa palasyo ganon din. 

Diko namalayan na nakatingin sa akin ang Reyna. Napalunok ako ng wala sa oras! nakakaba na nakakatakot! 

iba kasi ang tingin saakin eh! 

" Iho bakit pala kayo magkayakapan kanina? anong problema? " 

" Ho? ah eh, prinotektahan ko lang po sya dun sa babae. " saad ko wews! muntikan na! pinawisan ata ako doon eh. 

joke lang, parang yun lang? haha! 

" Nga pala, salamat at lagi kang nandyan kay Victoria ah? " bakit parang ang laki ng pasasalamat nila saakin? 

kung alam lang nila na aasawahin kopa si Victoria. 

" Wala ho iyon! " masigla kong saad dito.

" Mabuti na lang at di sya gaano napagalitan ng kanyang Ama. " mabuti nga ih, pero muntikan naman. Teka ano ba ginagawa nila dito? anong pakay nila? 

at nakita pa nila kami na magkayakap kanina. Gusto ko nga sabihin na panira sila ng moment eh! 

" Ama? Ano pong ibig nyo sabihin? " nag taka naman ako kaya may nasabi ang Mahal na Reyna.

" Mahabang paliwanagin sayo yon iho, pero iisa lang pinapahiwatig ko. Kami ang magulang nya, sya ang prinsesa namin! " pag papaliwanag ng Reyna sa akin. 

hindi agad ako nakapag salita sa narinig ko. Para tuloy akong naistatwa sa nalaman, totoo ba lahat? hindi sila nag sisinungaling saakin? 

" Kaya sana wag mo muna, babangitin kahit kanino ah? Dapat tayo muna ang maka alam. Wala pang alam ang prinsesa ko ha? baka madulas ka. " pag hababilin pa nito saakin. 

Wala naman ako sa sarili na tumango na lang. Nakakabigla, nakakagulat ang balitang iyon para saakin. Tinapik nya balikat ko at nakisali sa kwentuhan ng dalawa. 

hindi! nang mag ama nya! tsk. 

Wala dapat maka alam ng identity ng kaibigan ko, para na din ito sa kaligtasan nya! pumunta na lang ako sa kusina at ako na ang nagluto. Baka ma abala ko silang nag kukwentuhan haha! Pero bakit wala pang alam ang kaibigan ko? 

Dapat alam na nya iyon, hindi dapat na mauna akong maka alam ng identity nya! mukhang kinakabahan ako sa nangyayari ah?

The Eclipse ( Completed )Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz