Chapter 3:

3 0 0
                                        

Intruder

Sa wakas sabado na sarap kumanta ng
I love you sabado~ joke. Nasa dorm nanaman kaming siyam.

"Si Claude kanina pa nasa labas, di nga ata natulog", saad ni Klein sabay upo sa lapag. Sinakop na kase ni Cad at Zyn yung sofa. Akala mo naman sila bumili.

"Kanina pa yan may kausap sa phone", dagdag ni Jav habang kumakain.

"May problema ata", saad ko sabay pasok ni Claude sa loob umiiyak.

Nilapitan agad sya ni Klein at Colt na kakagising lang.

"Anong nangyari kuya Claude?", tanong ni Colt.

"Wala na daw si lola", paliwanag ni Claude sabay buntong hininga. Inabutan sya ni Cad ng tissue.

Nilapitan naman namin siya para yakapin. Minsan lang naman to saka kailangan niya ng emotional support sa panahon na ganto.

Pagkatapos ng ilang minuto ay binitawan na namin siya at umupo na lang sa harapan niya. Tumahan na din si Claude pero namumula na yung ilong at mata niya.

"May sasabihin pa pala ako, padating na daw sya", dagdag nya nagtaka naman kaming lahat kung sinong tinutukoy niya.

"Antayin nyo sya"

"Sinong sya?", si Cad na kanina pa may hawak na tissue. 

"Sya sya sya sya sya sya sya sya sya sya sya everybody!", pagkanta ko binatukan naman ako ni Claude pagkatapos ko kumanta.

"Ok lang hindi naman masakit, oo promise, akala ko nga babaon na ulo ko sa katawan ko", dagdag ko pa tumawa naman kahit paano si Claude.

"Babalik ako sa probinsya", biglaang saad ni Claude.

"Wala na si lola, si lolo naman mahina na. Ito na lang yung paraan para naman makabawi ako sa nagawa nila para sa pagaaruga nila sakin. Tutulong ako sa lolo ko sa palayan", paliwanag nya kaya sumang ayon na lang kami.

"Kailan alis mo?", tanong ni Cad

"Bakit parang gusto mo na akong paalisin?", pabirong tanong ni Claude. Nag kibit balikat lang si Cad

"Bukas ako aalis, tapos ko naman na yung para sa trabaho. Tutulong muna ako kay lolo"

"Arcade muna tayo gusto nyo?", pagaya ni Vinx. Tumango kaming lahat. Si Colt matatanggal na ata ulo nya kakatango.

Pagdating namin sa arcade tuwang-tuwa si Colt. Inakbayan ko muna sya baka mawala.

"Kuya Crei, bilhin kaya natin tong buong arcade", pag aaya nya sakin wala naman akong dalang pera. Di naman din ako tumatae ng pera. Di rin naman ako ATM machine.

"Kay Vinx mo sabihin yan, pati ata kaluluwa ko kaya nyang bilhin", saad ko bigla naman nyang tinawag si Vinx sabay bulong ng kung ano.

"Gusto mo ba?", tanong nya kay Colt tumango naman si Colt. Lumapit si Vinx sa manager nung arcade.

Inantay lang muna namin sila matapos mag usap. Pagkatapos nila mag usap lumapit sya kay Colt.

"Okay na iyo na tong arcade", saad ni Vinx. Pagkasabi nya non kay Colt kitang  kita sa mukha nya na masaya sya.

"Thank you!!!", sigaw ni Colt sabay yakap kay Vinx at niyakap din ako. Pagkatapos non dumiretso na sya sa crane machine.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rewrite The Stars (Mixtape Series #1) Where stories live. Discover now